PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Inside Out 2, "inagawan" ng sinehan ang local films

Inside Out 2, kinabog ang box-office record ng Dune Part Two.
by PEP Troika
Published Jun 18, 2024
inside out 2
Inside Out 2 has already grossed PHP451 million in its Philippine run.
PHOTO/S: Disney

JERRY OLEA

Joy to the world!

Pinakamalakas ang animated film na Inside Out 2 sa mga pelikulang nag-open so far this year sa North America, maging sa iba pang mga bansa kabilang ang Pilipinas.

Ayon sa Box Office Mojo, ang opening weekend gross ng Inside Out 2 sa U.S. at Canada nitong Hunyo 14-16, 2024 ay $154.2M.

Read: Pinoy films, makikipagbardagulan sa Hollywood movies

Ito ang unang pelikula ngayong 2024 na lumampas sa $100M ang opening weekend gross sa North America.

Kinabog nito ang opening weekend gross ng Dune: Part Two na $82.5M.

Bale pangatlong puwesto na this 2024 ang opening weekend gross ng Godzilla x Kong: The New Empire na $80M.

TOP 10 FILMS FOR 2024

Panlima na agad ang Inside Out 2 sa mga pelikulang pinakamalalakas worldwide this year.

inside out 2 poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Top 10 films so far sa worldwide grosses for 2024 ay Dune: Part Two ($711.8M), Godzilla x Kong: The New Empire ($567.7M), Kung Fu Panda 4 ($543.9M), Kingdom of the Planet of the Apes ($375.2M), Inside Out 2 ($294.2M), The Garfield Movie ($217.5M), Bad Boys: Ride or Die ($215.4M), Ghostbusters: Frozen Empire ($201.5M), Bob Marley: One Love ($179.4M), at IF (173.7M).

Ang anim pang 2024 movies na lumampas sa $100M ang worldwide gross ay The Fall Guy ($172.2M), Furiosa: A Mad Max Saga ($160.3M), The Beekeeper ($152.7M), Civil War ($114.4M), Mean Girls ($104.4M), at Madame Web ($100.3M).

Kasabay ng Inside Out 2 na nag-open sa local cinemas noong Hunyo 12, Miyerkules, Araw ng Kalayaan ang dalawang Pinoy movies na parehong Ingles ang pamagat — Playmate at Fruitcake.

Naku, Riley Andersen! Nakaka-Sadness, nakaka-Anxiety ang sinapit ng mga ito sa takilya. Di ba, Disgust, Fear, Envy, Ennui, Embarrassment, at Nostalgia?

Read: Playtime at Fruitcake, nakaporma ba sa Inside Out 2?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
playtime fruitcake posters
Photo/s: GMA Pictures / Viva Films / Cornerstone Studios

Noong June 12 din nag-open sa bansa ang foreign films na Love You As The World Ends, Latency, at Skye Hoshi: Anime Girl.

Bukas, Hunyo 19, Miyerkules, ay showing na sa local cinemas ang Karma starring Rhen Escaño, Sid Lucero, Krista Miller, Paolo Paraiso, and Roi Vinzon, ganoon din ang Cabrini, The Bikeriders, at The Exorcism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Grabeng lakas ng Inside Out 2 na kahit sa Tempur Theater sa BGC ay punuan.

Pagpapatunay lamang na lalabas at gagastos ang mga Pinoy sa mga pelikulang gusto nila at worth ng kanilang pera.

Kaya ang challenge talaga ay kung paano kunin ulit ang interes ng mga manonood ng pelikulang Filipino at suportahan ito sa mga sinehan.

Sana, sana makuha natin ang trip ng ating manonood ulit — hindi lang tuwing MMFF.

GORGY RULA

Ayon sa nakalap ng PEP Troika, as of Monday, June 17, umabot na ng PHP451M ang kinita ng Inside Out 2 sa Pilipinas.

Lalo pang nadagdagan ang mga sinehan nito kaya nawalan na talaga ang nakasabayang local films.

Kapag i-Google mo nga kung saan puwedeng mapanood ang ilang local films, sa mga probinsiyang mapapanood ang mga ito. Nakakalungkot talaga.

Meron kaming pinanood na isang local film. Talagang pinapahaba nito ang pasensiya mo para matagalan mo ang panonood. Kaya hindi mo rin masisisi ang mga manonood kung bakit mas pinili nila ang foreign films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung nanood kami nung Linggo, June 16, mahigit sampu ang bumili ng tickets. Pero apat lang kami sa loob ng sinehan na natapos ang panonood ng pelikulang ito.

Tingnan natin kung maganda ang kalalabasan ng mga susunod na pelikulang Pinoy na ipalalabas sa mga sinehan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inside Out 2 has already grossed PHP451 million in its Philippine run.
PHOTO/S: Disney
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results