JERRY OLEA
Matagal nang hindi kumakain ng karneng manok si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.
“Naging kaibigan ko kasi sila. I lost all ano for chickens. Para silang pet ba,” pag-amin ni Mayor Lucy nitong Hunyo 27, 2024, Huwebes, sa Ormoc City Hall.
Hindi na mabilang ni Mayor Lucy kung ilan ang mga manok sa tahanan nila ni Congressman Richard Gomez, pero walang pangalan ang mga iyon.
Read: Lucy Torres-Gomez, Richard Gomez build animal kingdom in their Ormoc City home
Pagpapatuloy ni Mayor Lucy, “At saka mababait sila na hayop, e. Not to say hindi mabait yung baboy kaya natin kinakain, no.
“Pero… Ha! Ha! Ha! Ha! Ayaw ko lang. Yung chicken kasi namin sa bahay, nangingitlog kung saan-saan.”
Kahit sa loob ng bahay?
Umayon si Mayor Lucy, “Kasi open lang naman yung house, di ba? So they choose. If they see a big basket, dun sila mangingitlog. Sa kanila na yung basket na yun.”
Yung mga itlog ng manok, kinakain nila?
Mabilis na tugon ni Mayor Lucy, “Hindi. Kaya nga andami naming chicken, kasi hina-hatch din naman siya.
“Yung iba, I think kinakain pero pag nakita ni Richard yung nangingitlog na, sasabihan na niya kaming lahat, ‘O, huwag ninyo itong guluhin, ha?’
“So, lalagyan na niya yan ng pampalambot ba para hindi mabasag yung shell, hanggang sa mag-hatch siya.
“And then maririnig mo na lang na… May incubator pa siya!
“And I’m sure, yung iba, kinakain din ng mga tauhan sa bahay.”
Read: Leyte Rep. Richard Gomez, Ormoc Mayor Lucy Torres-Gomez relate their first year in new posts
ANIMAL GENERAL ASSEMBLY AT GOMEZ HOME
Sangkatutak din ang mga alaga nilang iba’t iba pang hayop. Hindi raw sila nag-aaway-away.
Paliwanag ni Mayor Lucy, “Bago sila mag-ano, yung mga hayop sa bahay, pag may bagong entry, magko-caucus muna sila.
“Imi-meeting muna sila ni Richard. May general assembly sila. Like, nung dumating yung bago naming mga aso, maliliit, si Amihan at si Habagat…
“Nung dumating sila, galit si Xander, yung malaki naming dog. So, ang ginawa ni Richard is pinagtagpo niya muna. Ngayon, friends na sila.
“Yung baboy din, nung dumating si Hamlet before, pinag-caucus din niya yun muna kay Xander… oh, ano ba yung mga hayop namin?
“Nagsimula lang yun sa dalawang turtle. Ngayon, lima na yung turtle. And then may gansa kami. May mga gansa kami. Ang cute ng mga gansa!
“And then may turkey na lumaki siya with the gansa, so feeling niya, gansa siya. Dun siya nakikibarkada sa mga gansa.
“And then may baboy na dumating, si Hamlet saka si Bobby.”
Meron ding mga bubuyog, na pagkarami-rami gaya ng mga manok kaya nameless din.
“Yung bubuyog daw, puwede kang dumaan. Kasi yung bubuyog, free lang sila sa bahay, e,” sambit ni Mayor Lucy.
Lumaki na iyong colony ng mga bubuyog?
“Oo, kasi the colony is distributed all over Ormoc. Maraming colonies dito sa iba-ibang part.
“And then yung bees pala, they only sting when they know that you fear them. So, pag dumadaan ka, pag nararamdaman nilang kinakabahan ka, tumakbo ka na dahil kakagatin ka talaga…
“Kaya when you approach daw a colony, do not fear. Kasi nararamdaman nila.”
