JERRY OLEA
Konting kembot at kandirit lang ang RAMPA club sa bagong bukas na VICE comedy club ni Vice Ganda.
Magkalapit ang dalawang night club kung saan main attraction ang mga talentadong accla — parehong nasa Brgy. South Triangle sa Quezon City, malapit sa ABS-CBN Compound.
Read: Drag club nina Liza Diño, Ice Seguerra, Divine Divas, atbp. di lang pang-LGBTQ+ community
Ang RAMPA na nag-open noong Enero 2024 ay nasa 40 Eugenio Lopez Drive, samantalang ang kabubukas pa lang na VICE ay nasa 7 Sct. Albaño St.
Magkaribal ang dalawang club?
“No, no, no! Not at all!” bulalas ni RS Francisco sa trade launch ng RAMPA titled Force of July nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 4.
Si RS ay isa sa owners ng nasabing drag club, kung saan may investment din si Boy Abunda at ang Divine Divas na sina Brigiding, Precious Paula Nicole, at Viñas Deluxe.
Pagpapatuloy ni RS, “Kahit gawin pa niyang drag club din, Vice will never be a competitor because she is our ally.
“Kumbaga, kakampi namin yan. Siya nga ang nag-cut ng ribbon [ng RAMPA], e. Ilang beses na siyang nagpupunta dito, e.”
RAMPA AND VICE ARE ALLIES
Ngayong Biyernes ng gabi ay full force daw na pupunta sa VICE comedy club ang mga taga-RAMPA club para sumuporta.
Dagdag ni RS, “At bakit namin siya nasabing kakampi? E, ang lakas ng hatak niya, e! Pag nahatak niya yung mga tao from Makati, from the South, from BGC, pumunta dito… saan sila pupunta?
“Dalawa lang naman, VICE at RAMPA. And RAMPA can only accommodate what, 300?
“VICE Club can only accommodate what, 400? 500? E, sa sobrang lakas ni Vice, sobrang hatak niya, sobrang daming taong mapapapunta niya sa Kyusi.”
So, hindi siya threat sa RAMPA? Hindi kakumpetensiya?
Umiling si RS, “No. Not at all. Actually, yun nga yung parati kong sinasabi. Yung queens namin, gusto ngang mag-perform doon.”
Hindi nila pinagbabawalan ang drag queens ng RAMPA na mag-perform sa ibang bars na nagka-cater sa LGBTQ+ community.
Katuwiran ni RS, “Sa amin, wala yun. Kung ano ang na-hone namin na talent, ipakita niyo sa labas yan. Ayaw namin kayong ihawla dito sa RAMPA.”
Read: Drag club owner RS Francisco, tanggap ang klase ng act ni Pura Luka Vega

BIGGEST LGBT ICON IN THE PHILIPPINES
Masasabi ba niyang si Vice ang pinakasikat at pinaka-influential ngayon sa mga bading sa Pilipinas?
“No, no, I don’t wanna say that,” sambit ni RS. Pinakareyna?
“Hindi. Vice is not the reyna. Vice is the biggest LGBT icon in the Philippines today,” deklarasyon ni RS.
“Hindi lang siya reyna. She’s the biggest. She’s the biggest talaga. You know, I only have pure admiration kay Vice,” sey ni RS.
“For uplifting, for giving the LGBT image, for giving the LGBT persona. She put it in a good light.
“So she’s not a queen. She’s the biggest.”
Hindi nawawalan ng detractors si Vice…
“OK lang yon. Lahat naman, ganyan.”
Balewala ang mga paninira o kritisismo sa Unkabogable Star?
Read: PEP OPINION: The It's Showtime Issue
“Dyusko! Di ba, pati nga si Pope, may detractors? Pati si Santa Claus, pati nga si Jesus Christ, may mga detractors,” pananalig ni RS.
“Wala yon. Pati nga si Madonna na super-love ko, andaming detractors. So, wala yon.
“Saka dyusko naman, ano naman ang makukuha ni Meme Vice kung patulan niya yon?”
Naiinggit ba siya kay Meme Vice pagdating sa lovelife?
Mabilis na tugon ni RS, “Hindi. Alam mo naman ako, e, I’m not the dyowa type. You know that, I’m not the dyowa type.
“Ano lang ako, taste test-taste test lang. So, pika-pika. Pika-pika lang ako, ganun lang ako. I’m not the commitment type.”
Read: Vice Ganda passionately supports local fashion designers
GORGY RULA
Ang gagaling ng mga Rampa Reynas na nag-perform sa trade launch ng RAMPA noong Huwebes ng tanghali, July 4.
Pinangunahan ito ng mga magagaling at beteranang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas De Luxe.
Sabi nga nila, ibibigay na nila ang spotlight sa mga bago na talaga namang talented at promising.
Sabi ni RS Francisco, ganun sila sa RAMPA. Lahat masaya lang sa isa’t isa at nagbibigayan.
Patuloy lang sila sa pagtuklas ng mga bagong drag performers, at gagawin nila ito tuwing Linggo ng gabi na tinawag nilang "Illusion Party."
Read: LGBTQ community blames non-ally for chaotic Pride March 2024
OPEN TO ASPIRING DRAG PERFORMERS
Every Sunday ay open ito sa lahat ng gustong mag-perform sa entablado.
May clients daw kasi silang pumupunta roon ay naka-costume at gustong mag-perform. Kaya ibibigay raw nila ang gabing iyon sa lahat na gustong mag-perform sa stage.
“It’s an open-drag festival. Kahit sino, puwedeng mag-perform dito. Puwedeng magdala ng USB every Sunday,” pakli ni RS.
“Kasi napansin po namin, yung mga clients namin dito pumupunta naka-drag, tapos gusto nilang sumampa.
“So, bibigyan namin sila ng platform kung saan sila puwedeng mag-express ng artistry nila. Kung saan sila puwedeng mag-enjoy na hindi sila dyina-judge.
“So, ang lahat yun, gagawin namin every Sunday.
“RAMPA is a safe space for everyone. This is a place where we welcome everybody. Babae, lalaki, lalo na ang mga pogi.
“Mga trans, mga L, mga G, mga B, mga T, lahat na, kahit ano, kahit anong body shape, kahit anong kulay, kahit anong expression mo. Lahat ginawa namin dito sa RAMPA.
“We make everybody feel na welcome lahat dito. We are one big family,” dagdag ni RS.
Read: RS Francisco, proud sa "inclusivity" peg ng Rampa drag club
NOEL FERRER
Nakakatuwa na nagnenegosyo ang members ng LGBTQ+ community, gaya ni Vice Ganda na nagtayo ng comedy club, at Divine Divas na sumosyo sa RAMPA club.
Sabi ni RS Francisco, “Even ako sa Frontrow, yun ang ina-advocate namin na negosyo, to be an entrepreneur, to do business.
“Kaya nung nagbukas siya… andaming business ni Vice. Marami siyang clubs, may cosmetic line pa siya.
“Kaya ako, palagi sinasabi ko sa mga queens natin, ‘Ngayon performers kayo. Pero soon you might be business owners.’
“Or kahit hindi club. Kahit spa, or restaurant, or whatever.
"Parang sina Precious, when we first presented the concept of RAMPA, sinabi namin, ‘We want you to become co-owners para meron kayong growth.’
“Yung pagmamahal niyo, andoon. Maipakita ninyo yung artistry nyo, yung excellence nyo sa mga younger queens.
“Kaya ngayon, ang Divine Divas, they’re business owners na rin.”
