JERRY OLEA
Magiliw na sinagot nina Jessa Zaragoza at Jayda Avanzado ang mga isyung kinasasangkutan nila.

Nakatsikahan ng showbiz reporters ang mag-inang Jessa at Jayda sa thanksgiving party ni katotong Manay Aster Amoyo nitong May 10, 2024, Biyernes ng gabi, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Read: Jessa Zaragoza washes dishes in full makeup; netizens react
Natatawa si Jessa nang uriratin kaugnay sa viral na paghuhugas niya ng mga pinggan habang con todo make-up.
“Ayun na nga! Ano kaya kung maghugas ako ng pinggan tapos meron akong mga diamonds, di ba? Baka may masabi na naman sila,” pagmumuwestra ni Jessa sa mga singsing niyang maningning.
Natawa na rin lang si Jayda kahit na-bash din siya.
Pagpapatuloy ni Jessa, “Kasi, di ba, pinapahula niya yung lyrics ng kanta niya sa akin? E, kasi, hindi naman yun planado. Bigla na lang na-ambush ako habang naghuhugas ng pinggan. Wala naman kaming katulong or helper sa bahay.
"Galing ako sa show noon. Nag-event kami sa St. Luke’s yata noon. Tapos, siyempre, ganun ako talaga kahit sa Amerika.
"Pagkababa ng kotse, hindi muna ako magtatanggal ng mga make-up. Hindi ako nakapagbihis, diretso sa kusina, hugas agad ng pinggan, kung ano man yung naiwanan ko dun.”

REAKSIYON NI JESSA ZARAGOZA SA MGA NANINA SA "WASHING DISHES" VIDEO NIYA
So, hindi niya first time iyong ginawa at hindi sinadya?
Mabilis na umiling si Jessa, “Ay, hindi! Hindi. Hindi pinagplanuhan iyon. Talagang ano, organic.
"And I’m sure maraming mga working moms ang nakaka-relate. Kasi siyempre naman, gusto kong maglinis na ng katawan, magtanggal ng make-up, pag tapos na lahat yung gawain ko.
“Saka ako aakyat para hindi na ako pagpapawisan pa ulit.”
Anong feeling niya at merong pamba-bash pati sa ganoon?
“Alam mo, sa totoo lang, ewan ko, yung mga taong nakakakilala sa akin, matagal ako bago ako maasar talaga nang bonggang-bongga,” pagmamatwid ni Jessa.
“Isa ako sa mga deadma talaga. So pag sumasagot ako na ganun, hindi ibig sabihin, napipikon ako.
“Parang… ‘Ahh, ganun? Gusto mong maglaro? Laro tayo!’ Hahaha. Ganun lang.
“Inano ko lang. Sinabihan ko lang din, in-explain ko lang. Para ngang biniru-biro ko pa, ‘OK na ba sa iyo ang explanation ko? Malinaw na ba?’ Hahaha! Hindi naman seryoso yun."
Read: Jayda Avanzado not on speaking terms with Francine Diaz
GORGY RULA
Hindi agad nabasa ni Jayda ang pamba-bash sa kanya kaugnay sa hugas-plato ng kanyang ina while fully made up.
“Kasi alam ko po, sa Facebook po yun. Pero saka na lang, nung nabasa ko sa internet, sa article po na, yun nga, sinasabi po na hindi ako naghuhugas ng pinggan,” malumanay na saad ni Jayda.
JESSA ZARAGOZA, JAYDA AVANZADO SALITAN SA PAGHUHUGAS NG PINGGAN
Pero gaya ng kanyang ina, sanay rin daw siya sa gawaing bahay.
“Pero ang katotohanan niyan, naghuhugas ako ng pinggan! Hahaha. Ano po kami, salitan po siguro. Depende po sa kung sino po ang hindi busy sa pagkakataong iyon.
“And ako naman, thankful din naman ako na yung nanay ko po, very nurturing siya na gaya ng sinasabi niya palagi sa akin, parang it brings her joy to serve not only me but my dad as well, yung pamilya po namin.
"Naghuhugas din po ako ng pinggan.”
So, hindi tamad-tamaran si Jayda! Naglilinis din siya ng bahay.
Sabi pa ni Jessa, “Kasi naman, siyempre, tumira kami sa Amerika. Sanay kami sa gawaing-bahay, magtapon ng basura…
“Hanggang ngayon sa bahay namin, ako naglalaba talaga. Mas gusto ko na ako naglo-laundry, kasi may mga damit na very critical, na kailangan lalagyan mo pa ng laundry net.
“Mayroon pang-hand wash. So mas gusto ko na ako ang nagha-handle nun.”
Magkasunod ang isyu sa mag-inang Jessa at Jayda, at damay-damay sila.
Sabi na lang ni Jessa, “Ganun talaga siguro ang life. Hindi naman namin hinihingi yung mga ganung ano.
“Alam mo naman ako, tahimik lang. Ayaw natin ng mga ganun-ganun. Marami lang shows, ganun. Pero yung mga bali-balita, hindi natin inaano…”
Bilang nanay, ano ang naramdaman ni Jessa sa kontrobersiyang kinakaharap ng kanyang daughter?
“Well, ganun talaga. Nasa showbiz ka, e. Nasa showbusiness ka, natural lang na meron talaga na darating ang pagkakataon na ganyan,” pakli ni Jessa.
"Basta kapag tinanong ka naman nang maayos, sagutin mo din nang maayos, di ba?”
NOEL FERRER
Grabe, no?! Kung tutuusin, bakit kailangang mag-explain ni Jessa, at ano ang K ng mga tao na mam-bash sa mga ganap ng mga buhay ng mga tao? Iba talaga ang nagagawa ng social media sa mga tao. I wish it brings out the best in us.
Sana, masaya lang. Sana, people were kinder.
