PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BGYO, pormal nang naghain ng reklamo laban sa bashers

Isang showbiz personality, kasama sa sinampahan ng reklamo?
by PEP Troika
Published Jun 19, 2024
BGYO files complaint
BGYO members Gelo, Akira, JL, Mikki, and Nate file formal complaint against bashers at the Quezon City Prosecutor’s Office, Wednesday, June 19, 2024.
PHOTO/S: DZRH / Star Music

GORGY RULA

Nakunan ng isang kasamahan naming reporter sa DZRH ang paghahain ng reklamo ng P-pop group na BGYO laban sa ilang netizens na patuloy na namba-bash sa kanila.

Personal na nagtungo ang BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong Miyerkules, Hunyo 19, 2024.

Read: Star Magic to take legal action against BINI, BGYO bashers

bgyo files complaint
BGYO members Gelo, Akira, JL, Mikki, and Nate review and sign their complaint affidavit at the Quezon City Prosecutor's Office.
Photo/s: DZRH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matinding bashing na umabot sa cyberbullying ang ginawa ng ilang netizens, at na-trace ito ng kampo ng BGYO. Nakuha nila ang tunay na impormasyon ng mga taong ito kaya sinampahan nila ng reklamo.

MORE COMPLAINTS TO FOLLOW

Hindi pa namin nakukuha ang eksaktong reklamo na inihain ng BGYO, pero meron pa raw silang ilang taong sasampahan ng reklamo pagkatapos nitong unang paghahain nila.

Ayon sa ilan pang napagtanungan namin, meron ding isang taga-showbiz ang nasama sa kinasuhan. Inaalam pa ng PEP Troika kung sino ito.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang BGYO, at hinihintay pa namin ang pahayag ng kampo ng naturang grupo.

NOEL FERRER

Maganda itong may check and balance ang lahat.

Pero kung sa korte na ang labanan, napakahirap patunayan ng “malice” sa mundo ng fair comments.

Hindi ba sinubukang kausapin muna ang mga taong involved para maiwasan na muna ang matagal, nakakapagod, tedious, at magastos na demandahan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan natin kung saan hahantong ang ganitong demandahan.

Read: BGYO's Louis Vuitton OOTDs trend on social media

JERRY OLEA

Kung anu’t ano man, kilig na nakakapanggigil ang ibinida BGYO sa kanilang bagong single na “Gigil.”

Inilunsad din ng grupo ang performance video kung saan ibinida ng members na sina Gelo, JL, Akira, Mikki, at Nate ang kanilang bagong imahe tampok ang mensahe ng kakaibang kilig at saya na hatid ng pagsisimula ng pag-ibig.

Sa pagkakataong ito, naging mas hands on ang grupo pagdating sa kanilang musika.

bgyo gigil
Photo/s: Star Music
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Before we recorded the song we would meet on what we could do to make it more kami,” saad ni Mikki sa panayam sa ABS-CBN News.

“It can be sexy or cute. If mapapanood niyo yung performance video, we wanted to be colorful. Yung manggigigil ka sa sobrang ka-cutan,” dagdag ni JL.

Iprinodyus ni BoJam ng FlipMusic ang awitin habang isinulat ito nina Julius James “Jumbo” de Belen at John Michael Conchada.

Ang performance video nito ay mahigit 163,000 views na mula nang in-upload noong Hunyo 7 sa YouTube.

Umarangkada rin ang kanta sa unang pwesto sa iTunes Philippines, Saudi Arabia, at UAE.

Tampok din ito sa Spotify Philippines New Music Friday playlist.

Kamakailan ay inilunsad ng BGYO ang single na “Patintero” na meron nang 1.8M streams sa Spotify.

Inawit din nila ang “Uuwian” na bahagi ng soundtrack ng What’s Wrong With Secretary Kim, habang si JL ay naglabas ng solo version nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nagsama-sama sina Gelo, Mikki, at Maymay Entrata para sa “Kalma Kahit Magulo” na mula sa High Street soundtrack.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BGYO members Gelo, Akira, JL, Mikki, and Nate file formal complaint against bashers at the Quezon City Prosecutor’s Office, Wednesday, June 19, 2024.
PHOTO/S: DZRH / Star Music
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results