PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eva Darren, "hindi kinalimutan" sa 7th The EDDYS

Veteran actress Eva Darren: "Huwag niyo kaming kalimutan."
by PEP Troika
Published Jul 8, 2024
eva darren 7th the edys speech
Veteran actress Eva Darren is one of the five Film Icons honored at the 7th EDDYS held at Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, in Pasay City, on July 7, 2024. SPEEd members Nathalie Tomada and Jun Lalin presented the trophy to Eva.
PHOTO/S: Boy Borja

JERRY OLEA

Antagal ni Miss Eva Darren bago nakapag-red carpet sa 7th The EDDYS nitong Hulyo 7, 2024, Linggo ng gabi, sa Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Nakatungkod si Miss Eva at hinay-hinay maglakad. Pero ang nagpatagal talaga ay ang maraming fans na nagpalitrato with her bago siya nakarating sa red carpet.

Read: Eva Darren, napansin ng industriya matapos ang FAMAS issue

Kasama niya sa 7th The EDDYS ang apong si Christine, ang isang daughter niya, at ilan pa. Si Christine ang kasabay niya sa pagrampa sa red carpet.

Nag-time out noon ang host ng red carpet na si Mr. Fu kaya ako muna ang nag-interbyu kay Miss Eva.

Masaya siya sa pagkilala sa kanya ng SPEEd (Socety of Philippine Entertainment Editors) bilang isa sa limang Film Icons ng 7th The EDDYS.

Read: Eva Darren at Carlo J. Caparas, pararangalan sa 7th EDDYS

After a little while ay andiyan na si Mr. Fu na siyang nagtuloy sa panayam may Ms. Eva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napahinuhod later on si Miss Eva na mainterbyu rin ng mga taga-media na nag-cover sa event.

Kapagkuwan ay ihinatid ko na sina Miss Eva sa cocktails room, na bale holding area for nominees, presenters, honoree, sponsors, and VIP guests.

Sinabi ko kay Miss Eva na bilib na bilib ako sa husay niya sa pelikulang Ang Lalaki Sa Buhay ni Selya (1998) na joint venture ng Reyna Films at Star Pacific Cinema label ng ABS-CBN Star Cinema.

Naalala tuloy ni Miss Eva ang namayapang Armida Siguion-Reyna na producer ng Reyna Films.

At any rate, walang pay ang fudz and drinks sa 7th The EDDYS! Naka-table later on ni Miss Eva ang kapwa Icon awardee na si Miss Nova Villa, at more and more ang nagpa-picture sa kanilang dalawa.

Ang tatlo pang Film Icons ng 7th The EDDYS ay sina Gina Alajar, Leo Martinez, at Senator Lito Lapid.

Escort ni Miss Gina ang anak na si Ryan Eigenmann. Representative ni Senator Lito ang pamangkin niyang si Atty. John DX Lapid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
7th EDDYS Icons: Atty. John DX Lapid in behalf of Sen. Lito Lapid, Eva Darren, Nova Villa, Gina Alajar, and Leo Martinez
7th EDDYS Icons: (from left) Atty. John DX Lapid on behalf of Senator Lito Lapid, Eva Darren, Nova Villa, Gina Alajar, and Leo Martinez
Photo/s: Boy Borja

Sa first row of seats ng Ceremonial Hall nakaupo ang Film Icons. Inalalayan nang lubos si Miss Eva sa pag-akyat at pagbaba kapagkuwan sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang presenter sa Film Icons ay si Congresswoman Lani Mercado. Ang nag-abot ng trophies ay SPEEd members.

Natokang mag-abot ng trophy kay Miss Eva sina Nathalie Tomada ng Philippine Star, at Jun Lalin ng Abante.

Pagkaabot ni Jun ng tropeyo ay nilitratuhan si Miss Eva. Kinuha muli ni Jun ang trophy nang mag-i-speech na si Miss Eva para hindi ito mabigatan.

eva darren 7th the eddys
Ms. Eva Darren with SPEEd members Nathalie Tomada and Jun Lalin
Photo/s: Boy Borja
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EVA DARREN'S ACCEPTANCE SPEECH

Pahayag ni Miss Eva, “Maraming-maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat, sa ating lahat. Talagang nakakakaba.

