PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Guwapong aktor, malapit nang maging isang ganap na ama

Guwapong aktor, lilipad pa-U.S. para sa pagsilang ng kanyang baby.
by PEP Troika
Published Jun 21, 2024
Blind item
ILLUSTRATION: Igi Talao

GORGY RULA

Bago matapos ang buwang ito ay tutulak pa-U.S. si Guwapong Aktor.

Nadiskubre koito nang inimbita ko si Guwapong Aktor para sa nalalapit na 7th The EDDYs awards ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Awards).

Read: Personality, napaka-dramatic ng exit: "Pinalayas at kinaladkad sa labas."

Nakiusap ako sa ilang taong malapit kay Guwapong Aktor kung puwede siyang umapir sa awards night sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay City, sa July 7, 2024.

Kaagad akong tinanggihan ni Guwapong Aktor dahil nakatakda raw siyang umalis isa sa mga araw na ito.

Tinanong ko ang kaibigan ko kung malapit na bang manganak ang girlfriend ni Guwapong Aktor kaya kailangan na nitong lumipad pa-Amerika. Patanong din ang sagot sa akin kung magni-ninang daw ba ako.

Hindi kinumpirma, pero may mga nakarating sa aming kinukuwento naman daw ito ni Guwapong Aktor sa ilang malalapit na kaibigan. Kaya sa tingin ko ay hindi ito itatago ni Guwapong Aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hintayin na lang nating i-post niya ito sa kanyang social media account.

IT'S A BOY FOR GUWAPONG AKTOR

Nakita na raw ng ilan ang 4D ultrasound result ng baby na nasa sinapupunan pa ng girlfriend ni Guwapong Aktor. Ang guwapo at kamukha raw ni Guwapong Aktor.

Kaya ganun na lang katuwa sa malaking pagbabago sa buhay niya si Guwapong Aktor na malapit nang maging tatay.

Masaya kami para kay Guwapong Aktor dahil matagal din niyang dinamdam ang hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nakaraang taon.

Ngayon ay ang gaan na ang lahat at sa ganitong biyayang dumating sa kanyang buhay.

Read: Showbiz couple, nagbunga na ang pag-career magka-baby

NOEL FERRER

Maganda naman at naaayos lahat sa buhay nitong guwapong aktor pati na sa panig ng kanyang dating karelasyon na gandarang aktres. Parehong umuusad na mli ang kanilang career.

May teleserye si Gandarang Aktres, at may bagong project si Guwapong Aktor. (Ano na kaya ang nangyari roon?)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan natin ang magiging susunod na hakbang nila sa kani-kanyang career. We wish them both all the best!

JERRY OLEA

Dedmadela si Guwapong Aktor sa intriga ng ilang nakikiliting accla na “one of us” siya.

Ewan kung damage control ba for whatever controversy ang mga ganoong pahiwatig, na kinakagat naman ng mahihilig mag-overthink.

Hintay-hintay na lang tayo sa announcement ng Guwapong Aktor kaugnay sa kanyang panganay.

I wonder kung ang ex niyang gandarang aktres ay umaasam na magdalantao in the near future, o mas pagtutuunan pa rin ng pansin ang kanyang career. Her biological clock is ticking, ika nga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results