JERRY OLEA
Kasama nina Barbie Forteza at David Licauco si Divine Aucina sa shooting ng pelikulang That Kind of Love sa Seoul, South Korea.
“Ako po, mas marami akong eksena kay Barbie,” lahad ni Divine sa mediacon nitong Hunyo 20, 2024, Huwebes, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.
Read: Barbie Forteza: PEP's Best Bet for Female A-Lister
Sa mediacon ay nasa gitna si Barbie nina Divine at David. May moment na ina-address ni Divine kay Barbie ang hanash niya.
Pagpapatuloy ni Divine, “At talagang gustung-gusto ko yung work etiquette ni Barbie. Talagang… very good ka. Ang galing talaga niya.
“Very good talaga yung etiquette niya. Talagang… alam niyo ba, an actor prepares. Si Barbie, she prepares a lot. Talaga.
“Kaya may mga eksena namin — nakakalimutan kong magkaeksena tayo — nanonood ako sa yo. Totoo.
“Minsan ako’y nabubulol. Nabubulol. Kasi natutuwa ako sa preparation ni Barbie as an actress.
“Sana, maging National Artist ka!”
Napahiyaw ang showbiz writers and vloggers sa mediacon. May mga napahagalpak, at may mga pumalakpak.
Dagdag ni Divine, “Sana. Manifest natin yan. Ima-manifest ko yan. Magiging National Artist si Barbie Forteza!”

MANIFESTING NATIONAL ARTIST FOR BARBIE FORTEZA
Noong 1972 unang ipinagkaloob ang Order of National Artist sa bansa, at isa lamang ang ginawaran noong taong iyon — ang pintor na si Fernando Amorsolo.
Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay 81 pa lang ang kinilalang Pambansang Alagad ng Sining.
Sampu pa lang sa National Artists ang mula sa larangan ng Film and Broadcast Arts. Ang mga ito ay sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerardo de Leon, Eddie S. Romero, Fernando Poe Jr., Manuel Conde, Kidlat Tahimik, Nora Aunor, Marilou Diaz-Abaya, at Ricky Lee.
Read: Superstar at National Artist Nora Aunor: “Pulubi pa rin ako hanggang ngayon!”
Seryoso ba si Divine sa manifestation na magiging National Artist in the future si Barbie, o eme-eme char-char lang niya iyon?
“Magiging National Artist si Barbie. Magiging National Artist,” usal ni Divine.
“Kasi po, yung etiquette ni Barbie saka yung talent niya, it’s very rare sa industry na ganito.
“Unang-una, punctuality. Tapos, pagdating niya, prepared na siya. In character siya, ganyan.
“And kapag umaarte, nakikita mo yung character. Inaaral, ganyan. So I think hindi po malayong maging National Artist si Barbie.
“Hindi malayo talaga! It will happen, it will happen.”
Read: Divine Aucina forms unlikely friendship with Celia Rodriguez
GORGY RULA
May laban ang comedienne na si Divine Aucina na maging "Pambansang Best Friend" sa local entertainment industry.
“Iniisip ko po yun kanina nung nagmamaneho ako. Kasi iniisip ko na, ino-overthink ko na, ano yung mga sagot,” sambit ni Divine.
“Pero naisip ko po yung thought na a lot of actresses paved the way para magkaroon kami ng ganitong role ngayon.
“Sino yan? Nikki Valdez, Dimples Romana, Cai Cortez, Beauty Gonzalez. Ang dami nila. So, salamat sa kanila.”
Ang dami nang movies at TV shows na naging best friend si Divine, lalo na sa GMA-7.
Gumanap siya bilang best friend nina Beauty Gonzalez, Carla Abellana, Arra San Agustin, Julia Barretto, Bea Alonzo, at marami pang iba.
DIVINE AUCINA ON BEAUTY GONZALEZ
Pinaka-bet ni Divine sa mga ito si Beauty sa Kapuso afternoon drama series na Stolent Life.

Pagtatapat ni Divine, “Nung una po kaming nagkita sa tent, parang nag-uusap kami, sabi ko lang sa kanya, ‘Ay! Hello po, hello Beauty, hello po Beauty, ako po si Divine,’ ganyan-ganyan.
“Tapos bigla kong nasabi, ‘Yung character mo tsaka character ko, parang feeling ko, in common kaya laging nag-aaway.
“Kasi ganyan ang character namin in Stolen Life. Ako yung pumapatol sa kanya instead of Carla.
“Sabi ko, ‘Parang yung character mo at character ko, may similarity kaya nag-i-static,’ ganyan.”
Klik agad sila, na para bang matagal na silang magkaibigan sa totoong buhay.
Dagdag ni Divine, “Tapos nasundutan ng mga eksena na supportive si baklah, e. Support sa mga eksena. Meron siyang ginagawa sa akin, mga form of touch.
“Meron yan. Sa akting niya, ginaganun niya ako. Hinawakan ang kamay, ganyan. Kaya nabuo ang bond, yon. Baklah siya, e.”
Kumusta namang ka-best friend si Barbie Forteza?
“Si Barbie naman, kalog! Pero si Barbie, kapag nag-work, work!” pagdidiin ni Divine.
“Efficient, ganun siya. Pero pag baklaan, baklah.”
Ang That Kind of Love ay idinirek ni Catherine Camarillo, at nasa cast din nito sina Kaila Estrada, Al Tantay, Arlene Muhlach, at Ivan Carapiet.
Ang premiere night nito ay sa Hulyo 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan umpisa Hulyo 10.
NOEL FERRER
Ganito na bang mag-promote ngayon? Magiging National Artist si Barbie Forteza dahil sa talent at etiquette?
At si Divine Aucina ay magiging Pambansang Best Friend sa local entertainment industry.
Sana talaga, mag-hit ang unang pelikula ng BarDa, promise!!!
