JERRY OLEA
Maningning ang 7th The EDDYS nitong Hulyo 7, 2024, Linggo ng gabi, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City.
Present doon ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera upang tanggapin ang parangal bilang Box Office Heroes.
Ang DongYan ang bida sa MMFF 2023 official entry na Rewind, ang pinakamalakas na pelikula sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. (Hindi iyon adjusted sa inflation.)
Read: 7th EDDYS big winners: Piolo Pascual, Julia Montes, Charlie Dizon
Sa mga pelikulang Pinoy na ipinalabas last year, pangalawang pinakamalakas ang horror movie ni Piolo Pascual na Mallari.
Dumalo rin si Piolo sa 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), at tumanggap ng Box Office Hero trophy. At siya ang tinanghal na best actor.
Ang isa pang Box Office Hero na um-attend sa 7th The EDDYS ay si Julia Montes ng Five Breakups And A Romance, at siya naman ang nagkamit ng tropeyo para best actress.

DINGDONG & MARIAN'S ACCEPTANCE SPEECH
Pahayag ni Dingdong nang tanggapin ang tropeyo bilang kampeon ng takilya, ang Rewind ay malapit sa puso nila ng asawa niyang si Marian.
“Hindi lang po dahil sa napakagandang kuwento ni Enrico Santos kung hindi pati na rin dahil sa naging experience po namin sa buong pelikula,” salaysay ni Dingdong.
“Mula sa story conference, mula sa shooting, sa promotion, lahat. And I think higit sa lahat dahil lahat po ito nangyari kasama ko ang aking mahal sa buhay, ang aking misis.
“Kaya very, very memorable po. Kaya maraming salamat po sa pagkilala, at sa alaalang ibibigay nito sa amin dahil forever po talaga namin itong…
“Tuwing makikita namin, maaalala namin yung pelikulang ito. Pero sa tingin ko, gusto ko rin pong i-share ito sa mga tao na bumuo ng pelikula.
“The men, women behind the film Rewind. Our co-creators, Star Cinema. APT Pictures, Agosto Dos Pictures. Sa aming direktor na si Mae Cruz.
“Sa aming cast, si Joross [Gamboa] who’s also here with us right now. Lahat po ng bumubuo, maraming-maraming salamat.
“At siyempre, sa mga nanood. Sa mga tumangkilik, sa mga bumili ng tiket. Yung mga nakiiyak sa amin, maraming-maraming salamat po sa inyo.
“Sana po ay patuloy nyong tangkilikin at suportahan ang pelikulang Pilipino. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat,” sambit pa ng presidente ng Aktor (League of Filipino Actors).

Nakangiting saad ni Marian, “Nasabi mo na lahat. Ha! Ha! Ha! Siguro ano lang po, walang sawa at siguro hanggang nabubuhay kaming mag-asawa, lahat ng ito ay iniaalay namin kay Lods.
“Hindi magiging posible ito kung hindi dahil sa Kanya. Kaya Lods… para sa Iyo ito!”
HOSTS AND PRESENTERS
Ang nag-host ng 7th The EDDYS ay sina Gabbi Garcia, Jake Ejercito, at Janine Gutierrez na best actress ng 6th The EDDYS last November sa Aliw Theater.

Presenters ang iba pang acting winners ng 6th The EDDYS — best actor Elijah Canlas, ang ka-tie ni Janine as best actress na si Max Eigenmann, best supporting actor na si Mon Confiado, at best supporting actress na si Nikki Valdez.
Ang best supporting actor ng 7th The EDDYS ay si Enchong Dee para sa GomBurZa, at ang best supporting actress ay si Gladys Reyes para sa Apag.
Pinagpugayan ang Icons na nasa front seat, sina Eva Darren, Nova Villa, Gina Alajar, at Leo Martinez.
Ang isa pang Icon ay si Senator Lito Lapid, represented by his nephew Atty. John DX Lapid.

