PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

50th MMFF entries: comedy, drama, action, horror, at musical

Sinu-sino ang mga magbabalik sa MMFF?
by PEP Troika
Published Jul 16, 2024
mmff 2024
The stars of MMFF 2024: (Top, from left) Vice Ganda and Eugene Domingo of And The Breadwinner Is...; Vic Sotto and Piolo Pascual in The Kingdom; (bottom, from left) Sofia Pablo and Dennis Trillo in Green Bones; Aicelle Santos in Himala: Ang Musikal; Enrique Gil and Jane de Leon in Strange Frequencies: Haunted Hospital.
PHOTO/S: Instagram / File

JERRY OLEA

“Congratulations!” at hindi “Good luck!” ang bati kay Direk Perci Intalan ng ilang kaibigang entertainment writers bago pa man ihayag ang first five official entries ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

AND THE BREADWINNER IS...

Si Direk Perci ay katuwang ni Direk Jun Robles Lana sa The IdeaFirst Company na co-producer sa pelikulang And The Breadwinner Is… kung saan bida si Vice Ganda.

Read: Vic Sotto and Vice Ganda movies make it to MMFF 2024

Ang multi-awarded na si Jun Robles Lana ang direktor at co-writer sa naturang comeback movie ng Unkabogable Star.

Kasama rin sa cast ng comedy movie sina Eugene Domingo, Gina Pareño, Maris Racal, Jhong Hilario, at Kokoy de Santos.

Thirty-two (32) shooting days ang inilaan dito ng produksiyon.

Tatlumpo’t siyam (39) na scripts ang isinumite para sa first batch ng official entries ng 50th Metro Manila Film Festival, na ang tema ay “Sine-Sigla sa Singkuwenta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya noong nakaraang taon ay sampu na naman ang kalahok sa MMFF this year.

Isiniwalat ni MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Romando Artes na kung last year ay 800 cinemas more or less ang pinagpalabasan ng MMFF entries, in-assure ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) na this year ay 900 screens more or less ang pagpapalabasan.

At iyon na nga, ang first five entries ng 50th MMFF na napili batay sa script ay inihayag nitong Hulyo 16, 2024, Martes ng hapon, sa Bulwagang Antonio Villegas ng Manila City Hall.

Ang nag-announce ng unang entry ay si Manila Mayor Honey Lacuña, at ito ay And The Breadwinner Is…

Ang chairperson ng Selection Committee ay si Tita Boots Anson Roa-Rodrigo, at nilinaw niya na ang nag-qualify na entries ay ini-announce in no particular order.

Read: Vice Ganda, Direk Jun Lana announce movie collab titled And The Breadwinner Is...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mmff 2024
Regie Sandel (lef) of ABS-CBN Films and Perci Intalan (right) of The IdeaFirst Company
Photo/s: Jerry Olea

THE KINGDOM

Pasok sa Top 5 ang family drama na The Kingdom starring Vic Sotto, Piolo Pascual, Sid Lucero, Sue Ramirez, and Cristine Reyes, sa direksyon ni Michael Tuviera.

Sa invitational screening ng pelikulang Moro noong Hulyo 14, Linggo ng gabi, sa Victoria Sports Tower, EDSA, Quezon City ay inusisa si Papa P kung may gagawin ba siyang entry for the golden jubilee of the MMFF.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natawa ang Ultimate Heartthrob, “Secret! Ha! Ha! Ha! Sana matanggap! Of course, meron tayong gagawin para sa festival pero sana… sana makapasok.”

Tinatapos pa ni Piolo ang taping ng Pamilya Sagrado. Pagkatapos ng last taping day niyon, the next day magsu-shooting na siya ng movie nila ni Bossing Vic.

Read: Piolo Pascual switches roles with Baron Geisler in Moro

mmff 2024
Camille Montano and Joe Oconer
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HIMALA: ISANG MUSIKAL

Pasok din sa First 5 ng 50th MMFF ang Himala: Isang Musical, ang suspense drama na Green Bones, at ang horror movie na Strange Frequencies: Haunted Hospital.

