GORGY RULA
Tumataas na ang rating ng My Guardian Alien na magtatapos na sa Biyernes, June 28, 2024. Inaabangan kung magiging happy ending ba ito.
Noong Lunes, June 24, ay naka-9.9% ito.
Read: Kumusta ang Linlang finale, Pamilya Sagrado pilot episode?
Ang katapat ng My Guardian Alien na Pamilya Sagrado ay 6.7%. Ang High Street ay 3%.
Consistent ding mataas ang rating ng Asawa ng Asawa Ko na naka-6.9%.
Noong Lunes din ay nagsimula sa primetime ng TV5 ang Lumuhod Ka Sa Lupa, at naka-3.2% ito.
Ang katapat nito sa GMA-7 na Black Rider ay 12.6%.
Ang kasunod ng Lumuhod Ka Sa Lupa sa TV5 ay FPJ’s Batang Quiapo na naka-14.2%.
Sumusunod ito sa Frontline Pilipinas na 2.7%, katapat ng 24 Oras na 14.4%, at ang TV Patrol ay 3%.
AFTERNOON RATINGS
Sa hapon naman ay namamayagpag pa rin ang mga afternoon drama, pero winner ang Family Feud kung saan naglaro ang celebrity kids.
Simulan muna natin sa It’s Showtime na 7.6%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.
Ang Abot Kamay Na Pangarap ay 9.4%, at ang Dirty Linen ay 0.3%.
Bahagyang bumaba ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na naka-8.9%, at ang Mars Ravelo’s Darna ay 0.2%.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na naka- 5.6%, at ang Voltes V Legacy naman ay 5%. Ang Eclipse of the Heart ay 3.1%.
Read: Ratings game, nananatiling nasa pabor ng GMA-7
NOEL FERRER
Kahit noong Hunyo 21, Biyernes, ay waging-wagi ang Pride celebration episode ng Family Feud kung saan naglaban ang Rampa Reynas at Divine Divas. Nagtala ito ng 9% rating.
Panalo pa rin ang It’s Showtime noong Friday with 7.3%, kumpara sa Eat Bulaga! na naka-3.6% pa rin.
Ang Abot-Kamay na Pangarap ay 9%, laban sa Dirty Linen na 0.4%.
Ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ay 8.4%, kontra Mars Ravelo’s Darna na 0.4%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 5.3%. Ang Voltes V Legacy ay 4.3%. At ang Eclipse of the Heart ay 3.6%.
PRIMETIME RATINGS
Pagdating sa primetime noong Biyernes, waging-wagi ang Kapuso newscast na 24 Oras with 13.2%. Ang TV Patrol ay 2.6%, at ang Frontline Pilipinas ay 3.2%.
Ang Black Rider ay 13.4%, kumpara sa FPJ’s Batang Quiapo na 14.2%.
Ang My Guardian Alien ay 10%, kumpara sa Pamilya Sagrado na 7.7%.
Ang Amazing Earth ay 5.5%, laban sa High Street na 3.6%.
JERRY OLEA
Noong Hunyo 22, Sabado, ang It’s Showtime ay 6.9%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6% na naman.
Ang Abot-Kamay na Pangarap ay 8.4%, at ang rerun ng Dirty Linen ay 0.5%.
Ang Tadhana ay 7.2%, at ang Wish Ko Lang! ay 5.6%.
Ang Pinoy Crime Stories ay 6%, at ang Puhunan Ko ay 0.5%.
Ang 24 Oras Weekend ay 8.4%, ang TV Patrol Weekend ay 0.7%, at ang Frontline Weekend ay 1.2%.
Ang Pepito Manaloto ay 9%, at ang Running Man Philippines ay 12.2%. Ang katapat nitong What’s Wrong With Secretary Kim ay 3.3%.
Ang Magpakailanman naman ay 10%, at ang I Can See Your Voice 2.6%.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 6.3%, at ang I Witness ay 3.5%.
SUNDAY RATINGS
Kailangan na yatang mag-reformat ang All-Out Sundays na hindi na talaga umuusad ang rating, at nahahabol na ng ASAP Natin ‘To.
Noong Hunyo 23, Linggo, ay naka-3% lang ang AOS, at ang ASAP Natin ‘To ay 2.2%.
Sumunod ang Miss Manila 2024 na naka-3.2%, ang Sunday Blockbuster ay 3%, at ang Ipaglaban Mo ay 0.9%.
Ang Regal Studio Presents ay 2.6%, at ang Resibo ay 3.3%.
Ang 24 Oras Weekend ay 5.1%. Sumunod ang Bubble Gang na 7%, at ang Running Man Philippines ay 9.8%.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 16%, at ang katapat na I Can See Your Voice ay 1.6%.
Ang The Boobay and Tekla Show ay 4.1%.
