GORGY RULA
Mas na-enjoy ni Glaiza de Castro ang taping nila sa Season 2 ng Running Man Philippines, dahil mas kumportable na silang runners at talagang close na silang lahat.
Pero ang isa sa ikinatuwa ni Glaiza nang mag-taping sila sa South Korea ay napapunta niya roon ang asawang si David Rainey.
Nagkaroon daw sila ng time na makapag-bonding sa South Korea pagkatapos ng taping ng Running Man Philippines.
Read: Glaiza de Castro at mister na si David Rainey, parang nasa honeymoon stage pa rin
Ang gusto kasi ni Glaiza ay marami pang Asian countries na mapuntahan ang asawa.
“Nagkaroon kami ng ilang araw sa Korea after nung taping namin.
"Since hindi nga natuloy yung holiday namin na out of the country, sabi ko, parang maganda na makita niya rin yung Korea, kasi nandito kami for more than a month nung last season.
“Sobrang na-enjoy niya.
"Kasi iilan lang yung Asian countries na napuntahan niya. Masaya ako na naka-experience niya ng different Asian countries,” pahayag ni Glaiza nang nakatsikahan namin sa nakaraang media conference ng Running Man Philippines.
PHILIPPINES OR IRELAND?
So far, iyon daw muna ang set-up nilang mag-asawa dahil marami pa siyang commitments dito sa Pilipinas, at si David naman ay may negosyo rin sa Ireland.
Kaya hindi pa napagdedesisyunan na mag-asawa kung saan ba ang magiging permanent residence nila—dito sa Pilipinas o sa Ireland.
Read: Glaiza de Castro's message to single ladies who are looking for "The One"
Na-enjoy naman daw nila itong napapabiyahe sila sa gitna ng marami nilang ginagawa.
“Masaya kasi nga may nagpapabalanse sa akin dito. Kasi before, ang laging iniisip ko, career, trabaho, di ba?
“I was being too hard on myself.
"Parang dumating dun sa point na yun nga, masyado akong naging seryoso. Nakalimutan kong mag-enjoy. Nakalimutan kong maging spontaneous.
“So, nakatagpo ako ng isang tao na spontaneous din at game din sa kung ano yung mga trip ko. Parehas kami mag-travel, parehas kaming mahilig mag-workout. Iyon yung love language namin.
“Sobra akong naintindihan kahit ano, iba kami ng lengguwahe,” dagdag ni Glaiza.

Glaiza de Castro and David Rainey at their Philippine wedding
JERRY OLEA
Na-enjoy ng mag-asawang David at Glaiza ang bonding nila sa mga biyahe nila sa ibang bansa. Pero nakahanda na rin sila sakaling mabubuntis na si Glaiza.
Okay naman daw na sila munang dalawa. Pero sakaling mabuntis siya, handa naman daw siya.
“Feeling ko rin. Ready naman ako, kinu-consider ko na siya,” napangiting pakli ni Glaiza.
“Napapag-usapan na po namin. Pero siyempre, timing… hindi naman po matagal-tagal pa. Pero nandun na rin sa puntong napapag-usapan at pinaghahandaan na namin kung sakali man na mangyari.
“Pero parang ano, e, parang katulad din ng mga missions [sa Running Man] na ginagawa namin na may luck, di ba? Parang hindi mo masasabi kung mangyayari, mangyayari.
“Pero kasi parang pinagpi-pray din namin na handa na po talaga emotionally, physically, and yung set-up pa namin inaayos pa namin ngayon.
"Kasi sa ngayon, dalawa-dalawa pa yung kasi ano nga, e, parang medyo madami kaming choices kung saan kami talaga pipirme.
“Parang sa ngayon, hindi pa puwedeng pumirmi dahil ang daming nangyayari sa kanya-kanyang ano naming lugar namin. May business siya dun, may career ako dito.
“Parang tina-try pa rin namin talagang i-workout yung set-up namin here. So, what more kung meron pang baby,” dagdag ni Glaiza.
Read: Glaiza de Castro reveals getting married to David Rainey October 2021
NOEL FERRER
Bukod sa Running Man Philippines ay bahagi rin si Glaiza sa fantaseryeng Sang’gre kung saan feel na feel raw niyang maging Pirena.
Sa ngayon ay sa Running Man Philippines muna napapanood si Glaiza tuwing Sabado at Linggo ng gabi.
Maganda ang pagbalanse ni Glaiza sa kanyang career at personal na buhay.
Dalangin nating mabiyayaan na sila ni David ng supling, at nawa’y lalong mag-init at tumatag ang kanilang pagmamahalan!
