PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla, pinasaya ang mga taga-Pola, Oriental Mindoro

Daniel Padilla, nagmura na naman sa stage.
by PEP Troika
Published Jun 24, 2024
daniel padilla in pola oriental mindoro
Kapamilya actor Daniel Padilla performs five songs during the Latiti Hydro Party, which is a part of the Sab-uyan Festival in Pola, Oriental Mindoro.

GORGY RULA

Sobrang saya ng mga taga-Pola, Oriental Mindoro, noong Linggo, June 23, 2024, sa pagdiriwang ng kanilang Sab-uyan Festival 2024.

Hanggang ngayong Lunes, June 24, ang kanilang selebrasyon kung saan meron pa silang fluvial parade.

Read: Daniel Padilla delights fans with "free concert" in Siargao

Ang isa sa pinaka-highlight ng Sab-uyan Festival ay ang Latiti Hydro Party na ginanap sa may Pola Municipal Grounds noong Linggo ng gabi.

Tampok sa kanilang concert-party sina Daniel Padilla, Cesar Montano, Vhong Navarro, at ang bandang Rocksteddy.

Naunang nag-perform sina Vhong at Cesar. Sumunod si Daniel at hindi na raw magkamayaw ang mga taong dumagsa sa naturang event.

Nakausap ng PEP Troika si Pola Mayor Ina Alegre ngayong Lunes, June 24, at sobrang tuwa niya dahil talagang nagsaya raw ang mga taong dumagsa roon.

Ang tantiya nila, mahigit 20,000 katao ang nagsadya sa Pola para makisaya sa kanilang Latiti Hydro Party.

Hindi lang daw taga-Pola ang dumagsa roon kundi ang buong Mindoro, at meron pa raw galing ng Maynila na solid supporters ng Kapamilya actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
daniel padilla mayor ina alegre in pola
Daniel Padilla with Pola Mayor Ina Alegre

DANIEL PADILLA'S MINI-CONCERT

Halos lahat daw ay gustong makita si Daniel na nagpa-mini concert din.

Nakalimang kanta raw ito at hindi ininda ang pagbuhos ng ulan. Kahit nababasa ay tuloy pa rin ang pagkanta na ikinatuwa ng lahat ng nanood.

Bigay na bigay si Daniel sa pagkanta na nagbitaw na naman ng linyahang “Nothing will ever break me. Wala talaga… ta***na, wala!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Mayor Ina, wala silang kaproble-problema kay Daniel na napaka-accommodating sa lahat.

Nag-trending ang performance ni Daniel sa X nung Linggo ng gabi, at halos iisa ang sinasabi ng karamihan na dapat na magpa-concert na si Daniel Padilla sa isa sa malalaking concert venue dito sa Maynila.

Pagkatapos ni Daniel, saka isinalang ang bandang Rocksteddy na tuluy-tuloy na ang kanilang Hydro party.

JERRY OLEA

Magiging tatak na ba ni Daniel Padilla ang pagmumura sa concert?

Libre ang nasabing concert sa Pola na dinagsa ng mga tao. Tingnan natin kung dudumog pa rin ang fans sakaling kailangang magbayad sila sa concert ng Supreme Idol.

Noong Pebrero 12, 2024 pa nag-renew ng kontrata si Daniel sa ABS-CBN. After 15 years, nananatili siyang Kapamilya.

Read: Daniel Padilla thanks ex-girlfriend Kathryn Bernardo as he renews contract with ABS-CBN

Hinihintay natin iyong collab niya with Ely Buendia, pati iyong pelikula kasama sina Zanjoe Marudo at John Arcilla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tuloy rin kaya ang pagsasama nina Daniel at Maricel Soriano sa isang proyekto?

Hinihintay rin natin kung magsasanib-puwersa ba sa isang maaksyong teleserye sina Daniel, Richard Gutierrez, Enrique Gil, at Ian Veneracion.

Samantala, abalang-abala ang ex ni Daniel na si Kathryn Bernardo sa kabi-kabilang commitments.

Ikinakasa na kasi ang pagsusyuting nina Kathryn at Alden Richards ng pelikulang Hello, Love, Again sa Canada.

Read: Daniel Padilla to focus on career after breakup with Kathryn Bernardo: “I need to love myself first.”

NOEL FERRER

If there’s anything about Daniel Padilla, talagang puwede niyang i-develop at i-hone pa ang kanyang performing skills. Kasi, magaling siya roon.

Pati nga sa acting, I believe that given the right roles, he will excel.

Ngayon siya puwedeng mag-experiment at mag-explore ng mga puwede pa niyang gawin. Pero sana, doon siya luminya sa puwedeng i-emulate sa kanya at gayahin ng mga fans niya.

There is always a space for good actors and performers, and I believe that Daniel is gifted with that talent and charisma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, magtuluy-tuloy lang siyang gumawa ng maganda at mabuti.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Daniel Padilla performs five songs during the Latiti Hydro Party, which is a part of the Sab-uyan Festival in Pola, Oriental Mindoro.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results