JERRY OLEA
Mabuting balita, mga Kasisiw! Nanguna agad ang Mallari ni Piolo Pascual sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Ang horror movie na Mallari ay isa sa sampung official entries ng 49th MMFF (Metro Manila Film Festival). Pangalawa ito sa Rewind bilang pinakamalakas na pelikula sa MMFF 2023, maging sa buong taon ng 2023.
Read: Piolo Pascual, na-challenge sa triple-character role niya sa Mallari
Maliban sa Rewind at Mallari, ang dalawa pang pelikulang Pinoy last year na lumampas sa PHP100M ang kinita sa takilya ay ang A Very Good Girl ni Kathryn Bernardo, at Five Breakups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes.
MALLARI IN LOCAL AWARD-GIVING BODIES
Sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal noong Disyembre 27 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, wagi ang Mallari bilang third best picture, best supporting actor (JC Santos), best musical score, at best visual effects.
Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

Sa awards rite ng 1st Manila International Film Festival noong Pebrero 2 sa Los Angeles, California, USA, ay tabla bilang best actor sina Piolo (Mallari) at Dingdong Dantes (Rewind).
Sa 72nd FAMAS Awards noong Mayo 26 sa Manila Hotel ay best actor muli si Piolo for Mallari, at ang katabla naman niya ay si Alfred Vargas (Pieta).
May lima pa itong awards sa FAMAS — best picture, best supporting actress (Gloria Diaz), best screenplay, best visual effects, at best production design.
Read: 72nd FAMAS: Kathryn, Piolo, Alfred win top acting awards
Sa 47th Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) na ginanap noong Hunyo 8 sa De La Salle University, Taft Avenue, Manila, wala ni isang nominasyon ang Mallari.
7TH EDDYS
Sa 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), of the 14 categories ay nominated sa 13 ang Mallari.
Wala itong nominasyon sa kategoryang best actress. Nominated siyempre si Piolo bilang best actor.
Ang producer ng Mallari na Mentorque ay may special award na Rising Producer of the Year.
Si Piolo ay isa sa anim na pagpupugayan bilang Box Office Heroes ng nagdaang taon.
Ang 7th The EDDYS ay gaganapin sa Hulyo 7, Linggo ng 7:00 P.M. sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.
Iho-host ito nina Jake Ejercito, Gabbi Garcia, at Janine Gutierrez. Ang direktor ng programa ay si Eric Quizon.
Nakatakda ang delayed telecast ng 7th The EDDYS sa Hulyo 14, Linggo ng 10:00 P.M. sa ALLTV.
Read: 7th EDDYS: Vilma, Maricel, Marian, Kathryn for Best Actress

Sa 40th PMPC Star Awards for Movies na gaganapin sa Hulyo 21, Linggo, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Katipunan Avenue, Quezon City, kabilang si Piolo sa sampung nominadong best actor para sa Mallari.
Nominado ang Mallari sa labintatlo pang kategorya. Dekada Awardee rin doon si Piolo.
Read: Star Awards for Movies: Nora vs Vilma vs Sharon vs Maricel
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Mallari, Trigger Warning, Madame Web, Dawn of the Dead, Rush Hour 3, Under Paris, Richie Rich, Ultraman Rising, Minions: The Rise of Gru, at Dearly Beloved.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Miss Night and Day, Bridgerton, Demon Slayer, Hierarchy, Kaiju No. 8, Nightmares and Daydreams, The Atypical Family, Sweet Tooth, Queen of Tears, at Agents of Mystery.
GORGY RULA
May ibang hindi nagustuhan ang Mallari.
May nakukulangan sa portrayal ni Piolo Pascual sa apat na karakter niya sa pelikulang ito, pero karamihan ay nagustuhan nila. Kaya hindi mo talaga masabi kung ano ang gusto ng mga manonood.

Ang maganda lang dito sa Mallari, nakikitang hindi pinagtipiran. Ibinigay lahat para mapaganda ang pelikula.
May ganitong klase kayang pelikulang mapapanood natin sa susunod na MMFF?
Malamang na hindi na gagawin uli ni Piolo ang ganitong tipo ng pelikula. ?ba naman ang susunod na mapapanood natin sa kanya.
Tiyak na iba na naman ang ibibigay sa atin ni Papa P kung matutuloy ang film project na pagsasamahan nila ni Vic Sotto.
NOEL FERRER
Halos kalahati na ng taon at mga Metro Manila Film Festival entries pa rin ng nakaraan ang pinag-uusapan natin dahil sa kanilang impact.
Gusto naman na rin nating may local film na makalikha ng ganoon kalakas na ingay at impresyon sa mga Pilipino. Ano kaya ang pelikulang ito?
Sana, dumating na ito. Yung tunay na maganda at pipilahan muli ng mga kababayan natin.
Sana, meron sa 20th Cinemalaya filmfest sa Agosto. Sana, soon.
Sana, may kumikitang pelikulang lokal (na maganda) kahit sa labas ng MMFF.
Sa dinami-dami ng mga artistang nasa gobyerno, sana maupuan ito at magawan ng solusyon sa lalong madaling panahon.
