JERRY OLEA:
Passionate ang halikan nina Ina Raymundo at Will Ashley sa pelikulang X & Y, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan umpisa Abril 17, Miyerkules.

“Ahhmmm, ok naman. Pare-pareho kaming kabado,” pagngiti ni Ina sa mediacon nitong nakaraang Sabado, Abril 13, sa Sequoia Hotel, Mother Ignacia Ave., Quezon City.
“Kasi siya, first time niya. Tapos ako, matagal nang hindi nakipag-kissing scene.
“Pero in fairness to this 21-year old kid, assertive naman yung pag-kiss niya.
“Hindi yung sobrang… nanginginig na ganun. Hindi naman ganun! Ang nanginginig, yung katawan niya. Pero yung lips niya, hindi naman.”
Masarap ba iyung halik ni Will? Sabi ng Kapuso young actor, masarap yung movie? Ano ba yung masarap?
Natatawang tugon ni Ina, “Feeling ko, baka sa food na kinain niya dahil may scene kami na kumakain talaga siya ng food.
“Baka iyon ang ibig niyang sabihin. Nasa restaurant kami, may eksena, talagang kinakain niya yung food.”
Sa halik ni Will, masasabi ba niyang tunay itong lalaki? Walang bahid? Bilang babae, naramdaman ba niyang lalaki talaga ang naka-kissing scene niya?
Natawa muli si Ina, “Parang oo naman! Naramdaman ko naman na assertive yung pagka-kiss niya saka hindi wet.
“Ayaw ko yung parang fish, yung ganun. Kasi parang unhygienic. Ha! Ha! Ha! Ha!”
May linamnam iyong halik ni Will? Manamis-namis?
“Alam mo, sa totoo lang, pag kissing scene talaga sa pelikula, all work talaga yung utak mo,” pagmamatwid ng beteranang aktres.
“Hindi mo iisipin ang something else. Pero since alam kong kabadung-kabado siya… na nagawa niya yung dapat niyang gawin.
“Hindi nanginginig ang bibig, or hindi nahalatang kinakabahan, which is good. Kasi siyempre pag ganun, makakailang takes kami.
“Na-take 2 kami, kasi yung isa, mali yung angle. So take 2 yung ano namin.”
NOEL FERRER:
Malaki ba ang difference na ang kahalikan niya ngayon ay much younger sa kanya, compared before na mga kaedad o mas matanda sa kanya ang ka-kissing scene niya?
Malumanay na tugon ni Ina, “Ahhh same lang din. Kasi siyempre, work is work. Parang pare-parehong lips iyan.
“Pero yun nga, buti hindi wet kisser, hindi amoy-yosi. Yung ganun! Basta, walang amoy yung breath niya which is good, di ba?”
Ang X & Y ay idinirek ni Adolf Alix Jr., mula sa screenplay ni Gina Marissa Tagasa. Prinodyus ito ng G Channel PH.

(L-R: Will Ashley, Ina Raymundo, Elizabeth Oropesa, writer Gina Marissa Tagasa and director Adolf Alix, Jr.)
Nasa cast din nito sina Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Divine Tetay, Bugoy Cariño, Kirst Viray, Ron Angeles, Thor Gomez, Glenda Garcia, at Rico Barrera.

(L-R: Direk Adolf Alix, Jr.; Ina Raymundo, writer Gina Marissa Tagasa and Will Ashley)
Since G Channel PH ang nag produce nito, wasn’t this film intended for a streaming release talaga? Let’s see how this will fare sa theaterical run nito.
Kasabay nitong mag-o-open sa Wednesday ang Abigail, The Ministry of Ungentlemanly Warfare, Under Parallel Skies, at Yolo.
GORGY RULA:
Ang unang naka-kissing scene ni Will ay si Shanelle Agustin sa Kapuso afternoon drama series na The Fake Life, na si Adolf Alix Jr. din ang direktor.
Paulit-ulit noon ang kissing scene nila ni Shanelle dahil hindi agad magawa nang tama ni Will. Dito sa X & Y ay pinagbuti na niya ang pakikipaghalikan kay Ina.
May isa pang movie si Will na si Direk Adolf din ang nagdirek, iyong The Vigil kasama sina Anjay Anson, Kimson Tan, Bruce Roeland, Abed Green, Prince Carlos, Carlo San Juan, at Faye Lorenzo.
Mag-i-start nang mag-shoot si Will ng movie para sa Cinemalaya 2024, kung saan dalawa silang bida.
Bawal pang sabihin kung sino yung gaganap bilang nanay niya sa nasabing Cinemalaya film.
“Itong Cinemalaya na ito, talagang very challenging for me. And naghahanda na kami ngayon,” sabi ni Will.
“Nakakatatlo o apat na workshop na kami para lang ma-embrace ko yung karakter.”
May pagka-dark ang papel ni Will sa nasabing Cinemalaya film, pero hindi naman daw pumapatay. First time niyang gaganap ng ganoong karakter.
“Hindi naman siya mahirap, kasi nakaapat o tatlong workshop na kami. Nagagamay ko na yung karakter,” sey pa ni Will.
