JERRY OLEA
Ang 69-anyos na si Miss Baesa 2024 Jocelyn “Joyce” Cubales ang Emperatriz Elena sa Grand Santacruzan sa Mayo 12, 2024, Linggo ng 4:00 p.m., sa Leveriza, Malate, Manila.
Read: MUPHQC candidate Joyce Cubales napaiyak sa komento tungkol sa kanyang edad
“Ilang beses na akong nag-Reyna Elena,” lahad ni Miss Joyce nitong Abril 25, Huwebes ng hapon, sa Starbucks-Victoria Towers, Timog Avenue, Quezon City.
“Masarap na experience iyon. The last noong 2021 sa Fort Santiago sa Manila. Ang sinuot kong gown, kay Lito Perez.
“Nag-Reyna Elena na rin ako before sa Malate, saka provinces. Meron sa Cavite yata. Medyo malayo yung na-travel ko, nag-overnight ako noon.
“Meron din sa Olongapo yata, hindi ko na-track, wala akong record ng mga yon sa cellphone at tablet, pero may newspaper clipping.
“Hindi ko na ma-remember ang exact details. Model pa ako noon.”
JOYCE CUBALES ON JOINING SANTACRUZAN
Pinagkakitaan ba niya ang pagsasagala? If so, magkano ang talent fee niya?
“Ay! Hindi! Donation ko yon,” mabilis na tugon ni Miss Joyce.
“Hindi. Ang Santacruzan, hindi ka naman babayaran dun, e.”
Sa iba kasi, hindi iyon panata kundi raket, kaya meron silang bayad.
Umiling si Miss Joyce, “Ay, hindi! Hindi! Hindi! Donation ko yon. That’s my own time. I don’t ask for fees or whatever.”
Philanthropist si Miss Joyce, at noon pa may lumalahok sa pagkakawanggawa. Sa paningin niya, may kapalit na blessings iyon sa kanya?
“Oo naman, oo naman. Kasi ang sabi nila, di ba, the more you give, the more you receive,” mabining tugon ni Miss Joyce.
“Di ba? Hindi naman ibig sabihin na nagbibigay ka because you’re asking for something na may kapalit. Hindi naman.
“But the thing is, mas masarap ang feeling mo na ikaw ang nagbibigay. And then later on, mare-realize mo na, ‘Ay! Ang blessed ko talaga dahil nagbigay ako!’
“Which is very good. Yun ang magandang feeling, di ba? Kasi hindi naman all the time, pera lang, e, ang importante.
“Dapat marunong ka ring magbigay ng love mo na hindi involved yung money. Which is yung time mo, di ba?
“Katulad niyan, yung pagbibigay ng time, kasi buong araw din yan, e, di ba? So it’s your precious time, so nasa sa iyo talaga yon.
“We have the choice kung ano ang gagawin natin dun sa day natin, di ba? So masarap din yung feeling na you spend your time with these people.
“Na siyempre pag mga Santacruzan, religious yan, e. So we show our faith, di ba?
“Na naniniwala tayo na there is a God na we serve, kaya tayo magsa-Santacruzan.”
Walong taon na natigil ang naturang Grand Santacruzan sa Leveriza, Malate, Manila.
Ang tema nito ngayong 2024 ay “Maria, Huwaran ng Makabagong Alagad ang Kabataan.”
Read: Miss Universe 2018 Catriona Gray salutes senior citizens joining Miss Universe
NOEL FERRER
Sinetch, Cynthia kamo si Miss Joyce Cubales?
Si Miss Joyce ay naging kinatawan ng Brgy. Baesa sa Miss Universe-Philippines Quezon City 2024.
Read: 69-year-old fashion designer Jocelyn Cubales kandidata sa Miss Universe Philippines-QC 2024
Sa edad na 69 ay marami pa ring nangyayari sa buhay niya. Maraming positibo, at meron ding mga pagsubok. Ano ang ipinagdarasal niya?
“Ang ipinagdarasal ko ngayon, at the moment, right now, galing lang ako sa lawyer ko,” natawang sambit ni Miss Joyce.
“May ipinaglalaban ako talaga na naging very much unfair siya sa akin, you know. Tapos ngayon, ako pa yung babaliktarin?
“So sabi ko, hindi puwedeng ganyan, di ba? Sobra na nga yung bait ko na nanahimik ako. And then later, ako pa yung aapihin? Di ba?
“So iyon ang gusto kong i-pray ngayon na sana, maayos ko. Kasi, God knows our heart, e. Di ba?”
GORGY RULA
Idinadalangin din ni Miss Joyce Cubales na magpatuloy ang kanyang good health.
Pahayag ni Miss Joyce, “Health is very important. Because you can’t do anything if you’re sick.
“Kaya nga I’m telling everybody — i-prioritize niyo yung health ninyo more than anything else.
“OK, we need to earn, di ba? Kaya lang, hindi dapat na the whole time ka na lang, mamamatay ka na lang, puro kung anu-ano pa ang iniisip mo, di ba?
“And you don’t take care of yourself? Di ba nga, yung mga taong sobrang abused sa sarili, nila, hindi dapat yon.
“We have to take care of ourselves, and love ourselves more. And I’m praying na this year, matapos yung sinusulat ko na libro.
“I’m writing my second book about health and wellness. Kasi, di ba, I just joined Miss Quezon City, Miss Universe-Philippines Quezon City, di ba?
“And everybody’s asking me, what’s my secret daw for staying so young.”
Siyangapala, ang Hermanos Mayores sa Grand Santacruzan 2024 ng Leveriza Malate ay si Atty. Donato Espino, at ka-Troikang Jerry Olea.
Ang Hermano sa Misa ay si Kgg. Victor Acierto. Ang pangulo ng Comite de Flores de Mayo 2024 ay si Maecy Pagtakhan Codamon.
Kabilang sa opisyales ng komite sina Kgg. Maria Rosario Nacino ng Brgy. 710, Jesus Olivares Jr., Catherine Almando, Alexis Clouie Fernandez, Ezekiel Abad, at Anthony Rubio.
