PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2024: bibida sina Vice Ganda, Vic, Vilma, Judy Ann?

MMFF 2024, 39 scripts ang aspiring entries; apat lang ang mapipili.
by PEP Troika
Published Jun 17, 2024
MMFF 2024 entries headlined by Vice Ganda, Vic Sotto, Vilma Santos, Judy Ann Santos
Vice Ganda, Vic Sotto, Vilma Santos, at Judy Ann Santos (L-R), sinasabing may pagbibidahang pelikula na aspiring entry sa MMFF 2024.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @vicsottoofficial / @rosavilmasantosrecto / @ryan_agoncillo Instagram

GORGY RULA:

Noong Biyernes, Hunyo 14 ang deadline ng submission ng script para sa 50th Metro Manila Film Festival.

Totoo po ba, Sir Noel, na sa 65 film producers ang nagpadala ng letter of intent na sumali sa MMFF, at 39 script ang nai-submit noong nakaraang Biyernes?

Ang dami nang naglabasang kuwento ng mga pelikulang balak isali sa MMFF, pero ayaw magsalita ng ilang producers na napagtanungan namin at natatakot na baka maudlot pa.

Basta ang ilang film production ay hindi lang isa kundi dalawa hanggang apat ang script na isinabmit nila. Marami silang magagandang scripts na tingin nila ay panlaban sa taunang film fest.

MMFF 2024 entries
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2024 ASPIRING ENTRIES

Lumalabas na ang mga pangalang, Vice Ganda, Vilma Santos, Judy Ann Santos, Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano, at Hilda Koronel ang mga artistang magbibida sa mga pelikulang isasali sa naturang film fest, pero wala pang may nagkumpirma.

Usap-usapan pa lamang iyun.

Ang isa sa na-excite kami ay ang pagkakaroon daw ng collaboration nina Vic Sotto at Piolo Pascual.

Maganda raw ang film project na ito na co-production ng APT Entertainment, Media Quest at M-Zet Productions.

This time ay hindi raw magko-comedy si Bossing Vic dahil action-drama raw ang genre nitong pelikulang gagawin nila.

Ang tentative title daw nito ay Baluarte na ididirek ni Mike Tuviera. Kung makakapasok ito, magandang tambalan itong aabangan natin sa MMFF.

Read: Ellen Adarna, ilang buwan nang buntis?

NOEL FERRER:

Naku, exciting talaga kasi magiging puspusan ang pag-e-evaluate ng Selection Committee sa na-submit na scripts dahil apat lang ang makakapasok.

Ang criteria: Artistic Excellence 40%, Commercial Appeal 40%, Filipino Cultural Values 10% and Global Appeal 10%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The other four will be coming from the finished films submission with a September 30 deadline.

July 1 ang target para i-announce ang first four official entries.

Grabe ang challenge na dapat sila ang mag-set ng standard sa mga susunod pang entries in terms of excellence and commercial viability. Basta, abangan ninyo ang MMFF updates ng Troika dito sa PEP!

Read: Does the Taxi Cab Theory apply to Carlo Aquino?

JERRY OLEA:

Tatlumpong finished films ang isinumite sa MMFF 2023. Anim ang napili rito, dalawampu’t apat ang nalaglag.

Sa mga pelikulang naligwak, nag-showing na sa local cinemas ang Fruitcake, GG Good Game, I Am Not Big Bird, In His Mother’s Eyes, Shake, Rattle & Roll Extreme, The Blood Brothers, Under Parallel Skies, at Unspoken Letters.

Ang Pieta ay nakailang screenings sa microcinemas. Magkakaroon ito ng special screenings sa SM cinemas at ibang bansa.

Nag-streaming na sa Netflix ang Pula.

Kalahok muna sa international film fests ang Lola Magdalena, Ang Ina Mo, at The Fisher. Nag-premiere night at nag-block screenings ang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin. Pinalitan ang title nito at ginawang Imelda Papin: The Untold Story.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala pa tayong balita kung saan at kailan ipapalabas ang Baka Doon Sa Buwan, Hiwaga, Jeongbu, Moro, Nokturno, Pinikas, Plandemic Lisik, Selda Tres, Song of the Fireflies, at Talahib.

Napakarami pang finished Pinoy films ang nasa freezer. Looking forward tayo sa 20th Cinemalaya umpisa Agosto 2.

Inaabangan din natin ang mga nakaraang MMFF movies na ipapalabas sa mga sinehan sa halagang PHP50 alang-alang sa 50th MMFF.

Inaasahan nating kabilang dito ang remastered version ng Bona (MMFF 1980) na pinagbidahan ni Nora Aunor, at ipinalabas sa Cannes film fest noong Mayo.

Sa Hunyo 22, Sabado ay ika-30 anibersaryo na ng Manila Film Festival Scam.

Ano kaya ang ganap sa araw na iyon ng umaming mastermind na si Manay Lolit Solis?

Sa Hulyo 7 ay 100th birth anniversary ng National Artist na si Direk Eddie Romero.

Ang 1981 fantasy film niyang Kamakalawa ay libreng mapapanood sa Hunyo 25 sa PUP Theater. May talkback session pagkatapos ng screening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang MMFF 1976 film niyang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon ay ipinalabas noong Mayo 22 sa UPFI Film Center. Ipapalas din ito sa Hulyo 20 sa De La Salle University sa Taft Avenue, Manila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, Vic Sotto, Vilma Santos, at Judy Ann Santos (L-R), sinasabing may pagbibidahang pelikula na aspiring entry sa MMFF 2024.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @vicsottoofficial / @rosavilmasantosrecto / @ryan_agoncillo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results