PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Premyadong aktres, tinuhog dalawang aktor sa kanilang TV series

Ang siste, pare-parehong may asawa ang tatlong personalidad.
by PEP Troika
Published May 6, 2024
Son of happily married actress looks like 90s hunk
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA

Isinasabuhay pa rin ng premyadong aktres ang iconic role niya sa isang maalab na pelikula.

Kasama ang premyadong aktres sa cast ng isang TV series, at one of the boys ang eme-eme niya kapag break sa taping.

Bukod-tanging babae siyang nakiki-bonding sa umpukan ng mga aktor na kasali sa TV series.

Isa sa mga aktor na iyon ay bantog sa pagiging dakila at matulis.

Sa titigan pa lang at pagkibut-kibot ng labi ay nagkaintindihan na ang premyadong aktres at dakilang aktor. Pinahulagpos nila ang init na lumukob sa kanilang katawang lupa, at batid nilang ang pagsasalong iyon ay hindi nila dapat ipagkalat.

Puntirya ngayon ng premyadong aktres ang beteranong aktor na kasali rin sa TV series. Nilalambing-lambing ng premyadong aktres ang beteranong aktor na malapit nang maging septuagenarian.

Nagbebenta ng mamahaling tickets ang premyadong aktres para sa isang palabas.

May common denominator ang premyadong aktres, dakilang aktor, at beteranong aktor na magkakasama sa TV series—pare-pareho silang may mga pananagutan sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ibang klase! Naku, delikado ito kapag nagkabukingan dahil bukod sa kani-kanyang partner, lagot itong premyadong aktres sa mas premyadong aktres na nali-link sa beteranong aktor ngayon.

Ito na talaga ang tinatawag na dangerous liaisons sa ating industriya. Afraiddie aguilar kung sakali!!!

GORGY RULA

Meron pa rin kasing lock-in taping paminsan-minsan kapag malayo ang location at sunud-sunod ang taping. Kaya sa mga break nila, doon lumalabas ang itinatagong demonyo sa katawan.

Matinik nga itong si dakilang aktor, at kapag nakakalusot, lulusot.

Natatawa lang siya kapag tinatanong mo, hindi umaamin pero hindi naman niya itinatanggi. Idinadaan lang sa pangiti-ngiti.

Pero itong si premyadong aktres, painosente raw ang dating, na akala mo hindi niya kayang gawin. Pero matinik din at kung lulusot, lulusot din ang lola mo!

Kilala na siya ng ibang aktres na kasama niya sa trabaho. Kinakaibigan lang daw nila itong si premyadong aktres, pero nag-iingat sila at baka mabiktima rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga raw ng sikat na singer-actress, friends ang turingan nila, pero hindi siya nagtitiwala nang bonggang-bongga. Mahirap na!

Related Story:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results