PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

47th Gawad Urian sidelights: May nadapa at nasirang sapatos

Wagi ang 47th Gawad Urian dahil organized at well attended.
by PEP Troika
Published Jun 9, 2024
47th Gawad Urian winners: Best Supporting Actress Charlie Dizon, Best Actor Romnick Sarmenta, Best Supporting Actor Ronnie Lazaro
Charlie Dizon (in terno gown), nadapa pagkatapos tanggapin ang Best Actress trophy; Best Actor Romnick Sarmenta (in Barong Tagalog), na-miss ang pamilya; Ronnie Lazaro (in long-sleeved button-down shirt), kuwela ang acceptance speech.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Spread out ang mga tropeo sa 47th Gawad Urian nitong Hunyo 8, Sabado ng gabi, sa The Verdure, Henry Sy Sr. Hall, De La Salle University, Manila.

Read: Romnick Sarmenta, Charlie Dizon win at 47th Gawad Urian

Nakaapat ang Third World Romance para sa mga kategoryang best actress (Charlie Dizon), best director (Dwein Ruedas Baltazar), best music (Vincent de Jesus), at best production design (Eero Yves Francisco).

Nakatatlo ang Iti Mapukpukaw (The Missing) na best picture, best sound (Lamberto Casas Jr., Alex Tomboc), at best animation na walang kalaban.

Nakadalawa ang About Us But Not About Us para sa best actor (Romnick Sarmenta) at best screenplay (Jun Robles Lana).

Read: Romnick Sarmenta, emosyunal nang magwagi sa 47th Gawad Urian

Dalawa rin ang natamo ng The Gospel of the Beast para sa best supporting actor (Ronnie Lazaro) at best editing (Lawrence Ang, Benjo Ferrer).

Best supporting actress si Dolly de Leon para sa Ang Duyan ng Magiting. Best cinematography ay nakamit ni Carlo Canlas Mendoza para sa GomBurZa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
47th Gawad Urian group photo
47th Gawad Urian group photo
Photo/s: Jerry Olea

47TH GAWAD URIAN OBSERVATIONS

Sa anim na nominadong best picture, bukod-tanging ang Firefly ang walang nasungkit na award. Maliban sa kategoryang best picture ay nominado ang Firefly sa mga kategoryang best director, best screenplay, best actor, best supporting actor, best supporting actress, best production design, best cinematography, best editing, at best music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Firefly star Euwenn Mikael at 47th Gawad Urian
Firefly star Euwenn Mikael at 47th Gawad Urian
Photo/s: Jerry Olea

Magkakahiwalay ang awards sa best picture, best director, at best screenplay sa 47th Gawad Urian.

Ang natatanging Gawad Urian ay ipinagkaloob kay Hilda Koronel.

Pinagpugayan ang National Artist na si Eddie Romero kaugnay sa 100th birth anniversary nito ngayong 2024.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Himutok ng perennial host ng Urian ceremony na si Butch Francisco, maraming nagtanong sa kanya kung darating ba si Eva Darren.

Pagmamatwid ni Butch, igalang natin ang privacy ni Eva. Nakausap raw niya si Eva, at unti-unti na raw itong nakaka-recuperate sa 2024 FAMAS fiasco.

Makabubuti raw na mabanggit man lang ang pangalan ni Eva dahil bahagi siya ng Urian.

"Nominated siya noong araw sa Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin (1997) because she gave a very, very excellent performance!” bulalas ni Butch.

“Mabuhay ka, Miss Eva Darren!” Palakpakan ang mga tao.

Joey Reyes, Doy Del Mundo and Butch Francisco at 47th Gawad Urian
Joey Reyes, Doy Del Mundo, and Butch Francisco at 47th Gawad Urian
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Present ang karamihan ng winners sa 47th Gawad Urian. Nagsusyuting abroad ang best supporting actress na si Dolly de Leon kaya video message ang kanyang acceptance speech.

Ang tumanggap ng best screenplay award ni Direk Jun Robles Lana ay ang katuwang niya sa The IdeaFirst Company (producer ng About Us But Not About Us) na si Direk Perci Intalan.

Nagkasama-sama ang title rolers sa GomBurZa na pawang nominado, sina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee.

Sa apat na best-actress nominees, conspicuous ang absence ni Kathryn Bernardo. Andoon sina Charlie Dizon, Gabby Padilla, at ang best actress last year na si Max Eigenmann.

Sa best-actor nominees, dumating sina Romnick Sarmenta, Cedrick Juan, Paolo O’Hara, at Euwenn Mikael. Wala sina Jansen Magpusao at Carlo Aquino.

Read: Charlie Dizon at Carlo Aquino, nabuking na ikakasal na

RONNIE LAZARO'S ACCEPTANCE SPEECH

Nagwaging best actor sa 32nd Gawad Urian noong 2008 si Ronnie Lazaro para sa Yanggaw na Ilonggo ang karakter niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 47th Gawad Urian kung saan best supporting actor siya for The Gospel of the Beast ay Ilonggo rin ang kanyang ginampanan.

“Maraming salamat po! Ay! Hindi naman po kami gumaganap para makatanggap!” masayang sambit ni Ronnie Lazaro.

“Pero kapag napuna ang aming mga ginaganap na ganito, naku! Napakasarap nito! Maraming salamat!

“Sa aming mga katunggali… sorry, ako na muna ngayon!”

Ang lakas ng tawanan ng audience, saka nagpatuloy si Ronnie, “Gusto kong pasalamatan kayo, taga-Gawad Urian. Sa haba-haba, hindi pa rin kayo pumapara sa paniniwala ninyo.

