GORGY RULA
Inaasahan na natin ang matinding paghahanda ni Willie Revillame sa kanyang pagbabalik-telebisyon via his new show Wil to Win sa TV5.
May narinig kaming kuwentong bumakas na raw ang controversial TV host ng PHP200M para sa bagong programa niya. Siyempre, talagang magpapaulan sila ng kadatungan diyan!
Read: Wil to Win, bagong title ng show ni Willie Revillame sa TV5
Kaya tiyak na limpak-limpak na salapi rin ang itatapat ng GMA-7 sa programa ni Kuya Wil. Hindi ko lang nakuha ang eksaktong detalye, pero mas marami at malaking papremyo raw ang ipamimigay nila sa televiewers na nakatutok sa hapon pa lang.
Mapapatapat ang Wil to Win sa Eclipse of the Heart at Family Feud ng GMA-7. Pero pagkatapos pa lang ng It’s Showtime ay lalo nilang palalakasin ang mga panghapong Kapuso shows, sa tulong ng Family Feud na consistent na mataas ang ratings.
Dati kasi sa Family Feud ay may mga tanong na silang pinapasagot sa televiewers, na makakatanggap ng PHP20,000. After one week pa malalaman ang winners pagkatapos nila itong ma-draw.

GMA-7 TO GIVE AWAY PHP2M EVERY WEEK
Ang pagbabago ngayon, sa Abot-Kamay Na Pangarap pa lang ay may ilalabas nang mga tanong na kailangang sagutin ng televiewers. Pagdating ng Family Feud ay doon malalaman kung sinu-sino ang mga nanalo sa mga nagpadala ng tamang sagot.
Abangan na lang sa mechanics nito na ibibigay nila isa sa mga araw na ito. Basta mas marami at mas malaki ang matatanggap ng Kapuso winners, na nakatutok pa lang sa tanghali.
Ang tantiya raw nila ay aabutin ng PHP2M ang ilalabas ng GMA-7 every week para sa mga winners at PHP100,000 sa charitable institutions na pinamimigay ng Family Feud.
Bukod pa riyan, mas masaya at mas riot daw ang bawat episode ng Family Feud na makakatapat ng programa ni Willie.
Kaya simula sa susunod na buwan ay mas masaya at mas maraming mabibiyayaan ng kadatungan mula sa mga programang tututukan ng televiewers.
Read: Musta ang It's Showtime guesting sa Family Feud?; Eat Bulaga! production cost, tumaas ba?
NOEL FERRER
Baka ikawindang daw ni Willie Revillame ang mga maglalaro sa episode ng Family Feud na tatapat sa pilot episode ng Wil To Win.
Pasabog daw ang guests na maglalaro, na ang duda ng PEP Troika ay baka yung mga nanggaling sa Wowowin ng GMA-7.
Magsama-sama kayang maglaro ang dating co-hosts ni Willie sa Wowowin na sina Herlene Budol, Super Tekla, Donita Nose, Sugar Mercado, at ang ibang taga-Wowowin?
Basta, sabi ng ilang taga-Family Feud, tuluy-tuloy ang hashtag na #HulyoFUNalo dahil ang tunay na panalo rito ay ang televiewers.
JERRY OLEA
Pauga pa more! Payanig pa more! Pasiklab pa more!
Pralala ng TV5, “If there’s a WIL, there’s a WIN!”
Win na win sa saya at nag-uumapaw na sorpresa ang WILcome Back Party sa Hulyo 14, Linggo ng 4:00 P.M., sa Kapatid Network.
Umpisa Hulyo 15, mapapanood na ang Wil to Win tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:00-6:30 P.M. sa TV5.
Magiging available din ito sa BuKo Channel at Sari Sari Channel, at may catch-up sa RPTV at One PH.

Kabilang sa Wil Girls sina Cindy Miranda, Kim Molina, Christine Bermas, Ira Patricia, Ana Ramsey, Inday Fatima, Gab Basiano, at Roberta Tamondong.
Kasama pa ba sa co-hosts ng Wil to Win si Queenay Mercado? O may ibang TV show na inilaan para sa kanya ang Singko?
Read: The Win Girls, co-hosts sa show ni Willie Revillame sa TV5
FAMILY FEUD VS WIL TO WIN
Kaabang-abang ang bardagulan ng Family Feud at Wil to Win.
Ang Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie ang dating nakapuwesto sa timeslot na inokupa ng Family Feud ni Dingdong Dantes.
Win na win sa takilya ang pelikulang Rewind na pinagbidahan ni Dingdong kasama ang wifey niyang si Marian Rivera. Iyon ang pinakamalakas na pelikula sa kasaysayan ng local movie industry — hindi adjusted sa inflation.
Hindi hahayaan ng GMA Network na basta na lang mapabilang sa "Lotlot and Friends" ang game show ng Kapuso Primetime King.
BARANGAY SINGKO PANALO
Siyanga pala, huling hirit na ng Barangay Singko Panalo nina Jerald Napoles at Joross Gamboa ngayong Hunyo 28, Biyernes ng 5:30-6:30 P.M., sa TV5.
Bahagi ng Facebook post ni Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company this Friday, “Maraming salamat sa buong team, mula sa cast at staff at crew at post team hanggang sa mga contestants at viewers naming nakisaya for 75 episodes!
“Congrats sa core team Malou Dacky Rich Nico Evette at creative team, pati na sina Baschia at JoAnn na super supportive, naitawid natin ito from photo finish sa starting gate hanggang rumampa sa finish line with flying colors and all smiles!
“Salamat uli sa mga TV5 Kapatid natin (lalo na mga Nova Kapatids!) sa tiwala at suporta! Sa uulitin, mga kaBarangay!
