GORGY RULA
Bentang-benta pa rin sa TikTok ang mga tagpo sa Senate hearing ng imbestigasyon kay Mayor Alice Guo.
Gamit na gamit na rin ang linyang, “Hindi ko po alam, Your Honor.”
Kaya naging interesting na talaga itong karakter ng alkalde ng Bamban, Tarlac.
Nabanggit nga ni RS Francisco nung naka-lunch namin na gusto raw sana niyang mag-ala-Mayor Alice Guo sa Live AIDS sa UP Diliman, pero baka ma-bash lang daw siya.
Iyon din ang apprehension ng ibang film producers na nakausap namin nang binigyan namin ng ideya na baka gusto nilang isapelikula ang kuwento ni Mayor Alice Guo.
Isang active film producer ang tinanong namin kung interesado ba siya sa kuwento ng kontrobersiyal na alkalde.
Natatakot daw sila, kasi galit ang mga tao kay Mayor Alice Guo.

ALICE GUO LIFE STORY?
Nabanggit din kasi sa akin ng isang premyadong aktres na isa raw sana sa gusto niyang gawin ay magampanan niya ang karakter na mala-Mayor Alice Guo.
Kung hindi man ang mismong kuwento nito, pero tipong ganun daw na karakter.
Sa dami ng mga magagandang pelikulang nagawa nitong premyadong aktres, meron pa pala siyang dream role, at ito ngang kay Mayor Alice Guo.
Interesting ang pagkakalahad ng kuwento ni Mayor Alice Guo kung ibabase sa isinalaysay niyang anak daw siya ng kasambahay at pinalaki sa farm.
Kinuwestiyon ang pagkatao kung isa nga ba siyang espiya ng Tsina.
Kung ma-handle ng magaling na direktor, maganda ang kalalabasan ng pelikula.
Pero natatakot ang ilang film producers na napagtanungan ko dahil negatibo raw ang dating ng karakter nito.
Read: Nash Aguas, Mika dela Cruz reveal breakup before wedding
NOEL FERRER
Oo naman, very risky. Kasi, very off ang mga Pinoy kay Alice Guo and what she represents.
If at all, isang panggising sa ating diwa kung bakit nag-e-exist at nananalo pa sa public office ang isang katulad ni Alice Guo.
May punto naman ang producer ng movie. Sa tingin ninyo, magbabayad ang mga Pinoy para panoorin ang pelikula ng buhay ni Alice Guo?
Kung ang Senate hearing nga, hindi na masikmurang panoorin, pelikula pa kaya? What do you think?
Read: Vice Ganda retracts apology to "EXpecially For You" searchee
JERRY OLEA
May film producer din na gustong simulan ang isang pelikulang tumatalakay sa ilang anomalya sa gobyerno, lalo na sa kapulisan.
Balak daw nilang i-submit ito sa 50th Metro Manila Film Festival.
Kinukuha ng producer na gumanap bilang tiwaling police superintendent ang isang multi-awarded actor.
