PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda refutes rumored romance with Kira Balinger

Kelvin Miranda: "Wala po kaming naging relasyon ni Kira."
by PEP Troika
Published May 14, 2024
Kira Balinger and Kelvin Miranda on Chances Are, You and I movie
Kelvin Miranda on past issue with Kira Balinger: "I mean, na-confuse talaga ako nung time na yun. Aminado naman ako. Pero humanap ako ng way para hindi na siya maulit at malagay sa ganung klaseng sitwasyon."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Finally, mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Chances Are, You And I ng Pocket Media Films, na pag-aari ng direktor nitong si Catherine "CC" Camarillo. Nakatakda ang showing ng pelikula sa Mayo 29, 2024.

Taong 2022 pa ito natapos na kinunan ang ilang bahagi ng pelikula sa Seoul, South Korea, na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Kira Balinger.

February 2022 sila nag-shoot sa South Korea. Na-experience nila ang sobrang lamig na umaabot pa raw minsan sa -24 degrees Celsius.

Ang maganda rito, sinuportahan sila ng Seoul Film Commission, kaya naging madali sa kanila ang pag-shoot doon sa Korea.

Sabi ni Direk CC: "When they read our content, grabe yung enthusiasm nila to support us. They emailed us, they gave us everything that we need, kung saan namin gustong puntahan.

"Ang maganda pa nun, I get to see different spots there."

Kira Balinger clarifies how she and Kelvin Miranda dealt with past issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KELVIN MIRANDA ON MOVIE WITH KIRA BALINGER

Natuwa sina Kelvin at Kira dahil panibagong experience raw ito sa kanila. Talagang nadisiplina raw sila sa trabaho.

"Nung sinu-shoot po namin dun, nasanay po ako na gumising two hours before.

"Kung call ng 6:00 a.m., nagigising ako ng 4:00 a.m. kasi nag-workout pa ako nun. nagpapa-make up na po ako, para pagdating ng 6:00 a.m., prepared na.

"Nagkakape na po ako. Ayoko kasing masyadong minamadali yung preparation," pakli ni Kelvin sa media conference ng pelikula.

Ganun din daw ang na-experience doon ni Kira.

"Kasi tayo, nasanay tayo sa Filipino time, hindi puwede sa kanila dun. So, it was a good practice po for all of us po, na to have discipline when we were there.

"Especially, since yung kalaban namin dun was the weather, it was so cold.

"You know the overall experience was so wonderful, it was so memorable and na-miss ko yung lamig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi nga I’m from the U.K. So, ngayon lang din ako naka-experience ng ganun ang lamig po," saad ni Kira.

Proud si Direk CC sa project na ito dahil buong pamilya ang bumuo nito, at naitatag ang film production nilang Pocket Media Productions.

Ang anak niyang si Ellis Catrina ang nagsulat, ang isa raw niyang anak na lawyer ang may hawak ng legalities kagaya ng mga kontrata, at may isa pa siyang na anak na chef na in charge naman sa catering sa shooting.

Read: Kira Balinger on Kelvin Miranda's ex-girlfriend accusing her as third party: "Hindi ako kabit."

KELVIN MIRANDA ON PAST ISSUE WITH KIRA BALINGER

JERRY OLEA:

Dito sa pelikulang Chances Are, You And I nagsimula ang isyu kina Kelvin at Kira. Sobrang apektado si Kelvin sa intriga sa kanila ni Kira na naging sanhi raw ng pagkakaroon niya ng problema sa mental health.

Kaya doon sa mediacon ay pinakiusapang mag-focus na lang sa pelikula at hindi na ang isyu ng dalawang bida.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero naitanong pa rin ng PEP Troika sa kanila kung ano talaga ang totoong namagitan sa kanilang dalawa.

"Hindi naman po naging kami ni Kira," paglilinaw ni Kelvin.

"Wala po kaming naging relasyon ni Kira or ano… Para ma-clear lang po, hindi naman po naging kami," dagdag ng binata.

Sa mga sumunod na salita ni Kelvin, ipinaliwanag niya dynamics nila ni Kira nang ginagawa nila ang pelikula.

"Nagkaroon lang ng… siguro dahil sa pagiging devoted namin sa project na ito, first kong pelikula ito na talagang bida ako sa romance.

"Yung huling pelikulang nagbida ako iyung Deadly Kidz, tapos yung After All. Hindi ko siya madya-justify dahil sa work.

"I mean, na-confuse talaga ako nung time na yun. Aminado naman ako."

"Pero humanap ako ng way para hindi na siya maulit at malagay sa ganung klaseng sitwasyon.

"Yun lang po talaga yung closeness… sobrang pagiging close namin. Naging kumportable sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun yung pinakamasasabi ko na totoo, naging kumportable kami sa isa’t isa," dagdag ni Kelvin.

Hindi na namin nasundan ng tanong dahil nag-iba na ang pakiramdam ng Kapuso actor.

Parang nabalik na naman daw ang dati niyang naramdam nang bumalik ang alaalang ito.

Pero okay raw sila ni Kira at hindi naging problema ang isyung ito sa promo ng kanilang pelikula.

Read: Kelvin Miranda on being seen with gay friends: "Nambabakla raw ako."

KIRA BALINGER ON BEING FRIENDS WITH KELVIN MIRANDA

NOEL FERRER:

Sabi naman ni Kira, naging professional lang sila para pagtulungan nilang i-promote ang pelikulang ito.

"We’re okay. As colleagues, siyempre we both show up for work. I think I can say that we are both professional when it comes to our work.

"So no matter what happens, we both have to show up. And you know it’s a beautiful film and Direk Cathy (Camarillo), she gave her all for this movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My God! She worked so hard for this. The whole production, they worked so hard for this. So, it’s only right that we show up for them as well," saad ni Kira.

Friends naman daw sila ni Kelvin at wala raw problema sa kanilang trabaho.

"Oo naman po siyempre. I don’t think we could do this together kung hindi po kami friends, kung meron ano sa isa’t isa, mahirap po yun, di ba?" bulalas ni Kira.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on past issue with Kira Balinger: "I mean, na-confuse talaga ako nung time na yun. Aminado naman ako. Pero humanap ako ng way para hindi na siya maulit at malagay sa ganung klaseng sitwasyon."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results