PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano, nagpaparamdam na sa Batangas?

Luis Manzano, sasabak na ba talaga sa pulitika?
by PEP Troika
Published Jul 12, 2024
luis manzano politics
Luis Manzano attends a political event in Batangas earlier today, July 12, 2024. He was with stepfather Secretary Ralph Recto.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Mukhang nangangamoy pulitika na nga ba kina Luis Manzano at Ryan Christian Recto?

Ito ang matunog na usap-usapan na nakarating sa PEP Troika dahil nakikita na silang nag-iikot sa Batangas.

Read: Luis Manzano not closing doors on politics

Unang napabalita ay babalik daw ang kanilang ina na si Vilma Santos bilang governor.

Pero pinag-uusapan ding magba-vice governor daw si Luis, at sa Kongreso naman ang tatakbuhan ni Ryan Christian.

Tinanong na rin namin si Ate Vi tungkol dito, at base sa sagot niya sa akin nung tinext ko siya habang nagbabakasyon sa Amerika, open siya sa posibilidad at susuportahan daw niya ito.

“Lumaki naman ang dalawang anak ko na 24 years… lumaki na sila… lumaki naman si Ryan na isa na rin akong public servant.

“Alam nila yung trabaho ko lalo na with Ralph [Recto, her husband] also. Alam nila ang trabaho namin bilang public servant, at sa gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayong naging secretary [ng Department of Finance] si Ralph, maraming mga bagay na hindi kayang puntahan ni Ralph, so nagiging representative niya yung dalawa kong anak—si Lucky at si Ryan,” saad ni Ate Vi.

Read: Is Vilma Santos running again for Batangas governor in 2025?

LUIS MANZANO JOINS STEPFATHER RALPH RECTO IN BATANGAS

Pero ngayong, Biyernes, July 12 ay magkasama sina Secretary Recto at Luis na dumalo sa isang event sa Batangas. Lalo tuloy lumakas ang usap-usapang tatakbo na si Luis.

luis manzano ralph recto batangas
Luis Manzano joins stepfather Sec. Ralph Recto in an event in Batangas on July 12, 2024.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpadala ako ng mensahe sa Messenger ni Luis kung totoo bang tatakbo siyang vice-governor, at pagka-governor naman ang tatakbuhin ng kanyang ina.

Sabi ni Luis, “Naku walang ganung usapan pa [smile emoji]. Mas napag-uusapan ng ibang tao [smile emoji]. May Rainbow Rumble pa [smile emoji].”

Ang Rainbow Rumble ay ang hinu-host na programa ni Luis sa Kapamilya Channel.

Abangan na lang natin, dahil sa October pa naman ang filing of candidacy, at doon na magkaalaman ang lahat.

Read: Ralph Recto says wife Vilma Santos might return to politics

NOEL FERRER

Sinabi nga ni Ate Vi na open sina Luis at Ryan Christian sa mga programa sa Batangas kaya kasama ni Sec. Recto si Luis sa mga ganung pagtitipon sa Batangas.

Pero sabi nga ni Ate Vi, nasa Panginoon ang pagpapasya kung panahon na bang pasukin ng kanyang mga anak ang public service.

“Naging open sila sa proyekto at mga programa sa Batangas. At nakikita nila ngayon ang totoong buhay ng mga tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siguro susuportahan ko sila, dahil nakikita ko ngayon na handa na ang puso nila. Iyon ang importante kasi e.

“Ang serbisyo, napapag-aralan, e. Pero ang puso, yun ang pinakaimportante para ibigay mo ang serbisyo sa mga tao na magbibigay sa ito ng tiwala, yun ang importante.

“Sa ngayon, sa totoo lang, nakikita ko yun kay Lucky at Ryan. But again, lahat yan nasa kamay na ng Panginoon.

“Pag ginusto Niya, nandito kami para sumunod at magsilbi. Siya rin naman ang masusunod,” bahagi ng pahayag ng Star For All Seasons.

Tunay na hindi nalalayo ang bunga sa kanyang puno.

Kahit saan tumingin — kina Ate Vi o Edu Manzano man, at maging kay Finance Secretary Ralph Recto — matindi ang kamulatang inabot niyan para maintindihan ang public service.

Kaya all the best, Luis!!!

JERRY OLEA

Noong Hulyo 2, Martes, muling pumirma si Luis Manzano ng kontrata sa ABS-CBN kasabay ng pag-anunsiyo ng kanyang bagong game show na Rainbow Rumble. Magsisilbi siya ritong Rumble Master.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Luis, ito na raw ang pambato ng ABS-CBN para ibenta abroad.

“We have waiting for a show na pwede natin ibenta abroad so naniniwala ako na ito yung show na yun. It is one of the shows na kapag sinimulan natin ito bubuhos ang tawag para mag-inquire kung paano mag-franchise ng show,” sey ni Luis.

After maki-rumble sa game show, abangan natin kung makiki-rumble din si Luis sa public service.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano attends a political event in Batangas earlier today, July 12, 2024. He was with stepfather Secretary Ralph Recto.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results