PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male personality, kapatid pala sa ama ng sikat na aktor

Sikat na aktor, kamukhang-kamuka ng kanyang biological dad.
by PEP Troika
Published May 10, 2024
blind item male personality kapatid ng sikat na aktor
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Ipinakilala sa akin ng isang kaibigan ang isang male personality na may posisyon sa pulitika sa bandang Kabikulan.

Nag-aartista rin ang male personality, pero maliit-liit lang daw ang roles niya dahil abala siya sa bayang pinagsisilbihan.

Read: Poging politician, deadma sa pagpapapansin ng female TV personality

Nagulat lang ako nang magpakilala si male personality na kapatid siya ng isang magaling at sikat na aktor.

Magkapatid daw sila sa ama.

Pero hindi pa raw sila nagkakakilala ni sikat na aktor. Hindi pa raw sila nagkakaharap.

Kapag maipakilala siya sa publiko na kapatid niya itong si sikat na aktor, tiyak na pag-uusapan siya.

Pero ang pakiusap ng male personality sa akin, huwag ko na raw siyang ilantad na kapatid siya nitong sikat na aktor. Ayaw na raw niyang magulo pa ang pamilya.

Gusto raw ng daddy niyang tahimik na lang, at baka makalkal pa ng publiko ang kanilang buong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matanda na raw ang kanyang ama, ayaw na niyang maging kumplikado pa ang mga pangyayari.

Tama na raw na sinusubaybayan ng daddy ng male personality ang karera at ang pagsikat nitong sikat na aktor. Okay na raw siya kahit hindi na sila magkakilala.

Kaya kahit lumalabas-labas itong si male personality sa ilang programa, hindi talaga siya nagpapakilalang may kapatid siyang sikat na aktor.

Ipinadala sa akin ni male personality ang ilang litrato ng daddy nila nung kabataan nito. Kinilabutan ako dahil talagang kamukha ito ng sikat na aktor.

Hindi talaga maitatanggi, mag-ama sila!

Kinukumbinsi ko itong si male personality na magpakilala na siya sa kapatid niyang sikat na aktor.

Sabi ko, malay natin, baka gusto rin ng aktor na makilala ang kanyang biological father para na rin sa kanyang katahimikan.

Pero ang ama raw nila ang nagsabing huwag na lang. Baka isipin daw ng iba na gagamitin lang ito sa pagpasok sa showbiz ni male personality at isa pa siyang pulitiko. Tama na raw yung ganoon na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi natin masabi. Hindi natin alam kung ano ang kapalarang nakalaan sa kanila. Tingnan na lang natin.

Read: Aktres, sinasamantala ang libreng publicity dahil sa kinasasangkutang controversy

NOEL FERRER

Ayon kay male personality, muntik na siyang nakapasok sa isang sikat na reality show. Pero hindi na raw siya tumuloy dahil nag-decide na siya noong pasukin ang public service.

Kasali siya ngayon sa isang teleserye na napapanood tuwing hapon. Pero pasulput-sulpot lang daw siya, dahil madalas ay wala siya sa Maynila gawa ng posisyon niya sa isang bayan sa Bicol.

Kilala sa pamilya ng pulitika ang kanyang pamilya, at nagmamay-ari ito noon ng isang hotel. Kaya mas naka-focus siya sa politics kesa sa showbiz.

JERRY OLEA

Sa Google, iba ang nakalagay na pangalan ng ama ni sikat na aktor.

Maaaring asawa iyon ng kanyang ina. Ito ang ginagamit na apelyido ni sikat na aktor. Hindi sa kanyang biological dad.

Pero nasa Google din ang isang naisulat na artikulo na nagsasabing nagkakakilala na raw si sikat na aktor at ang kanyang biological father.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Palihim na pumupunta raw itong si sikat na aktor sa bayan ng kanyang ama para dalawin ito.

Ayon sa half-brother ng male personality, hindi iyon totoo.

Sinasabi raw ng kanyang ama na hindi pa talaga sila nagkikita nitong sikat na aktor. Ayaw na raw ng ama na magulo pa, kaya okay lang na hindi sila nagkakakilala.

“Matanda na si Dad. Okay na. Tahimik naman na, and happy na,” sambit ni male personality sa PEP Troika.

May anak na si sikat na aktor. Andami na niyang pinagdaanang pagsubok sa buhay.

Hayaan natin ang tadhana kung magkakatagpo pa sila ng kanyang biological dad, at kung magkakakilala pa sila ng half-brother niya.

Di ba, R. P.?

Read: Dina Bonnevie opens up about forgiving Coney Reyes, Vic Sotto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results