JERRY OLEA
Bonggacious to the next level ang arrival ng pretty wifey ng isang politician kapag nagpapasok ng kadatungan sa kanyang bank account.
Mas istariray, mas magical, mas sparkling kesa kay Doña Señora Katchina Halili!!!
May konek sa showbizlandia si pretty wifey, na parami nang parami ang friendship habang palaki nang palaki ang ipon niya sa bangko.
Ang nakalulumbay lang, tila iwinawaksi na ni pretty wifey ang ilang dating kachika-chika as if “who you?” na ang mga ito sa kanya.
Read: Dalawang showbiz personalities, may hidwaan dahil sa pera
GORGY RULA
Narinig din namin ang kuwentong iyan, na sobrang ang laki na raw ng ipinagbago ni pretty wifey.
Hindi na rin naman kataka-taka kung nagbago si politician’s wifey. Ang laki talaga ng nagagawa ng kadatungan, lalo na’t limpak-limpak na salapi ang pumapasok sa kanyang bank account.
SAAN GALING ANG MONEY?
Medyo nakakaintriga lang dahil ang sabi ng ilang reliable source namin, galing daw ito sa kinahuhumalingang sugal sa isang lalawigan. Hindi ako pamilyar sa sugal na ito na mala-jueteng daw ang tipo nito.
Basta, yun lang din ang pagkakaintindi ko sa sugal na yun na naririnig naming pinanggalingan ng kadatungan.
Yun na ang lumalabas na kuwento tungkol kay super duper pretty politician’s wifey.
Read: Rich personality, delayed magbayad ng upa sa bahay?
NOEL FRRRER
Narinig nating nakarelasyon before ng ating bida ang isang yayamanin at makisig na politician na hiwalay sa asawa.
Noong magkarelasyon sila ay nakapag-ipun-ipon si pretty woman, na sadyang masinop at masikhay sa buhay.
Matapos ang kanilang relasyon ay may bagong pag-ibig si pretty woman, isang politician na mas mayaman at walang sabit, at nagawa siyang iharap sa dambana.
Kaya si pretty woman ay nag-transform into pretty wifey, at hindi na matatawaran ang kislap ng kanyang mga diyamante!
