GORGY RULA
Naglabas na ang GMA-7 ng artcard na isang buwan na lang ay mapapanood na sa GMA Prime ang Pulang Araw ni Alden Richards, kasama sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.

By that time ay nasa Calgary, Canada na si Alden dahil sisimulan na rin niya ang shooting ng reunion movie nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Again ng Star Cinema at GMA Pictures.
Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards reunite in Hello, Love, Again
Sa gitna ng shooting nito ay maglalagare ang Asia’s Multimedia Star sa US Tour ng Sparkle. Nakatakda ang Sparkle Goes To USA concert sa August 9, 2024, sa City National Grove of Anaheim, California.
Kasama ni Alden dito sina Ai-Ai delas Alas, Isko Moreno, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, at Boobay.
Kinabukasan, August 10 ay nasa San Francisco, California naman sila na gaganapin sa South San Francisco High School Auditorium.
Sa August 11 ay babalik ng Calgary, Canada si Alden na si Boobay na lang ang kasama niya sa Southview Alliance Church, at meron pa sila sa August 17 sa Toronto, Canada.
“I really look forward to shows like this. It has been a while since my last international show with GMA. So, excited to be in those countries. Medyo marami nga sila, medyo sunud-sunod sila.
“Makikita niyo po [August] 9, 10, 11, tinalun-talon ko po yung United States to Canada,” saad ni Alden sa nakaraang media conference ng Sparkle World Tour.
“Exciting, kasi you know objective naman talaga namin whenever we do shows like this is to really enjoy and bring the Philippines to our Global Pinoys abroad,” dagdag niyang pahayag.
Kaya todo-lagare si Alden kahit magiging puspusan na ang shooting nila ni Kathryn sa Hello, Love, Again.
NOEL FERRER
Bukod sa Amerika, may naka-schedule na ring concert sa Tokyo, Japan, kung saan tampok dito sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, Ruru Madrid at Bianca Umali, Ken Chan at Jillian Ward, kasama rin si Betong Sumaya.
Naka-schedule na itong Sparkle Goes To Japan sa September 1 na gaganapin sa Hikarigaoka Park sa Nerima City, Tokyo.
Matagal na raw hindi nakadaupang-palad ni Alden ang mga OFW natin na itinuturing na mga bagong bayani.
Ang ginawa nilang Hello, Love Goodbye at ngayon ang Hello, Love, Again ay tumatalakay sa buhay ng ating mga OFW.
Kaya dapat na bigyang-pansin daw ang ating mga OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa para sa kanilang pamilyang naiwan sa Pilipinas.
“I think we really should consider our OFW, our kababayans abroad na rin, heroes. Kasi the sacrifices that they have made for them to be in that country, malayo ang pamilya to earn a living to sustain their family here in the Philippines.
“Kaya sobrang meaningful sa akin that I was able to portray a role ng isang OFW, because I can relate more to them. So, I can be more of service to them in terms of entertainment,” sabi pa ni Alden.
JERRY OLEA
Nominadong best actor si Alden sa 7th The EDDYS para sa Five Breakups And A Romance.
Gaganapin ang 7th The EDDYS sa Hulyo 7, 2024, Linggo ng 7:00 P.M. sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay City.
Kabilang din si Alden sa pararangalan ng 7th The EDDYS bilang Box Office Heroes, along with Dingdong Dantes, Marian Rivera, Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, and Julia Montes.
Interestingly, nominated ding best actor sina Dingdong at Piolo, samantalang kasama sa best actress nominees sina Marian, Julia, at Kathryn.
Samantala, nakipag-ugnayan ang OWWA o Overseas Workers Welfare Administration na pinamumunuan ng administrator nitong si Arnelli Ignacio sa Sparkle para sa iba pa nilang shows sa ibang bansa.
Isa na rito ang Sparkle Goes To Japan, pero marami na raw silang shows sa ibang bansa na in-sponsor-an ng OWWA.
Nadadala na raw ni Arnelli sa Europe at ibang bahagi ng Southeast Asia ang ilang Sparkle stars, kagaya nina Jessica Villarubin, Boobay, Yasser Marta, at ang bagong Tiktok sensation na si Mark Olivares.
Ani Arnelli, “Kailangan kasi ang presence namin, lagi nandiyan for membership, e. Merong booth ang OWWA, merong portion ang OWWA. Ang OWWA kasi, membership institution yan, e. So, nagpo-promote kami lagi.
“Yung benefits nila, makukuha nila nang buo. Twenty-five dollars lang yan for every two years.”
Malaking tulong daw ito na magpapagaan sa mga OFW kung miyembro sila ng OWWA.
“Ito yung mabanggit lang, malaking bagay na. Kasi meron kaming budget for membership promotion, e. Yung ang daming pelikulang in-sponsor-an ng ano.
“Kapag member kasi sila, ang laki-laking benepisyo. E, 25 dollars lang yun, parang 57 pesos a month. Kung ano yung mangyari…may scholarship pa yan, may livelihood project. Pag namatay yan, lahat yan gastusin namin.”
Kaya gusto rin daw nilang i-explore itong pakikipag-collab sa Hello, Love, Again ng KathDen, dahil malaking bagay raw ito kapag iikot nila ang naturang pelikula sa mga bansang maraming mga OFW natin.
“Hanggang ngayon, nililibot pa sa buong mundo yung pelikula nina Vilma Santos at Boyet de Leon na When I Met You In Tokyo. Iyan, puwede nating i-explore. Hanggang ngayon, pinapalabas pa rin.
“Si Vilma Santos kasi mismo ang nagtanong, e... kung puwede ang OWWA. So, ang laki ng value para sa amin. Kahit ilang taon mong gamitin. E, si Vilma yun, e,” pagdidiin ni Arnelli.
