JERRY OLEA
Mayo 24, 2024, Biyernes, dalawang araw bago ang 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards sa Manila Hotel, tinanggal na si Ms. Eva Darren sa listahan ng presenters.
Ito ang ibinunyag ni Johnrey Rivas sa Facebook nitong Mayo 29, Miyerkules.
Si Johnrey ang social media manager ng FAMAS, at kasalukuyang presidente ng theater group na Philippine Stagers Foundation (PSF), na punong-abala sa daloy ng programa ng 72nd FAMAS Awards.
Noong gabing iyon ay backstage host din si Johnrey.
Bakit tinanggal si Ms. Eva sa listahan ng presenters noong Friday night?
Read: Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?
Ayon kay Johnrey, hindi kumpirmado na dadalo si Ms. Eva sa awards ceremony. Ang dapat daw magkumpirma niyon ay ang PRO ng FAMAS na si Renz Spangler.
Inamin ni Johnrey na hindi totoo ang inilabas na statement ng FAMAS noong Mayo 27, Lunes, nang humingi sila ng paumahin kay Ms. Eva.
Bahagi ng controversial statement: "She was part of the program in last night’s Awards Night and was supposed to present Special Citations with Mr. Tirso Cruz III.
"But considering that we were running a live show, and due to myriads of people present in last night’s festivities, the production team was not able to locate Ms. Darren…"
Read: Charo Santos, "nahanap" si Eva Darren sa 72nd FAMAS
Inamin din ni Johnrey na hindi hinanap ng production team si Ms. Eva, dahil Biyernes pa lang ay tinanggal na ito sa lipon ng presenters, kaya wala ang mukha at pangalan ni Ms. Eva sa ini-announce ng FAMAS na presenters.
Tama si Divina Valencia — na nagbitiw ng mga salitang "napakalaking katarantaduhan" at "big BS" — tungkol sa sinasabing hindi ma-locate si Ms. Eva sa Manila Hotel, dahil nakapuwesto sila nina Ms. Eva at Marissa Delgado malapit sa entablado.
Read: Divina Valencia, nagsalita sa Eva Darren-FAMAS issue
Bahagi rin ng seven-page at 3,051-word statement ni Johnrey ay ang tungkol sa dinner ng guests:
"Lahat ng sinasabi niyong per plate na binayad ay may pinaglaanan.
"Siyempre babayaran din ang Manila Hotel at ang dinner dito, libre din sa dinner ang mga nominees at winners, mga special awardees at plus one nila, at iba pa, ang stage, sounds and lights, ushers, etc…"
Taliwas ito sa impormasyong nakalap ng PEP Troika.
Sa pagkakaalam ng PEP Troika, ang isang major winner ay nagbayad ng P15,000 para sa tatlong plato—para sa kanya na winner at sa dalawang kasama.
Of course, hindi ang best actress na si Kathryn Bernardo ang tinutukoy ko. Wala kasi sa dinner ang dalaga.
Ayon sa isa pang source ng PEP Troika, nag-stay sa isang hotel room si Kathryn, kaya sa backstage ito nanggaling nang tanggapin ang kanyang tropeyo bilang best actress.
Nag-resign na si Johnrey bilang socmed manager ng FAMAS.
Ipinagdiinan niyang si Renz Spangler lamang ang may kasalanan sa pagkakatanggal kay Ms. Eva bilang presenter sa 72nd FAMAS Awards.
Naunang nagbitaw si Renz bilang PRO ng FAMAS via Facebook, pero agad din niyang tinanggal ang post na iyon.
Hunyo 22, 1994 naganap ang Manila Film Fest Scam, at nalalapit na ang ika-30 anibersaryo nito.
Sa araw na iyon ay mainit pa rin kayang pag-uusapan ang 2024 FAMAS Fiasco?
Read: Eva Darren, kinabog ang winners at big stars sa 72nd FAMAS
NOEL FERRER
This year’s FAMAS Awards became the award-giving rites where people just glossed over the glaring results with some surprise incredible winners. We're not talking here about excellence or any attempt at film education; instead, we're talking about how this awards night has just become the reference point on how not to treat a senior actor in our country.
Worse, it exposed certain practices now referred to as "fundraising"— which includes the much-talked-about seats reportedly sold at the dinner, seats mostly occupied by non-industry members, thus turning the event into A Grand Fans' Day.
In other words, chaotic, lacking in class, scarce in excellence, totally unbefitting of the oldest existing film award-giving body in the country.
In the end, if FAMAS wants to salvage its eroded reputation, it should purge the mediocre elements and entities in it with vested interests, as it did when FAMAS made National Artist Ricky Lee its jury head.
Note: if the Film Academy of the Philippines' Luna Awards are recognized as the industry guild awards; the Urian of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino and the Young Critics Circle (YCC) as the critics’ choice awards; the Eddys, Star, and EnPress as the entertainment press' awards; and the Gawad Tanglaw, PASADO, and GEMS as school consortium awards—the big question is, what does FAMAS at this present time actually represent?
Or is it just resting on past, possibly lost, glory?
With the recent turn of events—given the surprise winners and the amateurish conduct of the ceremony, and continuous questions about its reason for being—honestly, do we still need and deserve FAMAS?
Read: FAMAS apologizes to veteran actress Eva Darren
Read: Pamilya ni Eva Darren, tinanggap na ang paumanhin ng FAMAS
GORGY RULA
Napakahaba, detalyado, at malinaw ang paliwanag ni Johnrey Rivas sa lumalaking isyu na ito ng FAMAS at kay Ms. Eva Darren.
Sa totoo lang, puwede pang paiksiin iyan. Nilaktawan ko na ang iba niyang hanash. Kaya baka meron lang akong na-miss.
Naguluhan na ako, kasi ibinagsak ang sisi ng kaguluhang ito sa PRO na si Renz Spangler.
Ano ba ang responsibilidad ng PRO? Ano ang kinalaman niya sa production ng naturang awards night?
Ang hinahanap ko kasi na dapat may responsibilidad sa pag-aayos ng mga talents na magiging bahagi ng awarding ceremony ay ang TALENT COORDINATOR.
Sa bawat produksyon, lalo na itong awards night na maraming artista at mga personalidad na involved, mabigat ang trabaho ng Talent Coordinator.
Ilang awards night at ibang shows na napagtrabahauan ko bilang talent coordinator, nakasalalay sa akin ang pag-aayos ng performers at presenters.
Pagdating sa mga presenters, ako ang nagde-decide kung sinu-sino ang personalidad na magpe-present ng isang kategorya, maliban kung may utos ang producer o sino mang opisyales ng isang grupo na itong artistang ito ang magpe-present ng isang kategorya.
Wala akong nakakatrabahong PRO sa produksyon ng isang malaking event kagaya ng awards night.
Sa ilang taong pagpo-produce ng PhilStagers Foundation ng napakaraming stageplays sa iba’t ibang paaralan at probinsiya, tiyak na meron silang talent coordinator na nag-aayos sa mga artistang bahagi nito.
Kahit sinasabi ni Johnrey na walang producer ang FAMAS, naitawid nila ito dahil sa galing ng team ni Direk Vince Tanada at sa pamumuno ni Johnrey Rivas.
Bakit absent ang TALENT COORDINATOR? Hindi ba siya nasabihan ng PRO?
