GORGY RULA
Narito ang ratings ng iba pang mga programa sa hapon noong Huwebes, Abril 25, 2024:
Naka-7.6% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 4.3%.
Ang Abot-Kamay na Pangarap ay 11%, at 0.3% lamang ang katapat nitong Dirty Linen.
Sumunod ang Lilet Matias: Attorney-at-Law na naka-10%, at ang Mars Ravelo’s Darna ay 0.3% din.
Ang Makiling naman ay 7.7 percent.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.4%, at sumunod ang Yumi’s Cells na 2.6%.
Noong Biyernes, Abril 26, naman ay naka-7.4% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 4%.
Ang Abot-Kamay na Pangarap ay 10.7%, at 0.5% ang Dirty Linen.
Sumunod ang Lilet Matias: Attorney-at-Law na 10%, at ang Mars Ravelo’s Darna ay 0.4%.
Ang Makiling naman ay 7.3%. Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5%, at ang Yumi’s Cells ay 2.6%.
Read: Eat Bulaga!, hindi nababahala sa pangunguna sa ratings ng It's Showtime?
NOEL FERRER
By the way, GMA Network clinched the 15th spot in the Tubular Leaderboard Worldwide Rankings in March 2024, making it the highest-ranking media company in Southeast Asia.
The list boasts of global content powerhouses, such as Walt Disney, Paramount, Warner Bros., Moonbug (Cocomelon), and Sony Pictures.
For the same period, GMA Network’s consolidated data from its official News and Entertainment accounts on Facebook, TikTok, and YouTube amassed 3,578,640,774 video views, ahead of ABS-CBN’s 2,450,406,260.
On Facebook, GMA tallied 2,012,720,557 video views, while ABS-CBN registered 1,155,212,390.
On TikTok, the Kapuso Network reached 857,054,658 views over ABS-CBN’s 541,692,980.
On YouTube, GMA recorded 708,865,559 video views.
Data from Tubular also showed impressive numbers for GMA’s social media accounts aggregated across its official pages on News, Entertainment, Public Affairs, and other operating business segments, with a cumulative total of more than 395 million subscribers/followers as of March 2024.
Besides social media, netizens also tuned in to GMANetwork.com for the latest news and entertainment updates, resulting in a total of 130 million page views from 25.8 million users year-to-date as of March 31, 2024, according to Google Analytics.
JERRY OLEA
Rerun ang Dirty Linen at Mars Ravelo’s Darna sa TV5, kaya hindi kataka-takang kumain ang mga ito ng alikabok kontra mga kasabay na teledrama.
Ang GMA-7, ire-replay naman sa hapon ang Voltes V: Legacy. Abangan natin kung aariba ba iyon.
Waging-wagi ang mga panghapong programa ng Kapuso Network muna Lunes hanggang Biyernes.
Panalo rin ang mga palabas ng GMA-7 kung weekend, Sabado at Linggo.
Pero sa prime time labanan kung weekdays, ang nangunguna pa rin ay ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin, na tinaguriang "Hari ng Telebisyon."
Talo pa rin ang Black Rider ni Ruru Madrid.
Wagi rin ang My Guardian Alien over Linlang: The Teleserye Version, at ang Asawa ng Asawa Ko over Can’t Buy Me Love.
At least, madalas na mas mataas na ang ratings ng My Guardian Alien kumpara sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Nananatili ang Can’t Buy Me Love sa talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix.
Noong una, supposedly ay hanggang 150 episodes ito. Kapagkuwan ay naging hanggang Episode 148 na lamang iyon.
Paliwanag ng reliable source ng PEP Troika, “Wala kasing episode ng Can’t Buy Me Love na ipinalabas noong Huwebes Santo at Biyernes Santo.
“Kung 150 episodes lahat ang DonBelle series, magpi-finale iyon sa araw ng Martes. Ayaw iyon ng ABS-CBN.
“Desisyon ng ABS-CBN na Biyernes mag-finale ang Can’t Buy Me Love, kaya hanggang 148 episodes lamang iyon.”
