JERRY OLEA
Ginanap ang contract signing ng ABS-CBN at ALLTV ngayong Abril 23, 2024, Martes ng umaga, sa Brittany Hotel sa Villar City, Cavite.
Ang free-to-air channel na ALLTV ay tinaguriang "ang bagong Channel 2."
Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere
Ang pinirmahang kontrata ay magbibiday-daan sa ALLTV na ipalabas ang TV Patrol at ilang nostalgic Kapamilya shows sa ilalim ng Jeepney TV brand.
Bahagi ng official statement ng ABS-CBN: “Simula Mayo 13, mapapanood ng ALLTV viewers ang mga pinakatumatak at pinakapaboritong Kapamilya teleserye na handog ng Jeepney TV sa iba’t ibang oras pati na rin sa prime time pagkatapos ng TV Patrol.
“Dumalo sa contract signing ang Chairman ng Villar Group na si Manny Villar, Senator Mark Villar, Vista Land & Lifescapes Inc. president at CEO Paolo Villar, at All Value Holdings Corp. president at CEO Camille Villar. Kinatawan ang AMBS nina president Maribeth Tolentino at CFO Cecille Bernardo.
“Sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, Group CFO Rick Tan, at chief partnership officer Bobby Barreiro naman ang kumatawan sa ABS-CBN.
“Layunin ng bagong partnership na maghatid ng saya at balita sa mga manonood ng ALLTV na available sa Channel 2 sa free TV, cable, at satellite TV nationwide.”
Ed's Note: Interestingly, kabilang si Camille Villar sa mga kongresista na bumoto para hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.
Read: Who are the 70 solons who voted to kill ABS-CBN appeal for franchise renewal?

NOEL FERRER
Kung Jeepney TV content, yung mga classic ABS CBN teleserye titles na yan.
Sana, kasama ang Ryan Ryan Musikahan, Palibhasa Lalake, Abangan Ang Susunod Na Kabanata, Tatak Pilipino, at The Sharon Cuneta Show na talagang inaabangan ko sa Jeepney TV.
Pero of course, ang puntirya ng lahat ng ito ay ang TV Patrol.
Magandang abangan din kung paano iti-treat ng TV Patrol ang issues patungkol sa mga Villar from now on.
GORGY RULA
Strength ng GMA-7 ang News and Public Affairs kaya kailangan ng Kapamilya Channel ng sapat na exposure ng TV Patrol, dahil hindi nila magagamit ang TV5.
Malaking tulong dito ang ALLTV.
Makakatulong din sa ALLTV ang content ng ABS-CBN kaya magandang collaboration ito.
Sa live streaming ng contract signing kaninang umaga, sinasabi ng ilang netizens na hindi na naghahangad ang ABS-CBN na magkaroon ng franchise dahil napapanood naman sila sa iba’t ibang istasyon.
Sana, lalo pang palakasin ng ALLTV ang News and Public Affairs sa tulong na rin ng mga programang ipo-produce ng ABS-CBN.
Hindi naman nagmamadali ang mga Villar, paunti-unti ay tatatak na sa mga manonood ang ALLTV. At malaking challenge ito sa kanila dahil sa lumalakas na rin ang social media at iba pang platforms.