“Kaming mga artista, sa industriya, heto… patuloy dahil sa inyo. Maraming salamat sa inyo. Gusto ko ring pasalamatan ang aking direktor, si Sheron Dayoc. At ang lahat ng taga-Iloilo…”

Nagsalita kapagkuwan si Ronnie sa kanyang dialect. Nagpasalamat din siya sa manager niyang si June Rufino, sa kanyang asawa, at anak.

“At para sa Panginoon, ngayon at kailanman! Maraming salamat po!” hiyaw pa ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jodi Sta. Maria, Pampi Lacson annulment granted by court

JERRY OLEA:

Vindicated si Dwein Ruedas Baltazar sa pagkapanalo niya ng best director. May nang-iintriga kasi noon na kesyo kinopya lang ang Third World Romance.

Pahayag ni Direk Dwein, “Hindi ko na po ikakahiya na simula po nung una akong mangarap na gumawa ng mga pelikula ay pinangarap ko na ito, magkaroon ng ganito.

“Kaya maraming salamat po sa lahat. Maraming salamat din po sa aking mga producers, Anima, Black Sheep, ABS-CBN Films, thank you so much. Sa aking mga staff at crew.

“At sa mga actors ko, nandito si Charlie, kay Caloy, maraming salamat. Nagpa-reserve po ako ng isang table para po sa pamilya ko.

“Kasi, baka hindi na po maulit. Minsan lang po may pakain. Sa parents ko po na nangunsinti sa akin since Day 1, sa asawa ko na sumuporta sa akin…”

Third World Romance director Dwein Baltazar at 47th Gawad Urian
Third World Romance director Dwein Baltazar
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, binanggit din ni Direk Dwein ang kanyang mga anak, na kasa-kasama niya sa stage nang magpalitrato ang lahat ng winners ng 47th Gawad Urian.

“Sobrang importante po sa akin na nakikita nila ako hindi lang bilang nanay nila kundi bilang isang babae na tumutupad ng kanyang mga pangarap!” bulalas pa ni Direk Dwein.

Pinasalamatan niya ang iba pang katrabaho sa pelikula, at ang mga “unsung heroes” sa set.

“Huli, hiling ko po, hiling ko po… na magkuwento pa po tayo ng para sa masa at ng tungkol sa kanila.

“At sana po, sana po magkaroon din po sila ng way talaga na mapanood yung mga pelikulang ginagawa natin.

“At sa tingin ko po personally, kailangan po nating ibaba ang presyo ng sinehan para maiparating natin sa kanila yung mga kuwento na ginagawa natin…

“Maraming-marami pong salamaaattt!!!” sigaw ni Direk Dwein.

GORGY RULA:

Ang ganda nga ng attendance sa Urian dahil halos kumpleto ang mga nominees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dinig ko kasi, in-email daw ang mga magiging winners na kung puwede'y dumalo sila sa gabi ng parangal. Kaya nahahalata sa mga winners na alam na nilang sila ang magwawagi.

Kitang-kita namin kay Direk Dwein Ruedas Baltazar na present yata ang buong pamilya.

Bago tinawag ang winner ng Best Actress ay nakatutok na ang phone nila kay Charlie Dizon, na tila alam na nilang siya ang wagi.

Ang pagkakaalam ko ay talagang inaabisuhan na ng mga Manunuri ang mga winners nila, at okay naman iyun.

Totoo kayang mas gusto sana ni Direk Jun Lana na mapanalunan ang Best Director kesa sa Best Screenplay? Kaya si Direk Perci Intalan raw ang pinatanggap niya ng award?

Maayos at simple lang ang parangal ng mga Manunuri, at napaka-organized ng mga staff na nangangasiwa roon sa La Salle.

Na-late ako ng dating at talagang sinamahan ako ng guard hanggang sa elevator at meron kaagad sumasalubong pagkalabas ko ng elevator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naabutan ko sa lobby si Max Eigenmann na nakaapak na lang. Nasira pala ang Christian Louboutin shoes niya!

Max Eigenmann at 47th Gawad Urian
Max Eigenmann
Photo/s: Jerry Olea

Si Charlie naman, na bumalik sa table niya pagkatapos tanggapin ang best-actress award, biglang nadapa nang lumapit sa table nina Direk Antonette Jadaone at Direk Dan Villegas. Nakita na lang naming napaupo na siya sa sahig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Butch Francisco na host ng ceremony ay nakatungkod pa, dahil nagka-injury pala ang paa niya nang matapilok sa bahay nila. Tiniis lang daw niya ang sobrang sakit ng paa habang nagho-host siya. Pero nagawa pa niyang magpatawa.

Kaya nag-comment si FDCP Chairman Direk Joey Reyes na may bagong career pa pala si Butch bilang stand-up comedian.

Congratulations sa lahat na nagwagi, at sa mga Manunuri dahil sa maayos na pamamahagi ng kanilang Gawad Urian.

Karamihan ng comments ng mga netizen, iba raw talaga ang dating sa mga taga-showbiz kapag nananalo o kahit ma-nominate man lang sa Gawad Urian dahil hindi nakukuwestiyon ang kredibilidad ng mga Manunuri.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charlie Dizon (in terno gown), nadapa pagkatapos tanggapin ang Best Actress trophy; Best Actor Romnick Sarmenta (in Barong Tagalog), na-miss ang pamilya; Ronnie Lazaro (in long-sleeved button-down shirt), kuwela ang acceptance speech.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results