PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Romnick Sarmenta, emosyunal nang magwagi sa 47th Gawad Urian

Na-miss ang mga mahal sa buhay na wala sa awards night.
by PEP Troika
Published Jun 9, 2024
Romnick Sarmenta wins Best Actor at 47th Gawad Urian
Ang naramdaman ni Romnick Sarmenta nang manalo ng Best Actor sa 47th Gawad Urian: "Nasa Amerika yung dad ko, nasa Singapore si Barbara. Yung mga bata, nasa bahay. So, parang bigla ko na lang sila na-miss na gusto ko lang iabot sa kanila, para sa kanila ito, e. Tapos, yun din, kung gaano kalaking bahagi ng buhay ko itong industriya na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Gumaralgal ang boses ni Romnick Sarmenta sa kanyang acceptance speech bilang best actor sa 47th Gawad Urian nitong Hunyo 8, Sabado ng gabi, sa The Verdure, Henry Sy Sr. Hall, De La Salle University, Manila.

Read: Romnick Sarmenta, Charlie Dizon win at 47th Gawad Urian

Nagwagi si Romnick para sa pelikulang About Us But Not About Us na idinirek ni Jun Robles Lana, at pinagbidahan nila ni Elijah Canlas.

Ito ang unang Urian trophy ni Romnick. For the same role ay nauna na siyang nag-best actor sa 1st Summer Metro Manila Film Festival noong Abril 2023.

Perci Intalan and Romnick Sarmenta at 47th Gawad Urian Awards Night
IdeaFirst Company co-founder Perci Intalan (left) holds Best Screenplay trophy for Jun Robles Lana; Romnick (right) holds trophy for Best Actor Award
Photo/s: Perci Intalan Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROMNICK'S EMOTIONAL SPEECH

Pahayag ni Romnick, “Una po sa lahat, maraming-maraming salamat sa lahat ng nominado. Sapat nang karangalan yung makasama niyo.”

Ang lima pang nominadong best actor sa 47th Gawad Urian ay sina Cedrick Juan (GomBurZa), Euwenn Mikael (Firefly), Paolo O’Hara (Ang Duyan ng Magiting), Jansen Magpusao (The Gospel of the Beast), at Carlo Aquino (Third World Romance).

Pagpapatuloy ni Romnick, “Sa lahat ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, maraming-maraming salamat po…

"Forty-seven years… hindi ko pinangarap. Pero, sabi ko na dapat comedic actor na lang ako para hindi ako umiiyak pero thank you! Sobrang salamat!

"Hayaan niyo akong maging makasarili saglit. Darating ang panahon na mawawala ang kinang nito at magkakaroon ng alikabok, pero hindi magbabago iyung kahulugan saka iyung halaga.

"Ito ay dahil at para sa The IdeaFirst Company, kina Direk Perci (Intalan) at Direk Jun Robles Lana na nagsulat at nagdirihe ng isang napakagandang kuwento.

"Kay Elijah, napakahusay na Lancelot. Sa lahat ng bumubuo ng production, sa lahat ng may kinalaman sa About Us But Not About Us.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero ito ay dahil at para rin sa mga taong nagbibigay ng liwanag, pagmamahal at inspirasyon sa akin.

"Unang-una, kasi, hindi ko pa siya napapasalamatan kahit kailan, yung nanay ko, si Julie. Ma, sa iyo ito!

"Sa katuwang ko sa buhay at nagmamahal sa akin, si Barbara. Ikaw ito, e!"

Ang tinutukoy niyang partner ay si Barbara Ruaro.

Inialay rin ni Romnick ang trophy sa lahat ng kanyang mga anak, pati sa mga taong naniniwala at nagtitiwala sa kanya.

Sabi pa ni Romnick, "Sa unang-unang taong naniwala sa akin, si Marcial Sanson na direktor ng Gulong ng Palad (1977-1983).

"At sa lahat ng nagtatrabaho sa likod ng pelikula. Walang bahagi ng buhay ko na hindi ko kayo kasama.

"So, para sa lahat ng nagtataguyod, sumusuporta, lumilikha at patuloy na susuporta sa pelikulang Pilipino—sa inyo ito, hindi ito sa akin.

"Maraming-maraming salamat, magandang gabi po at pagpalain kayo ng Panginoon.

"Higit sa lahat, sa Diyos na nagbigay ng lahat, maraming-maraming salamat po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masigabo ang palakpakan sa pagtatapos ng talumpati ni Romnick.

