PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna Tolentino, nililigawan ni Lito Lapid?

Manay Lolit, hindi boto kay Lito para kay Lorna?
by PEP Troika
Published Jun 8, 2024
Lorna Tolentino and Lito Lapid cozy scene in FPJ's Batang Quiapo. Is Lito courting Lorna?
Tambalan nina Lorna Tolentino at Lito Lapid sa FPJ's Ang Batang Quiapo, nauwi sa totohanan? Lito, pinopormahan si Lorna?
PHOTO/S: Screengrab from FPJ's Batang Quiapo / ABS-CBN

JERRY OLEA:

Iniluwal ang PriManda (Primo + Amanda) tandem nina Lito Lapid at Lorna Tolentino sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.

Kahit senior citizens na sila, maalab ang kissing scene nila last year. Bigay na bigay.

Sa totoong buhay, pinopormahan na ba ni LL si LT?

“Naku, day!” tili ni Manay Lolit nitong Hunyo 6, 2024, Huwebes, sa Supersam restaurant sa Sct. Tobias St., Quezon City.

May payo raw si Manay Lolit kay Lorna: "Sabi ko sa kanya, ‘Lagi mong isipin, galing ka kay Rudy Fernandez na mas mataas noon ang level.’ Di ba?!

"'Dapat pagpipili ka, dapat ka-level din ni Rudy, 'no?!'"

Like who?

"E, hindi! Kung may makikita nga siyang ka-level ni Rudy. Kahit wala sa showbiz, ka-level man lang sana ng status ni Rudy, di ba?" sambit ni Manay Lolit.

lito lapid's status

Hindi siya pabor na magkamabutihan sina Lorna at Lito?

Mabilis na tugon ni Manay Lolit, "Hindi, 'no! Diyos ko, matapos anakan ni Lito Lapid si Michelle Ortega, gusto pa niyang anakan si Lorna?!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Michelle ay alaga rin ni Manay Lolit. Ang anak nina Lito at Michelle ay ang Kapuso actress na si Ysabel Ortega.

Single ba ngayon si Lito? Walang partner?

"Forever naman silang magkasama ni Marissa. Hindi naman humihiwalay si Marissa sa kanya ever since," sey ni Manay Lolit.

Ang tinutukoy ni Manay Lolit ay si Marissa Tadeo, misis ni Lito.

WHAT LORNA TOLENTINO SAID ABOUT LITO LAPID

Sinusuyo ba talaga ni Lito si Lorna? Nililigawan?

"Siguro nagpapahaging-haging, kung makalusot, OK. Kung hindi makalusot, OK din."

Makakalusot ba?

"Hindi, 'no!" pagtanggi uli ni Manay Lolit.

Anong sagot sa kanya ni LT nang pagsabihan niya ito?

"Sabi niya, 'Hayaan mo na, Nay. Anu-ano lang yan, kati-kati lang.' Kati-kati lang, o?!"

Hindi kaya dapat ay siya munang manager ni Lorna ang unang "ligawan" ni Lito?

"Hindi, 'no! Day, antagal-tagal nang artista ni Lito Lapid, ngayon lang niya ako binigyan ng birthday gift, 'no?!" sambit ni Manay Lolit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It means talagang may ano, may ulterior motive! Ano, ipagbibili ko ang k*py*s ni LT dun sa binigay niya?!"

Kailangan pa ba ni Lorna ng lalaki sa buhay niya ngayon?

Napabuntong-hininga si Manay Lolit, "Ano lang yun ng babae, yung inspirasyon. Iyung ipagmamalaking, ‘May nanliligaw pa rin sa akin.’ Ganun."

Lorna Tolentino and Lito Lapid in an intimate scene for FPJ's Batang Quiapo
Lorna Tolentino and Lito Lapid in an intimate scene for FPJ's Batang Quiapo
Photo/s: Screengrab from FPJ's Batang Quiapo / ABS-CBN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Nag-throwback si Manay Lolit Solis sa panahong ang magka-partner sa totoong buhay ay sina Rudy Fernandez at Alma Moreno, na pareho niyang alaga. Iba pa ang manager noon ni Lorna Tolentino.

