PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bini, SB19 panalo sa concert attendance; milyones na ang TF?

Parang sardinas kahit sa VIP area!
by PEP Troika
Published Jul 13, 2024
SB19 and Bini at Nasa Atin ang Panalo concert
Masayang-masaya ang fans ng SB19 (top) at Bini (bottom) sa jaw-dropping numbers na inihanda ng dalawang grupo sa Nasa Atin Ang Panalo concert.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Dumagundong ang Araneta Coliseum sa tilian ng mga A’Tin at Blooms na nanood ng Nasa Atin Ang Panalo concert nitong Hulyo 12, 2024, Biyernes.

Nakakatulig!

Super-tili rin ang Flow’ers ng hiphop and rap community, pati na ang Dolores, sa naturang thanksgiving event ng Puregold, na naglunsad ng ika-500 store sa ika-25 taon nito.

Selebrasyon din iyon ng kaarawan ni G. Vincent Co, ang presidente ng Puregold Price Club, Inc.

Taong 1987 ako nag-umpisang magsulat sa local showbiz at maraming beses na akong nakapanood ng mga pauga at payanig sa Big Dome.

Pero first time kong masilayan ang ganoon karaming manonood.

Siksikan ang fans sa VIP Standing Area. Parang sardinas! More and more din ang nasa General Admission area.

Nasa Atin Ang Panalo CONCERT FLOW

Ang opening ng Gates para sa VIP Standing at VIP Seated ay 3 P.M., at ang pagbubukas naman ng gates ng remaining tiers ay 5 P.M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

SB19: The future of P-pop is here

BINI: The binibinis of P-Pop in full bloom

FRONT ACT

Nag-umpisa ang front acts na Kahel, Esay, at Letters from June bandang 5:34 P.M.

Hiyawan na ang fans, pero, siyempre, nagreserba sila ng lakas at energy para sa idols nila.

Nag-dim light at 7:24 P.M., at iyon ang unang dagundong.

Isang minuto ang countdown sa pag-uumpisa, at sa huling sampung segundo ay nag-chant ang mga tao, “10… 9… 8… 7… 6… 5… 4… 3… 2… 1… 0!”

Kumalma ang audience nang ipalabas muna ang video tungkol sa paglago ng naturang supermarket chain.

OPENING NUMBER

At 7:31 P.M., sumalang ang BINI, at sigawan nang sigawan ang Blooms sa mga kantang "Lagi," "Ang Huling Cha Cha," at "Huwag Muna Tayong Umuwi."

Sa ikaapat na kanta nilang "Salamin, Salamin," nakisayaw si Justin ng SB19 kaya andaming napasigaw sa collab number na ito na swak tawaging SBINI19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Bini's
Bini's "Salamin, Salamin" number featuring SB19's Justin
Photo/s: PR

Napa-“Oh my God!” ang isang fan girl sa likod ko sa sorpresang ito. Parang nasa cloud 9 siya, sa duyan ng sukdulan.

Panlima at huling kanta ng BINI sa kanilang segment ang "Pantropiko."

Segue iyon sa video performance ng Sunkissed Lola. Sa puntong ito, kumalma ang audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nung nag-join sa stage si Stell ng SB19. Ayun, makabasag-eardrum muli ang dagundong, at ang fan girl sa likod ko ay tila mahihimatay na sa paulit-ulit na pag-usal, “Oh my god! Oh my god! Oh my god!”


stell Ajero aka Stell of sb19
Photo/s: PR

RAPPERS' PORTION

Mga limang minuto lang ang segment na iyon, at umariba na si Flow G sa mga kantang "Rapstar," "We Made It," at "Moon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Flinex niya ang kanyang girlfriend na si Angel, sinamahan siya sa entablado sa pagkanta niya ng "Burgis," na segue sa video na naggo-grocery sila.

Dagdag excitement sa segment ni Flow G ang pag-appear ni Gloc-9 sa "Bahay Yugyugan," at kapagkuwan ay si Skusta Clee sa "Ikaw Na Nga Yon."

At sa "High Score," ka-join ni Flow G sina Josh, Ken, at Pablo ng SB19.

Flow G sings
Flow G sings "High Score" SB19's Josh, Ken, and Pablo
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasabog pa more si Flow G sa mga kantang "Praning" at "G Wolf."

MAIN EVENT

Main event ng grand musical extravaganza ang SB19 na 9:06 P.M. ang unang kanta nila na "Gento," kung saan nakihataw ang BINI.

Ano pa nga ba, Ninong at Tita P?!

Sigawan to the max ang mga Blooms at A’Tin! Historical, hysterical!!! “OH MY GOD! OH MY GOD! OH MY GOD!” Ang saya-saya!

Binanatan kapagkuwan ng SB19 ang "Moonlight," "I Want You," "Mapa," "Liham," at "Crimzone."

Ibinalita ng SB19 na ipapalabas sa mga sinehan ang Pagtatag! The Documentary sa Agosto 28.