Read: Charlie Dizon at Carlo Aquino, nabuking na ikakasal na

GORGY RULA:

Sandali naming nakapanayam si Romnick Sarmenta pagkatapos ng awarding, kaya tinanong na namin kung bakit medyo emotional siya sa kanyang acceptance speech.

ROMNICK, NA-MISS ANG MGA MAHAL SA BUHAY

Ano ang nasa isip niya nung oras na iyun?

"Kasi lahat ng pinasalamatan ko wala dito, e," pakli niya.

"Hindi naman… mostly lang. Nasa Amerika yung dad ko, nasa Singapore si Barbara. Yung mga bata, nasa bahay.

"So, parang bigla ko na lang sila na-miss na gusto ko lang iabot sa kanila, para sa kanila ito, e.

"Tapos, yun din, kung gaano kalaking bahagi ng buhay ko itong industriya na ito.

"Kanina natutuwa ako sa mga naririnig ko, iyung malasakit, iyung pagmamahal nila sa ginagawa nila.

"Iyung pagmamahal nila sa pagkuwento at paggawa ng pelikulang Pilipino, matagal na iyung sigaw ng dibdib mo, e. Matagal mo nang isinabuhay iyun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero iyung nadidinig mo sa mas bata, nadidinig mo na iyun ang gusto nila, nakakabigay buhay din. Nakakatuwa din, nakakapagpasiya ng dibdib.

"So, nung nandun ako, parang pakiramdam ko din, parang ganito magsalita iyung mga taong natutuwa ako sa mga sinabi na bahagi iyun.

"Kaya ko nasabi nung huli na sa lahat ng gumagawa ng pelikulang Pilipino, ano man iyung parte, never kayo na hindi naging bahagi ng buhay ko.

"Pare-pareho kayong kasama dito sa industriyang ito, sa larangan na ito, sa karerang ito. So masaya na ganito yung industriyang ito," saad ni Romnick.

Natapos nang i-tape ni Romnick ang What’s Wrong With Secretary Kim na napapanood pa rin ngayon sa VIU. Kasalukuyan niyang ginagawa ang bagong Kapamilya series na High Street.

Read: Maja Salvador recalls "intense" 30-hour childbirth

NOEL FERRER:

Ito iyung award na masaya ang lahat para sa nagwagi. Alam at tanggap ng lahat na deserving si Romnick sa gawad at na-explain ng mga Manunuri kung bakit siya ang nanalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROMNICK, DESERVE ANG BEST ACTOR AWARD

Citation ng mga Manunuri, “Para sa kanyang tour de force na pagganap sa papel ni Eric, isang propesor na naipit sa pagitan ng tatlong malalakas na puwersa.

"Ang kanyang pagmamahal sa kanyang partner na manunulat na si Marcus na nagpatiwakal.

"At ang pilit na kinukuyom na pagnanasa sa isang batang manunulat na si Lancelot, na magtatraydor pala sa kanya at kay Marcus.

"At ang kanyang pagnanais na mapanatili kanyang pangalan bilang marangal at iginagalang na propesor.

"Ang Gawad Urian para sa pinakamahusay na aktor ay ipinagkakaloob kay Romnick Sarmenta para sa pelikulang About Us But Not About Us."

Very telling ang nominees pa lang ng Urian. Hindi nakabase sa popularity kundi merit.

Wala silang pagkiling sa kahit na sinong artista dahil wala silang nakukuhang pabor dito, kaya no strings attached. No need for publicity. Fair and square.

Napakahirap talunin ni Romnick sa pagka-Best Actor noong nakaraang taon sa lalim ng hugot, sa range ng emosyon, at doon na lang sa minemoryang mga linya mula sa napakasinsin at gandang script ni Jun Lana na pinarangalan din sa 47th Gawad Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahihirapan ang susunod na award-giving bodies na ipaliwanag kung maiba man ang choice nila. (Malamang sabihin, personal taste na lang iyun, or magiging totally subjective na siguro.)

Magandang malaman ang magiging paliwanag nila dahil diyan napapalawig ang film education.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang naramdaman ni Romnick Sarmenta nang manalo ng Best Actor sa 47th Gawad Urian: "Nasa Amerika yung dad ko, nasa Singapore si Barbara. Yung mga bata, nasa bahay. So, parang bigla ko na lang sila na-miss na gusto ko lang iabot sa kanila, para sa kanila ito, e. Tapos, yun din, kung gaano kalaking bahagi ng buhay ko itong industriya na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results