Ang kuwento ng Himala: Isang Musikal ay base sa MMFF 1982 entry na Himala, na pinagbidahan ni National Artist Nora Aunor.

Ang Himala ay idinirek ng National Artist na si Ishmael Bernal, mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.

Itong Himala: Isang Musikal ay tatampukan nina Aicelle Santos, Bituin Escalante, David Ezra, at Victor Robinson.

Ang direktor ay si Pepe Diokno, na katuwang ni Ricky Lee sa screenplay.

mmff 2024
Madonna Tarrayo and Direk Pepe Diokno
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GREEN BONES

Ang Green Bones ng GMA Pictures ay tatampukan nina Sofia Pablo at Dennis Trillo.

Ang director ay si Zig Dulay, at co-writers sina Ricky Lee at Angeli Atienza.

Opo! Dalawa sa First 5 ng MMFF 2024 ay katuwang si National Artist Ricky Lee sa pagbuo ng screenplay!

Read: National Artist Ricky Lee and his 'love story' with MMFF: "Dun ako nakilala na..."

Interesting din na may kani-kanyang entry sa 50th MMFF ang mga direktor na sina Pepe Diokno, Zig Dulay, at Jun Robles Lana.

May festival entry rin sila sa 49th MMFF.

Si Pepe Diokno ang direktor ng GomBurZa na may pinakamaraming tropeyo sa MMFF last year.

Si Zig Dulay ang direktor ng best picture winner na Firefly, na si Angeli Atienza rin ang ka-tandem na scriptwriter, para rin sa GMA Pictures.

At si Jun Robles Lana ay nagdirek ng Becky & Badette, na bida sina Pokwang at Eugene Domingo. Kasama pa rin si Uge sa entry ni Direk JRL this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mmff 2024
GMA Pictures' Atty. Annette Gozon-Valdes (left) and Nessa Vadellon (right) with First Lady Liza Marcos (center)
Photo/s: Jerry Olea

STRANGE FREQUENCIES: HAUNTED HOSPITAL

At ang isa pang entry sa MMFF 2024 ay ang horror movie na Strange Frequencies: Haunted Hospital, sa direksiyon ni Kerwin Go. Tampok dito sina Jane de Leon, Enrique Gil, Alexa Miro, Rob Gomez, at MJ Lastimosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Produced ito ng Reality MM Studios, Inc.

mmff 2024
Carlo Lopez, Reality MM Studios associate producer
Photo/s: Jerry Olea

NOEL FERRER

Ang Lungsod ng Maynila ang host city ng MMFF 2024. Pahayag ni Manila City Mayor Honey Lacuña, “Kami po dito sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila ay tuwang-tuwa na maging bahagi sa ikalimampung edisyon ng Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Buong kasabikan at kasiyahan naming binubuksan ang amin pong Manila City Hall upang tanggapin ang Metro Manila Film Festival sa taong ito dahil dito naman nagsimula ang lahat.

“Noong 1966, sa panahon ng dating Punong Lungsod Antonio Villegas ay itinatag ang ina ng lahat ng film festival sa ating bansa.

“Ito ay ang Manila Tagalog Film Festival o ang Manila Film Festival na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na producers at filmmakers na magpalabas ng kanilang mga obra sa pangunahing sinehan na noo’y nagpapalabas lamang ng mga pelikulang Ingles na gawa ng mga dayuhan.

“Labindalawang araw mula June 12 hanggang June 24 kung saan tanging mga pelikulang Tagalog lang ang mapapanood sa ating mga sinehan.