GORGY RULA
Hindi ko akalaing sa Ormoc City ko pa mapapanood ang Swedish pop group na “ABBA.”
Pero kahit ABBA Revisited Canada sila, ‘ABBAng-ABBA’ pa rin talaga ang dating nila. Kuhang-kuha nila ang boses, style sa pagkanta, at pati hitsura nina Agnetha Fältskog, Björn Ulvaeus, Benny Andersson, at Anni-Frid Lyngstad.
Kaya may ilang kaibigan kaming may posisyon sa LGU na nag-comment na bilib sila sa taga-Ormoc at nakuha nila ang grupong ito.
Medyo madugo ang budget sa ABBA Revisited Canada, kaya hindi na sila nakakuha ng ibang performers. Pero wagi naman pala ang local talents nila, lalo na itong grupong O! Caraga na sikat na sikat sa Kabisayaan.
Sa culminating activity ng Fiesta month ng Ormoc, bahagi ng pagdiriwang ng kanilang Piña Festival, itong grupong O! Caraga ang nag-perform noong Hunyo 29, Sabado ng gabi.
Read: Miss Ormoc 2023, streetdance parade, at iba pang highlights ng Piña Festival
Punung-puno ang buong Ormoc City Stage na sobrang nag-enjoy sa mga Visayan songs ng naturang banda. Karamihan ay mga kabataan ang dumagsa sa naturang concert, dahil Youth Jam ito ng Ormoc. Pero nag-enjoy rin ang mga kabataan sa mga kanta ng ABBA na naunang nag-perform doon noong Hunyo 27, Huwebes.
Kaya masaya lang daw na nagkakatipun-tipon ang mga taga-Ormoc sa taunang festival nila.
“Mas gusto ni Lucy na mas naga-gather ang mga tao. Katulad nung Parade of Lights, mas maraming naga-gather na mga tao.
“So people are coming out, people are spending money, people are enjoying the view. “Buhay na buhay ang business at walang gulo,” pahayag ni Cong. Goma.
Natapos na ang fiesta month ng June sa Ormoc, at in-announce na rin ni Mayor Lucy Torres-Gomez na ang buwan naman ng July ay ang kanilang Health month.
Buong buwan ay may activities sila para sa kanilang kalusugan, hindi lang ang physical, kundi pati mental and emotional health.

NOEL FERRER
Major FOMO ako sa pagpunta sa Piña festival ng Ormoc City this year dahil sa dami ng labada, pero nakakatuwa dahil nakita natin at nasubaybayan ang progreso ng lugar na ito hindi lang sa panlabas (dami nang buildings at businesses na dati’y wala) kundi sa panloob (ang tiwala at pagmamahal ng mga tao sa lugar at lider nila, ramdam mo).
Kaya nga every time nagkakaroon ng Piña festival, naging sign yun ng abundance at pagka-magnificent at hardworking nilang lahat. Tapos may Parade of Lights din.
Symbolic in a sense dahil nakita natin ang Ormoc noon na ang dilim at naging pugad ng droga.
Ngayon, sobrang improvement na — dahil buo at nanunuot at malalim, nakaugat ang pagbabago at malasakit at pagmamahal mula sa mayor nilang si Lucy at congressman nilang si Richard Gomez hanggang sa kanilang mga constituents, ramdam mo na empowered sila at katuwang sa pagpapaunlad ng kanilang lungsod.
Kaya walang panahon si Goma na sagutin ang mga puna ukol sa kanyang mahabang buhok. Kebs niya, priority niya ang maganda at mabuting serbisyo sa mga kababayan niya sa kanyang distrito!
Maraming salamat, Goma at Lucy, sa pagpapakitang kaya naman pala ng good governance lalo na sa lokal, at kaya nating umunlad at magtulungan bilang mga kapaki-pakinabang na Ormocanon at mabubuting mga Pilipino!
Read: Richard Gomez writes love note to Lucy Torres on their 26th wedding anniversary
