GORGY RULA
Lalong na-inspire at ginanahan si Gladys Reyes sa pagtatrabaho pagkatapos niyang manalong Best Supporting Actress sa katatapos lang na 7th The EDDYS Awards ng grupong SPEEd.
Read: 7th EDDYS big winners: Piolo Pascual, Julia Montes, Charlie Dizon
Tuluy-tuloy ang taping niya sa Kapuso afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, na sobrang nataypan niya ang role niya rito.
Read: Role ni Gladys Reyes sa AKNP, inspired kay Alice Guo?
May sisimulan din siyang dalawang malaking pelikula na hindi pa raw muna puwedeng sabihin kung ano ito. Pero excited siya sa film project na ito dahil gustung-gusto niya ang kanyang makakasama at maganda raw ang material.
Sabi pa ni Gladys, lalo siyang na-inspire magtrabaho dahil magaganda ang projects na ginagawa niya ngayon.
Nakadagdag pa ang parangal na natanggap niya sa The EDDYS.
Tatlo ang nominasyon niya sa 40th PMPC Star Awards for Movies na gaganapin sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Katipunan Avenue, Quezon City, sa Linggo, Hulyo 21, 2024.
Lumalaban si Gladys bilang best supporting actress para sa pelikulang Here Comes the Groom, best actress para sa Apag, at isa rin siya sa pinagpipiliang Darling of the Press.
Read: Star Awards for Movies: Nora vs Vilma vs Sharon vs Maricel
“Nakakatuwa lang, tatlong nominations ako sa Star Awards,” bulalas ni Gladys.
GLADYS REYES IN MAGPAKAILANMAN
Dagdag excitement din sa kanya ngayon ang latest na ginawa niya sa drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman.
“Almost a decade din na hindi ako nakapag-Magpakailanman, Kuya!” text sa akin ni Gladys.

Tampok ang premyadong aktres sa naturang drama anthology na pinamagatang “Inaanak, Inanakan.”
Ginagampanan ni Gladys dito ang isang OFW na pag-uwi niya ay nalamang nakarelasyon ng asawa niya ritong si Christian Vazquez ang kanilang inaaanak, na ginagampanan ni Cheska Fausto.
Anak naman dito ni Gladys si Shayne Sava.
Ang tindi ng eksena kung saan nang nalaman ni Gladys ang katotohanan, wagas na sampal at tadyak ang inabot nina Christian at Cheska.
Sabi ni Gladys, kapag ginagawa niya ang mga ganitong eksena, nagso-sorry muna siya sa mga kaeksena dahil totohanin daw niya ang pagsampal. Kaya talagang nagmarka raw ang sampal niya sa mukha ni Cheska.
“Siyempre, nang nalaman mo pag-uwi na may affair ang asawa mo sa inaanak mo, talagang di lang sampal ang inabot sa akin.
“Nakita ko, after the scene, may guhit yung sampal ko sa mukha ni Cheska. Sorry ako nang sorry.
“Pero ganun talaga, ang hirap dayain ang mga ganitong eksena. Kesa naman yung buking yung daya na sampal, di ba?” sabi pa uli ni Gladys.
Mapapanood ang episode na ito ni Gladys sa Magpakailanman sa Hulyo 13, Sabado ng 8:15 P.M., pagkatapos ng Running Man Philippines.
NOEL FERRER
Panahon nga ngayon ni Gladys, na sunud-sunod ang blessings.
Mula sa concert tour sa UK, nag-celebrate ng birthday, at heto, dagsa ng biyaya ngayon.
Read: Gladys Reyes, nag-hula hoop sa London tourist spots
Kuwento pa ni Gladys, nakakatawa dahil nag-thank you pa raw ang Sparkle artist na si Cheska Fausto sa kanya pagkatapos ng bugbugan scene nila.
“Nag-thank you pa, malaking karangalan daw. Hahaha!
“Sa lahat na nasampal at nabugbog, ito yung masaya pa sa ginawa ko sa kanya. Pero may potential yung bata, e!” natatawang sabi ni Gladys, na puring-puri rin ssi Cheska.
Halos lahat naman daw na naumbag niya sa mga pelikula at teleserye ay nagpapasalamat pa kahit nasaktan na sila.
Si Christian Vazquez nga na napakatangkad ay inabot din ng matinding umbag mula kay Gladys.
“Inabot din talaga siya sa akin. Kahit matangkad siya, tinalon ko talaga!” natatawang pakli ni Gladys.
“Nung pag-action kasi, wala na. Nag-halimaw na talaga ako, kasi imagine naman, inaanak namin, ninong niya, inasawa niya.
“Di ba, sa totoong buhay, baka halos mapatay mo!
“Pero nakakaawa yung ginampanan kong character, Kuya. Sa kabila niyan, tinanggap niya para huwag siyang hiwalayan at huwag masira ang pamilya niya,” dagdag niyang kuwento.
Naloka lang daw siya sa pagiging martir nung letter sender.
Sobrang involved si Gladys dito sa ginampanan niya sa Magpakailanman. Basta, abangan na lang daw ito sa darating na Sabado ng gabi.
JERRY OLEA
Nag-best actress si Gladys Reyes sa 1st Summer MMFF last year para sa pelikulang Apag.
Sa 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ay inilagay siya sa kategoryang best supporting actress for the said performance, at nagwagi siya.
Best actress ng 7th The EDDYS si Julia Montes para sa Five Breakups And A Romance, katabla si Charlie Dizon for Third World Romance.
Dalawang “Romance” ang waging best actress sa 7th The EDDYS.
At sina Gladys at Julia ay parehong “Clara” sa teledramang Mara Clara, iyong orig at remake.
Ang delayed telecast ng 7th The EDDYS ay sa Hulyo 14, 2024, Linggo ng 10:00 P.M., sa ALLTV.
Read: 7th The EDDYS highlights and sidelights
Sa 40th PMPC Star Awards for TV ay sa best actress ang kategorya ni Gladys for Apag.
Best supporting actress nominee siya for Here Comes The Groom, na just like Apag ay entry sa 1st Summer MMFF.
Inisnab si Gladys sa 40th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP). Ligwak siya sa mga kategoryang best actress at best supporting actress.