“Wala akong masasabi kundi magpasalamat sa mga bumubuo ng SPEEd, ng EDDYS.

“At ibinabahagi ko din po sa lahat ng mga beteranong kagaya ko. Hindi sa giyera, ha?!

“Kundi sa teleserye, sa pelikula, ibinabahagi ko rin sa kanilang lahat ang napakagandang karangalang ito na ipinagkaloob po ninyo sa akin.

“Marami pong salamat. Pahabol din ito sa birthday ko dahil nag-birthday ako noong June 28.”

Nagpalakpakan ang audience, at saka nagpatuloy si Miss Eva, “Seventy-eight ako noong araw na iyon. At salamat sa mga kapwa ko beterano, noon at ngayon.

“Nabanggit ko ang noon at ngayon. Siyempre, wala yung ngayon kung wala yung noon, di ba?

“Para sa inyo na kapwa ko beterano, maraming-maraming salamat. At sa inyo po, sana, huwag niyo naman kaming pabayaan.

“Huwag niyo kaming kalimutan. Salamat po, at magandang gabi!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ipinost sa social media ng ilang miyembro ng entertainment media ang pagdating ni Ms. Eva Darren sa The 7th EDDYS Awards noong Linggo.

Ikinumpara ng ilan sa ginawa ng 72nd FAMAS Awards sa kanya na tila kinalimutan siya.

Sinabi pa naman ni Ms. Eva sa kanyang acceptance speech na huwag naman daw sana silang kalimutan. Kaya nabuhay na naman ang isyu nito sa FAMAS.

Read: Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?

Meron pang nag-post ng nag-viral ding video ni Sheena Palad sa ginawa nito sa TikToclock. Yun daw ang ipinalit sa kinalimutang si Eva Darren.

Read: Sheena Palad, inuulan ng batikos dahil sa pamimisikal

Sa isang production meeting namin bago mag-EDDYS, nagkausap pa si Direk Eric Quizon at Ms. Eva Darren.

Ipinaalala pa sa kanya ng beteranang aktres na nakatrabaho niya noon ang ama ni Direk Eric na si Dolphy.

Bago sila nagpaalaman sa telepono, pabirong sinabi pa ni Direk Eric sa kanya na tipong, “Don’t worry Tita, hindi ka namin kakalimutan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, habang nasa cocktails room pa ang mga guests, bumaba pa si Direk Eric para magbigay-pugay sa mga maagang dumating kagaya nina Nova Villa at Eva Darren.

Namataan kong bumati rin siya sa mag-asawang Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado na presenters that night.

Nang magsimula na ang seremonya, nasa director’s booth na si Direk Eric at hindi na bumaba. Wala siyang ibang partisipasyon kundi nagdirek.

Kahit karapat-dapat naman siyang mag-present ng award, pero talagang nagdirek siya para maging maayos ang palabas.

jerry olea eric quizon 7th the eddys
PEP Troika's Jerry Olea and 7th The EDDYS director Eric Quizon
Photo/s: Boy Borja
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong SPEEd members naman ay tulung-tulong sa Red Carpet, kung saan inatasan nila si Mr. Fu na interviewer.

Ang delayed telecast ng 7th The EDDYS ay nakatakda sa Hulyo 14, 2024, Linggo ng 10:00 P.M., sa ALLTV.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim's Diary.

NOEL FERRER

Salamat sa SPEEd at sa 7th The EDDYS sa maayos na pagdadaos ng awards para sa pelikula.

Salamat sa paggalang at pagkilala sa mga artista at mga kasamahan natin sa trabaho.

Masaya rin akong nakita na dumalo ang mga kasamahan natin sa PMPC, MMPRESS, TEAM, at iba’t iba pang media groups bilang pagsuporta sa EDDYS.

Sana, laging ganoon. Tulungan na lang — dahil iisang industriya rin lang tayo.

Basta tuloy lang, gagalingan lagi natin. At sasayahan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Eva Darren is one of the five Film Icons honored at the 7th EDDYS held at Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, in Pasay City, on July 7, 2024. SPEEd members Nathalie Tomada and Jun Lalin presented the trophy to Eva.
PHOTO/S: Boy Borja
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results