PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Straight comedian, nag-compare notes sa mga kaibigang aktor

Sino para sa straight comedian ang "dakilang totoo" sa kanyang mga kaibigan?
by PEP Troika
Published May 9, 2024
blind item straight comedian compare notes
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA

Ewan kung nakikipag-compare notes ang isang straight comedian, pero G na G siya sa naughty questions.

Panauhin si Straight Comedian sa taping ng isang TV show recently.

Sa interview portion, ibinulong ng host kay Straight Comedian ang isang pilyong tanong.

Read: Christine Bermas breaks up with Nico Locco after cheating on her multiple times

Inurirat si Straight Comedian kung sino ba ang dakilang totoo sa tatlong aktor na kasama niya sa isang programa.

Ang una ay si Matangkad Na Aktor, na kumalat noon ang dalawang litrato na naka-display ang private part habang kinukunan ang sarili.

Ang ikalawa ay si Mapangahas Na Aktor, na nag-hello ang junjun sa unang pelikulang pinagbidahan niya na kalahok sa isang prestigious filmfest.

At ang pangatlo ay si Wholesome Na Aktor, na noong paslit pa ay kalahok sa isang reality competition.

STRAIGHT COMEDIAN'S RANKING

Tinimbang-timbang mabuti ni Straight Comedian ang sasabihin kaugnay sa tatlong aktor na kaibigan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pananalig ni Straight Comedian, topnotcher sa pagka-dakota fanning si Mapangahas Na Aktor.

First runner-up si Matangkad Na Aktor. At nasa bottom ang wholesome na aktor.

NKKLK! Napahalakhak ang isang tisoy na aktor nang mabalitaan ang revelation ni straight comedian.

“Wrong mistake! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ang wagas na dakila ay si Straight Comedian! Taob sa family jewel niya sina matangkad na aktor, mapangahas na aktor, at wholesome na aktor!” tili ni Tisoy Na Aktor.

Si Tisoy Na Aktor ay nag-umpisang mag-artista noong tsikiting pa lang siya, at nag-frontal nudity siya noon sa eksenang pinapaliguan siya sa isang drama anthology.

BTW, edited out sa TV airing ang naturang bahagi ng panayam kay Straight Comedian.

NOEL FERRER

Medyo vertically challenged si Straight Comedian, pero pinagpalang lubos ang kanyang batuta.

Ewan kung mag-iinit ang mga diwata at sirena kay Straight Comedian kahit knowing nila na mas "dakota johnson" siya kesa kina TisoyNa Aktor, Wholesome Na Aktor, Mapangahas Na Aktor, at Matangkad Na Aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ewan ko ba, sa panahon ngayon, parang ang normal nang nagko-compare notes ang mga barakong magkakabarkada.

Wala na ring malisyang maghalikan o maghipuan silang magkakaibigan.

Kung iyon ang biruan nila minsan, hindi mo iisiping bading ang ilan sa grupo ng mga barakong ito.

HUNKILICIOUS ACTOR SINILIPAN SI HUNKY ACTOR

Di ba, si Hunkilicious Actor ay napapagdudahang badikla dahil sa sinilipan niya minsan sa CR ang kaibigang Hunky Actor habang dyumi-jingle ito?

Nairita si Hunky Actor nang nasilipan siya, pero biruan lang daw iyon at wala namang malisya kay Hunkilicious Actor na nanilip.

DOES SIZE MATTER?

Nagma-matter ba talaga ang size?

Kasi, ang sabi ng ibang girlash na kaibigan ko ay hindi raw mahalaga iyon.

Pero minsan ay napapag-usapan din ng mga kababaihang ito kapag nadismaya sila sa "junjun" ng lalaking nakaulayaw nila.

Naalala ring nag-uusap ang magkakaibang aktres nang mag-compare notes din sila kay Aktor na naka-one night stand nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang guwapo ni Aktor na may pagkamoreno, pero hahanapin mo raw sa damuhan, sabi ng isang mahaderang aktres!

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results