“Sa paglipas nga ng mga maraming taon ay pinalawak na ang Manila Film Festival at ginawa na itong Metro Manila Film Festival…”

mayor honey lacuna
Manila Mayor Honey Lacuna
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

50TH ANNIVERSARY OF MMFF

Ang nag-host ng MMFF 2024 launch ay sina Jake Ejercito at Isabelle Daza.

mmff 2024
(From left) Isabelle Daza, Boots Anson Roa-Rodrigo, Atty. Don Artes, and Jake Ejercito
Photo/s: Jerry Olea

Inilahad nila ang aktibidades para i-commemorate ang milestone anniversary ng MMFF.

Ilulunsad sa susunod na buwan, Agosto, ang special MMFF classic posters mural, sa pakikipagtulungan sa i-Academy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Setyembre na ipagdiriwang ng FDCP ang Philippine Film Industry Month, merong Sine Singkuwento kung saan limampung MMFF entries ang mapapanood sa mga sinehan sa halagang P50. Sa Oktubre ang regional launch ng MMFF50.

Magkakaroon ng MMFF50 Student Film Caravan sa isang pamantasan.

Sa Nobyembre ang MMFF50 Celebrity Golf Tournament.

Sa Disyembre 15 ang taunang Parada ng mga Bituin.

Sa Disyembre 15-20 ang Premiere Week.

Sa Disyembre 21 ang MMFF50 Sponsors Night.

At sa Disyembre 27 ang Gabi ng Parangal.

Ang customized trophy ng MMFF50 ay likha ng artist na si Jefre.

Pahayag ni MMDA Chair Atty. Don Artes, “Nais kong banggitin na simula 2016, ang mga amusement taxes na nai-waive ng mga LGUs para sa MMFF ay 100 porsyento nang inilaan sa ating mga benepisyaryo, tulad ng Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND), Film Academy of the Philippines (FAP), Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board (OMB), at Film Development Council of the Philippines (FDCP) — isang pagkilala sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito ay nagpapakita ng ating suporta sa ating masisipag na manggagawa sa pelikula, na nagpapahintulot sa kanila na ipagpatuloy ang kanilang gawain sa larangan ng paggawa ng pelikula."

GORGY RULA

Dumalo sa MMFF50 launch ang First Lady Liza Araneta-Marcos bilang suporta sa ngayong taong filmfest.

Sabi ng MMDA Chairman Atty. Don Artes, noon pa man ay nandiyan na ang suporta ng Malacañang sa taunang filmfest.

Pero ang inaasahan natin dito, hindi lang sa MMFF, kundi sa mga susunod na buwan kung saan ipinalabas ang mga mga local films natin sa mga sinehan.

Sa MMFF lang kasi malalakas ang mga pelikulang atin, pero pagkatapos niyan, sa ordinaryong playdate ay balik na naman sa pagiging mahina.

Ayon kay Atty. Artes, nandiyan ang suporta ng pamahalaan sa ating industriya, at nakikita raw mismo sa suporta ng First Lady Marcos.

Ani Atty. Artes, “I understand, constant po yung… and I know this for a fact na patuloy po ang pakikipag-ugnayan ng ating mga filmmakers kay First Lady. Lagi po silang nagpupulong, at bumabalangkas ng mga pamamaraan kung papano pasisiglahin muli ang ating pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think marami ngayon dito ang naka-attend ng mga series of meetings na yan, para nga po mapalago at mabuhay muli ang pelikulang Pilipino.

“Hindi lamang po sa MMFF yung tulong na ibinibigay ng ating Pangulo, ng ating First Lady kung hindi, sa buong industriya po at buong taon.

“So, siguro sa pagtutulungan natin kasama nga po ang suporta ng Pangulo at ng First Lady ay siguro mas maging successful tayo, pagre-revive nitong ating local film industry.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The stars of MMFF 2024: (Top, from left) Vice Ganda and Eugene Domingo of And The Breadwinner Is...; Vic Sotto and Piolo Pascual in The Kingdom; (bottom, from left) Sofia Pablo and Dennis Trillo in Green Bones; Aicelle Santos in Himala: Ang Musikal; Enrique Gil and Jane de Leon in Strange Frequencies: Haunted Hospital.
PHOTO/S: Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results