Si Korina Sanchez na nagtamo ng Joe Quirino Award ay nag-present sa isang category, saka nagtungo sa Araneta Coliseum para sa 60th Binibining Pilipinas.

Kabilang pa sa presenters sina Senator Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Cedrick Juan, James Reid, Direk Jose Javier Reyes, Joross Gamboa, Arnelli Ignacio, RS Francisco, at Ms. Liza Reyes ng Globe.
Presenters din sina Kelley Day, Michael Sager, Jeric Gonzales, Franki Russell, Christophe Sommereux, Beaver Magtalas, Khai Flores, Shaira Tweg, at ang acting director ng PCSO na si Bb. Imelda Papin.
Opening number si Jed Madela. Umawit at nag-keyboard sa In Memoriam segment si Ogie Alcasid. Nagpasiklab sa isang production number ang RAMPA Reynas. Pam-finale sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Tinanggap ng magkapatid na CJ at Peach Caparas ang posthumous award para sa kanilang ama na si Direk Carlo J. Caparas.

Apat na beses umakyat sa entablado si Direk Perci Intalan para sa awards ng About Us But Not About Us — best picture, best director, best screenplay, at best editing.
Ang producer ng Mallari na si Bryan Dy ng Mentorque ay nakalimang akyat sa entablado. Tinanggap niya ang awards para sa Rising Producer of the Year, best cinematography, best production design, best musical score, at best sound.
Um-attend sa awards rite ang Isah V. Red awardee na si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Ang isa pang Isah V. Red awardee na si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay represented ng ama niyang si former House Speaker Sonny Belmonte.

Of course, nasa 7th The EDDYS si Leandro Baldemor na nagdisenyo at lumikha ng bagong tropeyo.
Naroon din sina Romnick Sarmenta, Keempee de Leon, Direk Chris Cahilig, Ron Angeles, Christine Dayrit, Bambbi Fuentes, Bb. Joy Andrade, at iba pa.
Ang nag-host sa red carpet ay si Mr. Fu.
Ang talent coordinators ng awards night ay sina Chuck Gomez at ka-troikang Gorgy Rula. Ang nagdirek ng 7th The EDDYS ay si Eric Quizon.
Ang delayed telecast nito ay sa Hulyo 14, 2024, Linggo ng 10:00 P.M., sa ALLTV.
Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kaagapay ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim's Diary.
Read: Veteran actress Eva Darren, "hindi kinalimutan" sa 7th The EDDYS
GORGY RULA
Nag-enjoy ang OWWA administrator na si Arnelli Ignacio nang dumalo ito para mag-present sa isang special award sa 7th The EDDYS.

“Na-enjoy ko ito, kasi na-miss ko na rin ang showbiz,” pakli ni Arnel.
“Wala na kasi ako talaga sa showbiz. Iba na ang mundo ko. Yung mga problema sa mga OFW natin.
“Yung mga kailangang i-repatriate na mga kababayan natin, minamani ko na lang yan.”
Madalas daw kasi ay umaalis siya para harapin ang mga problemang hinaharap ng mga OFW natin. Kaya parang breather sa kanya itong nakadalo siya sa isang showbiz event kagaya nitong The EDDYS awards.
KELLEY DAY & FRANKI RUSSELL
Kaibigan ko ang manager nina Kelley Day at Franki Russell kaya madali kong napapakiusapan kung puwede silang dumalo at mag-present ng ilang awards.
Isinama ni Kelley ang boyfriend na si Rigo Joseph, ang guwapong anak ng dating aktres na si Melissa de Leon. Halos dalawang taon na ang relasyon nila.
Bale pamangkin ni Christopher de Leon si Rigo, na hindi raw hilig ang mag-artista. Nahiya pa itong sumama sa red carpet.

Si Franki naman ang magre-represent sa bansang New Zealand sa darating na Miss Universe, pero hindi niya isinuot ang sash niyang New Zealand. Dugong-Pinoy pa rin ang nananalaytay sa kanya.
Ang sabi ni Franki, special friend niya ang kanyang escort nung gabing yun na isa palang mayamang businessman. Third time na ito ni Franki na maging presenter sa The EDDYS.

