PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darryl Yap, may kuda rin sa It's Showtime issue

It's Showtime issue, natabunan na ang FAMAS controversy.
by PEP Troika
Published Jun 7, 2024
vice ganda axel christine expecially for you
Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang isyu tungkol sa pagsita ni Vice Ganda (kaliwa) sa "EXpecially For You" searchee na si Axel Cruz (gitna) dahil sa ikinilos nito sa searcher na si Christine (kanan).
PHOTO/S: GMA Network YouTube

JERRY OLEA

Humuhupa na ang Eva Darren issue kaugnay sa 72nd FAMAS Awards.

Read: Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?

Lumalagablab lalo ang balitaktakan kaugnay sa "EXpecially For You" segment ng It’s Showtime, at bidang-bida roon sina Vice Ganda, Axel Cruz, at Christine.

Read: Vice Ganda retracts apology to "EXpecially For You" searchee

DARRYL YAP

Facebook post ng controversial writer-director na si Darryl Yap nitong Hunyo 6, 2024, Huwebes ng gabi:

“nakakatawa yung damage control na kunwari mga trolls lang yung galit at naninira lang.

“Mga totoong tao ang nagsasalita, namumuna at nagbibigay ng suhestyon, hindi para manira kundi para umayos ang sistema.

“Huwag nyong lahatin.

“hindi lahat sumasampalataya sa Diyus-diyosan nyo, hindi lahat natatakot na baka mawalan ng trabaho at kaibigan—at hindi lahat nadadaan sa mga pautot na ganyan.

“Hindi nakakabawas ng pagkatao ang pagkakamali, kung hindi nyo kayang panindigan, huwag kayong manloko para lang lusutan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May shoutout kapagkuwan sa FB si Direk Darryl, “Wala po kaming problema o away ni Vice Ganda, hindi kami magkakilala nang personal. nagreact lang ako sa napanood at nalaman ko;

“Bakit? KASI KAYA KO

“AT GUSTO KO. yun lang.”

Read: Nico Locco, may pasaring kay Vice Ganda

Read: Nikko Natividad airs opinion on It's Showtime issue

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MARISSA SANCHEZ

Isa pang nagkomento ay ang kaibigang singer-comedienne na si Marissa Sanchez.

Ani Marissa, nag-shout na siya sa FB kaugnay sa usaping ito, “Nagugulat Ing ako sa mga Bullies na galit sa kapwa Bullies! Mga Matataray na galit sa kapwa Matataray din!”

Opinyon ni Marissa, “But ‘am not saying na tama c Vice sa ginawa nya. Nagugulat lng ako dun sa mga naninita sa knya… eh mga bullies at matataray din ung mga naninita sa knya!

“Eh lht ng TAO nagkakasala at nagkakamali. Dapat marunong na lng tyo magmarka sa tao, parang hindi lng appropriate na nanggagaling ang hanash sa mga gnitong klase din.

“Parang tignan muna natin ung dumi sa mukha natin bgo manita ng iba! Sympre included ako dun. Like i sed; Focus na muna ako sa mali ko Papa O!”

marissa sanchez comment
Marissa Sanchez's comment on Ogie Diaz's Facebook post
Photo/s: Screen grab from Ogie Diaz Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

National issue na pala ulit iyung It’s Showtime dahil kay Vice Ganda!

OK, iginagalang natin ang malayang pamamahayag.

Puwede tayong pumuna. Pero iwas na lang sa galit. Wala tayong mapapala riyan.

Mas maraming naaayos sa mabuting usapan.

Kailangan bang magparunggitan at magpatutsadahan sa social media? Palakasan ng boses? Paramihan ng followers at comments?

Iba na talaga ngayon. OK to put out your stand, karapatan niyo yun.

Get off It’s Showtime kung iyon ang makakapagpasaya sa inyo. Or kung gusto pa ninyong dutdutin ang isyu, makakadagdag pa kayo sa ratings nila.

As for Vice Ganda, may sarili iyang isip at konsensiya. I suppose may sarili siyang reflection sa nangyayari.

We just hope all of these will lead us to what’s best.

OK lang na may stand! Lahat tayo, entitled doon. But let’s just stop the hate!

Read: EXpecially For You searchee slams "nabayaran" accusation

GORGY RULA

Nakini-kinita ko nang celebrity na ang dating nina Axel Cruz at Christine kapag nagkakatipun-tipon sila ng mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandiyan na ang kantiyawang, “Di ka na maabot! Sikat ka na!”

Mainit silang pinag-uusapan sa ngayon at marami ang sumasali at nagbibigay ng kanilang opinyon.

Pero hanggang kailan ito? Papasukin din kaya nila ang pag-aartista?

Nakilala na rin kasi sa "EXpecially For You" ang mag-ex na sina Kyuso Guinto at Jaja Disuangco. Kaya nabuo ang KyoJa loveteam.

Read: Are ex-couple Kyosu Guinto and Jaja Disuangco getting back together after "Expecially For You" stint?

Nasa ilalim sila ngayon ng management ng Asterisk Entertainment, at wala na kaming balita kung ano na ang nangyari sa kanilang career.

Hintayin natin kung meron talagang mapapasikat ang It’s Showtime, lalo na ang produkto ng "EXpecially For You."

Sa ngayon kasi, ang It’s Showtime ang sikat na sikat, at lalo pang bumubongga ang career ni Vice Ganda.

Nasilip ko uli ang ratings kahapon, June 6, at lalo pang tumaas ang rating ng It’s Showtime na naka-8.1%, habang ang Eat Bulaga! naman ay 3.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang isyu tungkol sa pagsita ni Vice Ganda (kaliwa) sa "EXpecially For You" searchee na si Axel Cruz (gitna) dahil sa ikinilos nito sa searcher na si Christine (kanan).
PHOTO/S: GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results