JERRY OLEA
Kabugan ang bardagulan at balitaktakan ng netizens kaugnay sa kontrobersiyal na "EXpecially For You" segment ng It’s Showtime, at nasa sentro ng usapin si Vice Ganda.
Read: Vice Ganda retracts apology to "EXpecially For You" searchee
Meron bang demolition job ang trolls kontra sa Unkabogable Superstar?
Pinagkakaisahan ba si Meme Vice ng mga taga-Viva na sina Nikko Natividad, Juliana Parizcova Segovia, Direk Darryl Yap, at Nico Locco?
Ayon kay Nikko, tinanggal niya ang kanyang parunggit sa Facebook dahil management decision iyon.
Read: Nikko Natividad FB post on It’s Showtime issue deleted
Ngayong Hunyo 10, 2024, Lunes, ay may Facebook shoutout si Juliana: “MINSAN ANG TAO, PAG TUMATAAS ANG VALUE, BUMABABA ANG VALUES.”
Patungkol ba iyon kay Vice?
Nabanggit ni Vice ang pangalan ni Direk Darryl sa It’s Showtime.
Ngayon ding Lunes ay may reaksyon si Direk Darryl sa Facebook kalakip ang video clip na iyon: “Mahal ko sina MC at Lassy, parehas magalang, mahusay at mabubuting tao — hindi ko naramdaman na gusto nilang itangging kaibigan nila ako on National TV.
“Hindi ko lang alam kung anong damo ang nakain ni Vice para gumanyan.
“Wag mo ko masyadong isipin, para di ka nahahalata…”
Read: Darryl Yap, may kuda rin sa It's Showtime issue
NICO LOCCO'S NEW FACEBOOK POST
Noong Hunyo 6, Huwebes ng gabi, nag-rant ang Vivamax hunk actor na si Nico Locco sa Facebook.
Hindi man binanggit ni Nico kung sino ang pinatatamaan niya, halatang patungkol iyon kay Vice.
Read: Nico Locco, may pasaring kay Vice Ganda
Ngayon namang Lunes ng gabi, Hunyo 10, may follow-up post si Nico sa FB kaugnay ng isyu.
Ani Nico (published as is): “Una sa lahat… Bullying has and always will be a very important topic for me, kasi I have people na importante sa akin that were bullied and I saw how it affected them negatively.
“Alam natin lahat na this should have already been talked about noon pa. Marami kang binully in forms of ‘biro’ then expecting ‘eme’ or ‘charot’ to balance it out.
“You aren’t in a comedy bar where everyone is expected to let jokes slide. Diba dapat it’s a family friendly noon time show para sa mga viewers to watch and enjoy.
“Nung sinulat ko yung nakaraan na post, hindi lang yun para sa mga tao na you bullied. Naisip mo din ba on how it could influence the younger generations? You condition them to think na normal lang yung bullying kasi you did it and nobody called you out for it.
“Di ako perpekto pero aware nmn tayong lahat na there’s always room for improvement in all of us. I get that. Pero when you are given a chance to influence millions, dapat may sense of responsibility.
“My thoughts might not matter to you and that’s okay, but I hope it reaches the people who were and are still experiencing bullying. I see you and I’m looking out for you.”
Siyanga pala, tampok si Vice Ganda sa Pride PH celebration na Love Laban 2 sa Hunyo 22, Sabado, sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Magpapasiklab din doon sina JK Labajo, Gloc-9 featuring Sandiwa, Ben & Ben, BINI, Pura Luka Vega, Elijah Canlas, Janella Salvador, Nica del Rosario, at Janine Berdin. Libre ang entrance doon.

GORGY RULA
Hindi maiwasang maakusahang clout chaser si Nico Locco, at pati na rin si Nikko Natividad, dahil isinabay nila sa pinag-usapang isyu nina Axel at Christine sa "EXpecially For You" ang kanilang himutok.
Read: Nikko Natividad airs opinion on It's Showtime issue
Kung sa tingin ni Nico na nakaranas siya ng bullying sa noontime show na hinu-host ni Vice Ganda, sana inilabas na niya ang hinaing niyang ito bago pa nangyari ang isyu nina Axel at Christine.
Nag-guest si Nico sa naturang segment ng It’s Showtime at baka na-offend siya sa mga pahayag ni Vice Ganda kaugnay sa sumbong ni Christine Bermas.
Read: Christine Bermas reveals being cheated on by Nico Locco
Kung tingin ni Nico ay na-bully siya o baka napanood niya sa ibang nag-guest, bakit hindi niya kaagad na-call out ang mga taga-It’s Showtime?
Kailangan pa bang hintayin munang magkaisyu bago sila sumali?
Ilang beses ko napapanood ang naturang noontime show at noon pa man ay nakita na natin ang style ng pagpapatawa ni Vice Ganda.
Maaring isa iyon sa nagustuhan ng mga manonood, dahil marami namang nagkakagusto sa kanya.
Sa totoo lang, mas maingat si Vice ngayon dahil tuwing humihirit siya ng joke sa ilang guests ay dinudugtungan niya ng “joke lang.”
Tingnan natin kapag humupa ang mga isyung ito kung may ipo-post pa ang mga kagaya nina Nico at Nikko laban sa It's Showtime.
NOEL FERRER
Sana nga, makilala pa sina Nikko at Nico sa kanilang sariling husay at galing — hindi lang sa pagsawsaw sa isyu ni Vice Ganda sa "EXpecially For You" segment It’s Showtime.
That’s all, folks.
