JERRY OLEA
Ang animated coming-of-age film na Inside Out ang pinakamalakas nang pelikula ng taon.
Ayon sa Box Office Mojo, ang weekend gross nito sa North America nitong nakaraang weekend, Hunyo 21-23, ay $101.2M.
Bale $356.4M na ang domestic gross ng Inside Out 2. Kinabog nito ang domestic gross ng Dune: Part Two na $282.1M.
Read: Inside Out 2, "inagawan" ng sinehan ang local films
Ang worldwide gross ng Inside Out 2 ay $729M na. Taob ang dating 2024 champ na Dune: Part Two, na ang global gross ay $712M.
Take note na for the year 2024, ang Inside Out 2 ang unang pelikulang lumampas sa $100M ang opening weekend gross.
Aba! On its second weekend, $100M+ pa rin ang hinamig nito sa takilya ng U.S. at Canada.
Wagi ang pag-e-emote nina Joy at Anxiety, kasama sina Disgust, Fear, Anger, Sadness, Envy, Ennui, Embarrassment, at Nostalgia!
Maski itanong pa ninyo kina Bloofy, Pouchy, Lance Slashblade, at Deep Dark Secret!

Napanood namin ng kaibigang photographer na si Lee Santiago ang Inside Out 2 sa 5:30 P.M. screening nito noong Hunyo 23, Linggo, sa IMAX cinema ng SM Mall of Asia.
3D iyon. P750 ang tiket, inclusive of one drink.
Andaming batang nanood kasama ang kani-kanyang magulang o yaya. More or less ay okupado ang kalahati ng sinehan.
Komento ni Lee sa movie, “Nakakatuwa! Pero mas maa-appreciate ng adults ang movie.”
Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time
NEW AND UPCOMING MOVIES
Kasabay ng Inside Out 2 na nag-open sa local cinemas noong Hunyo 12, Miyerkules, ang mga pelikulang Playtime, Fruitcake, Love You As The World Ends, Latency, at Skye Hoshi: Anime Girl.
Apat na bagong movies ang nag-open sa local cinemas noong Hunyo 19, Miyerkules. Ang mga ito ay ang Karma, Cabrini, The Bikeriders, at The Exorcism.
Ayon sa Click the City, kabilang sa mga pelikulang mag-o-open bukas, Hunyo 26, sa local cinemas ang A Quiet Place: Day One, A Thousand Forests, My Boo, at Tarot.
Hunyo 28, Biyernes, ang opening ng Horizon: An American Saga — Part 1.
Nasa July 3 playdate naman ang Despicable Me 4, Kuman Thong, The Promised, at Citizen of a Kind.
NOEL FERRER
Ang tanong, malalampasan kaya ng Inside Out 2 ang worldwide gross ng Barbie na $1.45B?
Ang Barbie ang pinakamalakas na movie last year. Sumunod dito ang The Super Mario Bros. Movie na ang global gross ay $1.36B.
Read: Barbie umabot na sa $1 billion ang box-office gross worldwide
Ang mga kasunod ay Oppenheimer na naka-$975M, Guardians of the Galaxy Vol. 3 na naka-$846M, Fast X na naka-$705M, Spider-Man: Across The Spider-Verse na naka-$691M, Wonka na naka-$632M, The Little Mermaid na naka-$570M, Mission: Impossible - Dead Reckoning Part One na naka-$568M, at Elemental na naka-$496M.
GORGY RULA
As of Sunday, June 23, umabot na sa PHP639M ang kinita ng Inside Out 2 sa Pilipinas.
May word-of-mouth ang pelikula, at naririnig ko ngang maganda raw kaya ang daming nagkakainteres na panoorin ito.
Puwede itong ma-extend ng isa pang linggo, at sasagasaan ang magso-showing na pelikula natin sa linggong ito.
Wala na tayong magagawa, ito na talaga ang gustong panoorin ng mga tao.
