PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Poging politician, deadma sa pagpapapansin ng female TV personality

Poging politician, mas bet ang isang pretty and smart girl.
by PEP Troika
Published Apr 27, 2024
blind item politician two women
PHOTO/S: Freepik

JERRY OLEA

Hopia, asado, at expectorant ang isang female TV personality na bibigay sa pagpapa-cute niya ang isang poging politician.

Panay-panay ang pakikay at paeklay ni female TV personality, pero wah epek iyon sa poging politician na iniidolo ng marami. Nanatili siyang uubu-ubo.

Read: Showbiz personality, siningil ng dating karelasyon sa mga ginastos nito sa kanya

Ang naulinigan ng PEP Troika, may pinupuntirya si poging politician na isang pretty and smart girl.

Disente ang dating ni smart girl, at walang bahid ng kagaslawan. Ibang-iba sa female TV personality na kung minsan ay may pagkahitad ang arrival.

Sikat si smart girl sa isang prestihiyosong pamantasan. Kagaya ni poging politician, maraming umiidolo sa kanya.

Hahabul-habol si poging politician kay smart girl. Ang masaklap, hindi bet ni smart girl si poging politician.

Walang kilig sa puso ni smart girl kapag nagpapahiwatig sa kanya ang poging politician, kaya iniiwasan na niya ito.

Ayaw ni smart girl na ma-link kay poging politician, at ang nais niya ay tahimik na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaakibat ay limelight at stress sakaling magkatuluyan sila ni poging politician, at hindi iyon kabilang sa life goals niya.

Read: Sikat na artista, clueless sa kabulastugan ng dyowang aktor

GORGY RULA

Ang theme song daw ni female TV personality ay kanta ni Sharon Cuneta…

“Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba/ Mas mapalad ka, mahal kita/ Sa 'ki'y walang nagmamahal…”

Isang kaibigan namin ang nagtsika na kaibigan daw niya ang mommy nung smart girl na ayaw ma-link sa mga sikat na personalidad.

Pero masigasig si poging politician na minsan ay nakukulitan na raw si smart girl. Naniniwala raw kasi si poging politician na mapapaoo niya si smart girl, magtiyaga lang siya.

Kaya lalo sigurong na-challenge si poging politician dahil sa ibang-iba si smart girl sa ilang female personalities na na-link sa kanya.

Read: Dakilang aktor na hiwalay na sa magandang aktres, may bago nang kasintahan

NOEL FERRER

Sana, mahanap ng magaling at poging politician ang dilag na nababagay talaga sa kanya. Malay mo naman at baka magustuhan din siya ni smart girl in time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As for the female TV personality, magpakagaling na lang muna siya sa kanyang work at sana rin ay makahanap siya ng katapat niya.

I’m sure, ipinagdarasal si poging public servant ng kanyang ina na madasalin at malapit sa Diyos.

Sana, magka-love life si poging politician sa tamang tao. Kasi, gusto talaga natin siyang mag-succeed sa buhay niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Freepik
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results