GORGY RULA
Nakangiting hinarap ni Marian Rivera ang tanong ng isang reporter tungkol sa pinag-uusapang pagdya-judge niya sa Century Tuna Superbods 2024 na ginanap sa Marriott Grand Ballroom noong Martes ng gabi, Hulyo 9, 2024.
Hanggang ngayon ay trending pa rin sa X (dating) ang pagpapa-translate ng male winner na si Jether Palomo kay Marian sa Engling ng tanong niyang Tagalog.
Game na game naman ang GMA Primetime Queen na isinalin sa English ang tanong.
Read: Marian Rivera says love and trust should prevail in marriage
Nitong Miyerkules ng hapon, Hulyo 10, ay hiningan si Marian ng reaksiyon sa press conference ng Cinemalaya 20 na ginanap sa Metropolitan Theater.
Si Marian ang bida ng Cinemalaya entry na Balota, na idinirek ni Kip Oebanda.
Sinabi ng isang reporter na talagang pinag-usapan ang akres sa social media.
Natawa na lang si Marian at sandaling nag-isip.
“Ahh, hindi ko alam… basta! I did my best!” natawa niyang sagot.
Pagkatapos ay sinabi ni Direk Kip, “She did her best!”
Ang "I did my best" ay hango sa sinabi ni Marian sa finals ng Century Tuna Superbods 2024.
Nang i-request kasi ni Jether na puwedeng i-translate sa English ang tanong, kuwelang sabi ni Marian, "I will try my best. Are you read for this?"
DINGDONG DANTES APPRECIATION POST FOR MARIAN RIVERA
Kaugnay nito, nag-post si Dingdong sa Instagram ng mensahe ng suporta para sa kanyang asawa.
Obvious na tungkol iyon sa nangyari sa Century Tuna Superbods 2024.
Mensahe ni Dingdong para kay Marian, “Hindi lang ang iyong panlabas na kagandahan ang nagningning kagabi, kundi pati na rin ang natural mong talent sa pagpapasaya at pagpukaw sa puso ng mga Pilipino.
“Isang masigabong palakpak para sa iyo, Misis ko. “
P.S. ‘Di kailangan i-translate sa ingles, gets niyo na ‘to. (smile emoji)”
Sinagot naman ito ni Marian ng, “Love you mahal ko. Sa susunod ikaw na tatawagan ko para mag translate! [laugh emoji].”

JERRY OLEA
Si Jether Palomo ang male grand winner sa Century Tuna Superbods 2024.
Natamo rin ni Jether ang special awards na E-Commerce Superstar Award, Garmin Beat Yesterday Award, Masflex Flex Like A Superbod Award, People’s Choice Award, Urban Smiles Perfect Smile Award, at Jojo Bragais Slay The Runway Award.
Ang female grand winner naman ay si Justine Felizarta.
View this post on Instagram
Samantala, ang Balota ay sequel ng Cinemalaya 2018 film na Liway, kung saan bida si Glaiza de Castro.
Co-stars ni Marian sa Balota sina Will Ashley, Raheel Bhyria, Royce Cabrera, Sassa Gurl, Joel Saracho, Donna Cariaga, Nico Antonio, Sue Prado, at Mae Paner.

NOEL FERRER
Si Marian Rivera ang bida sa pelikulang Balota na entry ni Kip Oebanda ngayong Cinemalaya 20.
Saad ni Marian, “Kaya ko ginawa ang Balota dahil sa napakagandang mensahe sa lahat na manonood. Iyun ang mahalaga, e.
“Sa bawat gagawin kong proyekto, dapat maidudulot niyan kung ano ang mai-contribute mo sa taong nanood.
“So this time, sana kapag mapanood nila ang Balota, sana isipin nila kung gaano kahalaga ang boses nila sa pagboto.”
Read: Marian Rivera no body double in fight scenes in Balota