Magkaribal noon bilang sexy stars ng Regal Films sina Lorna at Alma. Buntis si Alma sa panganay kay Rudy na si Mark Anthony Fernandez, habang may sinu-shoot si Alma na movie with Lorna noong late '70s.

“Deny nang deny noon si Alma na buntis siya. Kasi, pag unang buntis mo, maliit, e,” balik-tanaw ni Manay Lolit.

"Dine-deny niya kasi parang nakakasira sa career ni Alma, kasi sexy star siya, e. So hindi puwedeng manganganak pala, di ba?

"Five months na siya noong buntis. Palaki na nang palaki ang tiyan, ha?"

Naalala ni Manay Lolit ang aniya'y pambibitin ni Lorna sa shooting ng pelikula nila ni Alma.

"Hindi ko pa hawak si Lorna, maldita si Lorna.

"Talagang panay ang delay ng p*t*h sa shooting para lumaki ang tiyan ni Alma… Ang Lorna talaga, panay ang delay para lumaki nang lumaki ang tiyan ng p*k*ng Alma!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, yung nanay ni Lorna, di ba, may pagkamaldita? Talagang pinapa-delay siguro. ‘Hindi puwede si Lorna, chu-chu chu-chu.’

"Naku! Talaga, day, palaki nang palaki, hindi mo na maide-deny. Nung una, maide-deny mo pa. Kasi nga, baka makasira sa career..."

Sa huli, si Manay Lolit na raw ang nagsiwalat ng kalagayan ni Alma.

"Day, nung diretso talaga ang bewang ni g*g*, hindi mo na ma-deny… 'Oo, talagang buntis siya!’ Ako ang umamin.

"Kaya nga ano, e, parang may credibility ka. Inamin mo!

Hirit pa ni Manay Lolit ukol sa ngayo'y alagang si Lorna, "Tapos yun pala, ending, siya rin magiging dyowa ni Rudy Fernandez. Nakakaloka!"

Lolit Solis in an interview where she talks about Lito Lapid courting Lorna Tolentino
Lolit Solis in an interview where she talks about Lorna Tolentino and Lito Lapid
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA:

Kahapon, June 7, ang 16th death anniversary ni Rudy Fernandez, at binabakante talaga ni Lorna ang araw na ito para magsadya sa Heritage Memorial Park kung saan nakalibing ang namayapang asawa.

Taun-taon niya itong ginagawa kung saan nagpapamisa siya roon. Hindi lang sa death anniversary, kundi pati sa kaarawan ni Rudy.

Sa caption ng Instagram post ni Lorna kahapon (published as is): "Until we meet again (praying emoji). 16th in Heaven our Life and Love (heart emoji).”

May post din si Rap Fernandez, anak ni Lorna at Rudy, na kumakanta ang anak niyang si Tori ng "Time and Tide" sa itaas ng puntod ni Kuya Rudy. Napakaganda pala ng boses ni Tori.

Kaya kung sino man ang mapipisil na magiging ka-partner ni Lorna, dapat na tanggapin nitong bahagi na sa buhay ng aktres ang namayapang asawa at hindi nito kayang palitan.

Iyan din ang nakikita ko kay Zsa Zsa Padilla pagdating kay Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero meron ba talagang namamagitan kina Sen. Lito Lapid at Lorna Tolentino? O baka para lang sa kanilang PriManda loveteam?

Ayaw na lang ng aktres pag-usapan pa ang ibang nanliligaw sa kanya.

Naintriga talaga ako sa mas batang aktor na pumoporma sa kanya, pero hindi umubra sa premyadong aktres.

Maaring naiisip pa ni Lorna ang isa sa habilin noon ni Kuya Rudy na okay lang daw na mag-asawa siya uli, basta huwag naman daw sana sa mas bata pa sa mga anak nilang sina Rap at Renz Fernandez.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tambalan nina Lorna Tolentino at Lito Lapid sa FPJ's Ang Batang Quiapo, nauwi sa totohanan? Lito, pinopormahan si Lorna?
PHOTO/S: Screengrab from FPJ's Batang Quiapo / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results