FINALE

Sa finale at 9:55 P.M., nagsama-sama ang SB19, BINI, at si Flow G sa pagkanta ng "Nasa Atin Ang Panalo."

SB19, Bini, Flow G
SB19 members (R), Bini ladies (L), and Flow G (M)
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alas diyes ng gabi ang pa-confetti para sa pagtatapos ng kanilang pagsasanib-puwersa.

GORGY RULA

Panahon muli ng mga banda at napakabenta nila sa mga events kagaya nito, pati sa iba’t ibang probinsya.

Pero ilan sa kanila ay may pinaninindigan sa kanilang paniniwala sa pulitika.

Merong mga bandang napakamahal at super sikat at hindi basta-basta tumatanggap ng inquiries ng LGU, lalo na kapag taliwas ito sa kanilang pinaniniwalaan.

Meron ding tinatanggap nila ang ganung raket, basta hindi babanggitin o pasasalamatan ang pulitikong kumuha sa kanila.

SB19 and BINI CRAZE

Pero sa mga napakasikat na grupo o banda kagaya nitong SB 19 at BINI, lalo silang maingat para hindi sila magamit.

Hindi sila basta-basta sumasagot sa mga inquiries lalo na kapag ang event ay related sa pulitika.

Tiyak na tambak na ang mga offers sa kanila para sa eleksiyon next year. Pero maingat sila riyan. Pinapatulan kasi talaga ang napakataas na talent fee nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo bang nagre-range na sa PHP5M ang SB19, at umaabot na raw sa PHP8M ang BINI? Puwede naman talaga, at sure namang patok na patok sila kapag nandiyan sila sa isang event.

Pero madali naman daw silang kausap, lalo na kapag gusto nila o makakatulong sa nangangailangan ang event na pagtatanghalan nila.

Hindi ba’t isang gabi’y sinurpresa ng BINI ang mga suki ng RAMPA drag club? Gratis et amore iyon.

Kaya hindi lang pera-pera ang mahalaga sa kanila.

Itong musical extravaganza ay pera-pera lang kaya o talagang nakisaya sila sa selebrasyon ng naturang kumpanya?

Samantala, ang suwerte rin nina Flow G at Skusta Clee na lalong umangat ang kanilang singing career nang tumiwalag sa Ex Battallion na dating na-manage ni Ai-Ai delas Alas.

May pa-surprise pa si Gloc-9 sa performance ni Flow G kasi iisa lang ang manager nila.

Kung nanatili sina Flow G at Skusta Clee sa dati nilang grupo, naabot kaya nila ang ganitong kasikatan? Hindi ako sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Front acts pa lang ng concert ay nag-enjoy na ang audience.

Handog ng bandang Kahel ang mga kantang "Romcom," "Raining in Manila," original song nilang "Diwata" at "Beh Buti Nga."

Bumirit si Esay ng "Himala," "But Now You’re Gone," "Power of Love," at "Nagloko Ka Rin Naman."

Nagpakitang-gilas ang bandang Letters from June sa pag-awit ng "Dilaw," "Tingin," "Bituin," "Low Key," at "The Sound."

Kaya ng SB19 na punuin ang Araneta Coliseum. Ganoon din ang BINI. Kaya makasaysayan ang pagdyu-join forces nila, kasama pa si Flow G at ang guests na sina Gloc-9 at Skusta.

Plus the video performance of SunKissed Lola. Memorable ang production numbers na BINI x Justin, Sunkissed Lola x Stell, Flow G x Josh, Ken & Pablo. At SB19 x BINI!!!

Ratsada ang BINI ngayong Hulyo.

Iyong BINIverse concert nila sa Baguio City ay naganap noong Hulyo 6, at bukas, Hulyo 14, Linggo, nasa Cebu City naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod ay sa Hulyo 20, Sabado, sa GenSan.

Nasa Blooms ang panalo nationwide—Luzon, NCR, Visayas at Mindanao!

At next month ang kanilang North American tour.

Noong Hulyo 11, Huwebes, ini-release ng BINI ang awiting "Cherry on Top" sa iba’t ibang music streaming platforms.

Agad-agad ay may meme na nasa ibabaw ng cupcake si Cherry Pie Picache.

Tampok sa music video ng "Cherry On Top" ang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena na may eye-popping visuals at dynamic choreography.

Naging bahagi agad ito ng Spotify New Music Friday charts sa Korea, Australia, New Zealand, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Hong Kong, Singapore, Japan, at Philippines.

Nanguna rin ito sa iTunes Philippines habang agad nag-trending ang music video nito sa no. 1 sa YouTube Philippines (Trending for music).

Sinusundan ng "Cherry on Top" ang Talaarawan EP drop ng grupo noong Marso, na nagtatampok sa mga awiting "Karera," "Salamin, Salamin," at "Pantropiko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masayang-masaya ang fans ng SB19 (top) at Bini (bottom) sa jaw-dropping numbers na inihanda ng dalawang grupo sa Nasa Atin Ang Panalo concert.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results