PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Inside Out 2, lagpas $1 billion na ang kinita worldwide

Kuman Thong ni Xian Lim, pasok kaya sa panlasa ng Pinoy moviegoers?
by PEP Troika
Published Jul 2, 2024
inside out 2 kuman thong movies
Inside Out 2 (left), which is now on its fourth week of showing, has reportedly grossed PHP750 million in the Philippines; Kuman Thong (right), a horror film directed by Xian Lim, will open in cinemas on July 3.

JERRY OLEA

Lumampas na sa $1B ang worldwide gross ng animated coming-of-age film na Inside Out 2.

Ayon sa Box Office Mojo, ang global gross nito matapos ang tatlong weekend ay $1.019B na.

Read: Inside Out 2, naungusan na ang record ng Dune Part Two

On its third weekend (Hunyo 28-30, 2024) sa North America ay ito pa rin ang nasa top spot with $57.5M.

Nag-open sa number two ang A Quiet Place: Day One na ang opening weekend gross sa U.S. at Canada ay $52.2M.

Nakapanlulumo na sa third place nag-open ang ambisyosong Horizon - An American Saga: Chapter 1 na ang domestic gross sa unang weekend ay $11.1M lamang.

Tatlong oras at isang minuto ang running time ng Chapter 1. Ang Chapter 2 ay nakatakdang ipalabas sa Agosto.

Ang Chapter 3 ay nag-umpisang mag-shooting noong Mayo 2024. Good luck sa Chapter 4 kung made-develop iyon nang lubos.

Read: Kevin Costner's period film Horizon: An American Saga resonates in today's turbulent times

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
horizon an american saga

Marami-rami ang nakasabay kong nanood ng A Quiet Place: Day One noong Hunyo 30, Linggo ng gabi, sa Cinema 5 ng Power Plant Mall sa Rockwell Center, Makati City.

Marami pa rin ang nanood ng Inside Out 3 sa nasabing mall.

KUMAN THONG VS. DESPICABLE ME 4

More and more ang Hollywood films na magpapasiklab ngayong Hulyo sa mga sinehan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukas, Hulyo 3, Miyerkules, ay palabas na sa local cinemas ang Kuman Thong: Black Magic Baby nina Cindy Miranda, Althea Ruedas, Emman Esquivel, Max Nattapol, at Jariya Terakaosal, sa direksiyon ni Xian Lim.

kuman thong poster

Mas malakas kaya ito kesa sa pelikulang Playmate na tinampukan ni Xian, at kasabay ng Inside Out 2 na nag-open sa local cinemas noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikipagsalpukan ang Kuman Thong sa pag-a-assemble muli ng minions sa Despicable Me 4.

Aba! Iyong Minions: The Rise of Gru ay kasama sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines mula Hunyo 5 hanggang ngayon, Hulyo 2.

Ibig sabihin, marami ang nananabik sa shenanigans ng dating super-villain na si Felonious Gru kasama ang kanyang pamilya — ang tatlong ampon na sina Margo, Edith at Agnes; biological son na si Gru Jr.; at wife na si Lucy Wilde.

despicable me 4 poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itong animated comedy na Despicable Me 4 ay ikaanim na installment na sa Despicable Me franchise.

Siyanga pala, bukas din ang opening sa local cinemas ng horror film na Whisper, at ng South Korean film na Citizen of a Kind na exclusive sa SM cinemas.

NOEL FERRER

Noong 2023 ay dalawang pelikula lamang ang lumampas sa $1B ang worldwide gross.

Ito ay ang Barbie na naka-$1.446B, at ang The Super Mario Bros. Movie na naka-$$1.362B.

Sa palagay ninyo, lalagpasan ng Inside Out 2 ang kinita ng Barbie?

Siyanga pala, ayon sa Click The City ay tuloy na sa July 10 playdate ang showing ng Marupok AF (Where Is The Lie?) nina Maris Racal, Royce Cabrera, at EJ Jallorina.

Kasabay nitong mag-o-open ang That Kind of Love nina Barbie Forteza at David Licauco, pati na ang foreign films na Longlegs at Fly Me to the Moon.

GORGY RULA

Nakakalungkot, kasi foreign films talaga ang mas tinatangkilik ng Pinoy moviegoers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong papasok na sa fourth week sa mga sinehan ang Inside Out 2, naka-PHP750M na ito at posibleng umabot ito sa PHP800M-mark.

Hindi lang itong Inside Out 2 ang nagpakita ng lakas, kundi ang A Quite Place: Day One. Ayon sa aming reliable source, naka-PHP65M na ang isang linggo nito sa mga sinehan.

Magkano lang ang napupunta sa local films natin?

Dito ko napagtanto na basta maganda ang pelikula, papanoorin ito. Meron pa rin kasi sa ilang pelikula natin na hindi tumutugma sa panlasa ng manonood, at dagdagan pa ng ilang nagki-criticize at nagre-review na hindi nakakatulong para i-promote ang isang pelikula.

Tingnan natin itong Kuman Thong kung pasok ba sa panlasa ng Pinoy moviegoers.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inside Out 2 (left), which is now on its fourth week of showing, has reportedly grossed PHP750 million in the Philippines; Kuman Thong (right), a horror film directed by Xian Lim, will open in cinemas on July 3.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results