Isa si Senator Bong Revilla sa nakakahuntahan niya sa loob ng cocktails room. Naalala ko pa kasi nung dumalo rin si Franki sa The EDDYS sa Metropolitan Theater dalawang taon na ang nakaraan.
Naintriga kami sa isang powerful politician na sumundo sa kanya roon. Mas tahimik na raw siya ngayon, at mag-focus muna sa kanyang laban sa Miss Universe.
MICHAEL SAGER
Ang pogi ni Michael Sager, isa sa lead stars ng bagong drama series ng GMA 7 na Shining Inheritance.
Hindi niya ako sinagot nang sinabi kong mukhang happy naman sila ni Cassy Legaspi. Naningkit lang ang mga mata ni Michael, at litaw na litaw ang cute na dimples na nakangiti sa akin.

Ang latest na narinig namin, ang saya nga raw ng relasyon nila ni Cassy, dahil tahimik lang sila at hindi pa nila ito in-open sa publiko.
Siyempre may ka-partner si Michael sa Shining Inheritance, at hindi naman kasali roon si Cassy.
FILM ICONS
Kasama ni Gina Alajar sa pagrampa ang anak na si Ryan Eigenmann, plus Max Eigenmann na daughter ng bayaw niyang si Mark Gil.
Ang kasama naman ni Eva Darren sa red carpet ay ang apong si Christine.
Andoon din ang mother ni Christine na daughter ni Eva. Witness sila sa pagpapahalaga kay Eva, pati na sa iba pang mga panauhin sa pagtitipon.
Kachika-chika ni Eva sa Cocktails Room ang kapwa veteran actress na si Nova Villa.

REUNIONS
Nag-reunion sa 7th The EDDYS ang mga bida ng About Us But Not About Us na sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas. Isinama sila ni Direk Perci Intalan sa pagtanggap ng tropeyo para sa best film.

Naka-reunion din ni Romnick ang kapwa Seiko jewel na si Leandro Baldemor. Co-stars sila sa ST film na Sariwa (1996) kung saan bidang babae si Priscilla Almeda aka Abby Viduya.
THE HOSTS
Ang daming nag-comment sa amin na nakaka-fresh tingnan ang line-up ng hosts na sina Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, at Jake Ejercito. Ang ganda ng kumbinasyon nila at ang galing nilang tatlo.
Si Gabbi nga, mukhang sanay na sanay na sa hosting pagkatapos siyang isinalang sa Miss Universe Philippines, at meron pang kasunod na events.
Maraming salamat sa Sparkle na ibinigay si Gabbi kahit sa ALLTV ipalalabas ang awards rite.
Napaka-supportive din ng LVD Management nina Rey Lanada at Freddie Basco at hindi nagbigay sa amin ng problema nang ibinigay si Janine para mag-host, at si Ogie Alcasid para sa In Memoriam segment.
Wala ring kaarte-arte at hindi rin kami nahirapan sa Star Magic nang ibinigay sa amin si Jake Ejercito para mag-host sa 7th The EDDYS.

NOEL FERRER
Gawa na rin siguro sa respeto at pinagsamahan sa mga kaibigang editors ay napapunta talaga nila sa okasyon ang mga artista. Sana ganito lagi, nagsusuportahan ang mga taga-showbiz.
Katulad nga ng sabi ko, sa EDDYS naging magandang tingnan na sama-sama ang lahat ng mga press doon — saan mang pangkat sila kabilang.
Standing Room Only (SRO) ang Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom habang ongoing ang awards.
Inokupa ng ibang guests ang seats na naka-reserved para sa SPEEd members.
At napansin mo ba, Tito Gorgy, kagalang-galang at talagang nag-costume change pa ang ating ka-Troika na si Tito Jerry, na External Vice President ng SPEEd. Ganyan talaga kaespesyal ang EDDYS.
Katuwang din ng SPEed ngayong taon sa The EDDYS sina DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Rep. Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.
