PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Priscilla, ibinuking kung sino ang kasama ni John sa Boracay

Priscilla Meirelles, lumipad sa Brazil kasama ang anak nila ni John Estrada.
by PEP Troika
Published Jul 15, 2024
john estrada priscilla meirelles
Priscilla Meirelles answers a netizen who asked John Estrada who is with him at a hotel in Boracay. The Brazilian beauty queen mentioned the name of a woman who is allegedly with her husband.
PHOTO/S: @primeirelles on Instagram

GORGY RULA

Tinanggal ni John Estrada ang comment section sa kanyang Instagram account pagkatapos mag-comment ang asawa niyang si Priscilla Meirelles na ikinaintriga ng lahat.

Read: Priscilla Meirelles on marital problems with John Estrada: “Don’t take me for a fool because I am not.”

Nangyaring nasa Boracay si John, at nag-post siya ng hotel na tinutuluyan.

Sa comments, merong pabirong nagtanong kung sino kina Lena (Mercedes Cabral) at Marites (Cherry Pie Picache) ang kasama ni Rigor (karakter ni John) sa FPJ’s Batang Quiapo.

Sinagot yun ni Priscilla na naka-tag ang pangalan ng isang babae.

priscilla meirelles comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa roon, nag-comment pa uli si Priscilla ng “Looking very divorced Mr. Estrada” at naka-tag din ang girl na binanggit niya sa isang comment.

john estrada priscilla meirelles

WHO IS THE WOMAN MENTIONED BY PRISCILLA MEIRELLES?

Nang i-check ko ang Instagram account ng babaeng binanggit ni Priscilla, naka-private ito.

Wala kaming ideya kung taga-showbiz din ang babaeng ito. Pero in-assume na ng karamihang nag-comment na may kinalaman ito sa kung ano man ang problema ng mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung anu-ano ngayon ang inaakusa nila sa aktor. Nakadagdag pa sa kuwento ang pag-alis ni Priscilla patungong Brazil.

Ngayong Lunes, July 15, nag-post si Priscilla sa kanyang Instagram account ng kuha niya sa loob ng eroplano at sa airport kasama ang anak nila ni John.

Nasa caption nito: “What’s next?! [Brazil flag at airplane na emoji].”

Nasa hashtag nito ang Brazil at ang lungsod na Manaus sa Brazil.

Nasa hashtag din ang #familyvacay at #vacay2024.

Bakasyon lang kaya ito o tuluyan nang iniwan ni Priscilla ang Pilipinas?

Nag-text kami kay John para hingan ng pahayag tungkol dito, pero hindi pa siya sumasagot.

JERRY OLEA

Hindi naman siguro si Roda (Joel Lamangan) ang kasama ni Rigor sa Bora, ano?

Nagkaroon na noon ng matinding gulo sa pagsasama nina John at Priscilla, pero naayos nila iyon.

This time kaya, aabot na sa diborsyo o pagpapawalang-bisa ng kasal?

Naniniwala ba si Priscilla sa kasabihang, “Kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin”?!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

May consequence talaga ang pagpo-post sa social media.

Kung hindi nag-post si John Estrada ng pagbabakasyon sa Boracay, hindi sana siya biniro ng netizen.

Kung hindi nag-comment si Priscilla Meirelles sa tanong ng netizen, hindi sana lumaki ang isyu.

Naglabas pa si Priscilla ng saloobin sa TikTok at Facebook, kaya ayun, pinagpipistahan na ng mga Marites ang marital problem nila ni John.

Tingnan natin kung saan ito hahantong.

Tingnan natin kung, in the end, nakabuti ba sa kanila ang pagse-share nila sa publiko ng kaganapan sa kanilang buhay?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Priscilla Meirelles answers a netizen who asked John Estrada who is with him at a hotel in Boracay. The Brazilian beauty queen mentioned the name of a woman who is allegedly with her husband.
PHOTO/S: @primeirelles on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results