GORGY RULA
Ilang beses kong tinext si John Estrada para hingan sana ng sagot at reakisyon sa mga rebelasyon ng asawang si Priscilla Meirelles.
Hindi siya sumagot.
Gusto ko sana siyang kunan ng sagot sa ilan pang kuwentong nasagap namin mula sa ilang reliable source.
Read: Priscilla Meirelles addresses marital issue with John Estrada
May isang taong malapit kay Priscilla ang nakausap ng PEP Troika, at nagulat kami sa sinabi niyang matagal nang hiwalay ang mag-asawa.
JOHN AND PRISCILLA SPLIT
Nakiusap lang ang aming source na huwag nang banggitin ang pangalan niya. Pero sinabi raw sa kanya ng dating beauty queen na January 2024 ay umalis na si Priscilla sa kanilang tahanan ni John.
Kasama raw ni Priscilla ang kanilang anak na humiwalay na ng tirahan, dahil nakapag-decide na itong tapusin ang pagsasama nilang mag-asawa.
Ayon sa aming source, si Priscilla ang umalis dahil hindi naman daw tinupad ni John ang sinabi nitong siya ang aalis.
Halos dalawang taon na raw silang magkahiwalay ng kuwarto, at sa katunayan, taong 2020 pa lang ay naayos na raw ni Priscilla ang kanyang annulment papers.
Hindi lang idinetalye ang tunay na dahilan kung bakit gusto na ni Priscilla na makipaghiwalay.

Matagal din daw niyang pinagbigyan ang pakiusap ni John na huwag na itong isapubliko, pero naabuso na raw ang lahat na pagbibigay niya at pagiging tahimik. Kaya umalis na siya mismo at humiwalay ng tirahan kasama ang kanilang anak.
Read: Priscilla Meirelles, ibinuking kung sino ang kasama ni John Estrada sa Boracay
JERRY OLEA
Dagdag na impormasyong ibinigay ng source ng PEP Troika, kaya raw umuwi si Priscilla sa Brazil ay dahil naghahanap ito ng ibang options kung paano siya makakapag-file ng divorce sa kanyang bansa.
Wala naman daw kasing diborsyo sa Pilipinas, kaya naghahanap siya ng paraan kung may magagawa siya sa Brazil.
Read: Priscilla Meirelles unwinds in Brazil amid separation rumors
Ang sabi pa ng aming source, sa tono ng mga sagot ni Priscilla, nakapag-decide na talaga siyang makipaghiwalay at hindi na makipag-ayos kay John.
Bukas ang PEP Troika sa panig ni John Estrada. Hinihintay ang ilalabas niyang statement para naman sa kanyang panig.
NOEL FERRER
Matatanda na sila at alam nila ang kanilang mga ginagawa.
Kung anuman ang pinagdaraanan ngayon ng mag-asawa (na parang sanay na rin naman na tayo), sana’y maging maayos pa rin sila in the future — bilang mag-asawa man o hindi.
Related Stories:
- Screenshots of alleged convo between Priscilla Meirelles, influencer from Cebu about John Estrada surfaces online
- Priscilla Meirelles confirms marital problems with John Estrada: “Napuno na ako.”
- Priscilla Meirelles and Cebuana influencer post cryptic messages amid Priscilla-John Estrada marital issue
- Priscilla Meirelles on marital problems with John Estrada: “Don’t take me for a fool because I am not.”
- Priscilla Meirelles posts about being #readyforwar; gets message of love from stepdaughter Inah Estrada
- John Estrada posts intimate photos with Priscilla Meirelles amid marital-problems issue
- John Estrada makahulugan ang sagot nang kumustahin ang estado nila ni Priscilla Meirelles
- Priscilla Meirelles update on issue with husband John Estrada: “Let’s see how this unfolds.”
- Priscilla Meirelles says she and John Estrada decide to "fix the light" amid marital issues
