GORGY RULA
Lalong rumatsada ang rating ng It’s Showtime kahit humupa na ang isyu ng "EXpecially For You."
Read: PEP OPINION: The It's Showtime Issue
Nadagdag pa ngayon ang ALLTV (dating Channel 2) sa mga channel kung saan umeere ang Kapamilya noontime show.
Sa tingin ko ay makatutulong ang pag-ere ng It's Showtime para maramdaman na ang presensiya ng TV network na pag-aari ng mga Villar.
Pero sa GMA-7 pa lang ay panalung-panalo na ang It's Showtime, at nakadagdag ang airing nito sa ibang istasyon kagaya ng GTV at A2Z. At ngayon nga ay pati na sa ALLTV.
Noong nakaraang Biyernes, June 14, 2024, ay naka-8.2% ang It's Showtime. Pero sa GMA-7 pa lang ay naka-5.8% na ito.
Ang katapat naman nitong Eat Bulaga! sa TV5 at RPTV 9 ay naka-3.2% noong araw na yun.
AFTERNOON SHOWS RATINGS
Pagdating sa afternoon shows, medyo bumaba ang ratings ng mga ito. Maaaring nasa labas ang karamihan dahil suweldo nung araw na yun.
Ang Abot Kamay na Pangarap ay 8.5%, at ang Dirty Linen ay 0.3%.
Sumunod ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na 8.7%, at ang Mars Ravelo’s Darna ay 0.4%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda naman ay 5.8%, at ang Voltes V Legacy ay 4.3%. Ang Eclipse of The Heart ay 3.6%.
Ang Family Feud, kung saan naglaban ang grupo nina John Lapus at Nico Locco, ay naka-8.5%. Ang Minute To Win It ay 0.5%.
Pagdating ng gabi ay nakapagtala ng mataas na rating ang finale episode ng Linlang. Naka-10.5% ito, at tinaasan ang katapat nitong My Guardian Alien na 9.6%.
JERRY OLEA
Naku, Katchina Halili! Medyo bumaba ang viewership noong Sabado, June 15, at maaaring nasa labas din ang karamihan.
Slight na bumaba ang It’s Showtime na nakapagtala ng 7.3%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.
Ang Abot-Kamay na Pangarap ay 7.8%, at ang Dirty Linen ay 0.3%.
Sumunod ang Tadhana na 7.1%. Ang Wish Ko Lang! ay 5.8%, at ang Pinoy Crime Stories ay 5.3%.
Pagdating sa primetime, ang 24 Oras Weekend ay 7.3%, ang TV Patrol Weekend ay 0.5%, at ang Frontline Weekend ay 1.3%.
Sumunod ang Pepito Manaloto na naka-7.8%, at ang Rated Korina ay 2.2%.
Medyo tumaas naman ang Running Man Philippines na naka-11.4%. Ang katapat nitong What’s Wrong With Secretary Kim ay 3.6%.
SUNDAY RATINGS
Noong Linggo, June 16, ay ipinagdiwang naman ang Father’s Day na nasa labas din ang karamihan.
Ang All-Out Sundays ay 3.2% at ang ASAP Natin ‘To ay 2.2%.
Ang GMA Blockbusters ay 3.3% at ang Sunday Blockbuster naman ay 2.4%.
Sumunod ang Regal Studio Presents na 2.9%, at ang Resibo naman ay 3%.
Pagdating sa primetime ay naka-5.2% ang 24 Oras Weekend. Ang TV Patrol Weekend ay 0.8% , at ang Frontline Weekend ay 1.8%.
Naka-3.5% ang PBA Finals sa RPTV.
Ang Bubble Gang ay 6.5%, ang katapat na Tao Po ay 1.1%, at ang What’s Wrong With Secretary Kim ay 2.5%.
Bahagyang bumaba rin ang Running Man Philippines na naka-9.7%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 15.2%, at ang I Can See Your Voice ay 1.2%.
Ang The Boobay and Tekla Show ay 4.1%.
Read: Ratings game, nananatiling nasa pabor ng GMA-7
NOEL FERRER
Noong Lunes, June 17, ay nagsimula ang Pamilya Sagrado ng Kapamilya Channel,. Pero mas mataas ang katapat nitong My Guardian Alien ng GMA-7.
Simulan muna natin sa It’s Showtime na tumaas uli sa 8.3%, versus Eat Bulaga! na 3.6%.
Ang Abot Kamay Na Pangarap ay 9.8%, at 0.4% lang ang Dirty Linen.
Ang Lilet Matias naman ay 9.8% din, at 0.4% din ang Mars Ravelo’s Darna.
Tumaas ang Fast Talk With Boy Abunda, kung saan guest si Teresa Loyzaga, na naka-6.2%, at ang sumunod na Voltes V Legacy ay 4.7%.
Ang Eclipse of The Heart ay 3.1%. Ang Family Feud naman ay 8.4%.
PRIMETIME RATINGS
Pagdating sa primetime, naka-13.7% ang 24 Oras. Ang TV Patrol Weekend ay 2.6%, at ang Frontline naman ay 3.4%.
Ang Black Rider ay 11.5%, at nanatiling mas mataas pa rin ang FPJ’s Batang Quiapo na 14.3%.
Sumunod dito ang My Guardian Alien na 9.4%, at ang pilot ng Pamilya Sagrado ay 7.2%.
Ang Asawa Ng Asawa Ko ay 6.4%, at ang katapat na High Street ay 3.3%.
Sumunod ang Saksi na 3.1%, at ang Frontline Tonight ay 0.8%.
