GORGY RULA
Totoo kaya ang nakarating na kuwento sa amin ng very reliable source ng PEP Troika, na merong isang non-showbiz guy na sobrang pursigido ang panliligaw kay Kathryn Bernardo?
Read: WHAT PEP KNOWS: Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?
ALDEN RICHARDS
Kaagad binasag ng source namin ang ilusyon naming may ligawang namamagitan kina Alden Richards at Kathryn.
Halata raw na para lang yun sa pelikula nilang Hello, Love, Again. Pero magkaibigan lang daw talaga ang dalawa.
Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?

NON-SHOWBIZ SUITOR
Ang sabi ng aming source, alamin na lang namin kung sino itong non-showbiz guy na wagas daw ang panunuyo sa aktres at pati sa pamilya nito.
Ayaw na niyang magbigay ng clue sa amin kung pulitiko ba ito, mayamang negosyante, sa sports o sino, basta hindi raw taga-showbiz.
Hindi kami sinagot kung masyadong pribado ba itong si guy.
Ayaw nga kaming sagutin kung guwapo ba, basta hanggang doon lang daw ang puwedeng ibigay sa amin na kuwento tungkol kay Kathryn Bernardo.
JERICHO ROSALES
Ang isa pa kasing nasagap ng PEP Troika ay binasted daw ni Kathryn si Jericho Rosales.
Na-link ang dalawa pagkatapos ng breakup ng aktres kay Daniel Padilla.
Nanligaw daw talaga si Echo kay Kathryn, pero hindi raw umubra ang panunuyo ni Echo sa Asia’s Superstar.
Read: Pamilya ni Kathryn Bernardo, mas boto kay Alden Richards sa mga manliligaw ng aktres?
NOEL FERRER
Pagkatapos kay Kathryn, si Janine Gutierrez na ba ang susunod na nililigawan ni Jericho Rosales?
Tinanong ng PEP Troika ang ilang taong malapit kay Janine kung nanliligaw ba talaga si Echo sa aktres, pero wala silang sagot kundi laugh emoji lang.
Read: Jericho Rosales, Janine Gutierrez spotted at museum, bookstore
Nahahalata kasi sa sagot ni Jericho sa comment ni Lotlot de Leon sa Instagram post ng kanyang anak na kuha sa National Museum sa Maynila.
Doon nakitang magkasama sina Janine at Jericho.
Nag-comment si Lotlot ng, “Ah excuse me po… sino po kasama mo nagpunta diyan? Hmmmm.”
Sinagot ni Jericho ng, “Nag-door bell po ako para magpaalam pero hinabol ako ng aso eh.”
Mukhang may ligawang nagaganap ang dating. Pero walang nagsasalita sa kanila, kaya ewan kung aaminin nilang dalawa.
Read: Jericho Rosales, Janine Gutierrez spotted at museum, bookstore
JERRY OLEA
Minahal ng televiewers sina Yna Macaspac (Kristine Hermosa) at Angelo Buenavista (Jericho Rosales) sa Kapamilya teleseryeng Pangako Sa ‘Yo, na umere noong Nobyembre 2000 hanggang Setyembre 2002.
Sinubaybayan rin ng televiewers ang remake ng Pangako Sa ‘Yo na tinampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na umere noong Mayo 2015 hanggang Pebrero 2016.
Sabi sa kanta ni Rey Valera na theme song at title ng naturang teleserye, “Pangako sa ‘yo, ipaglalaban ko / Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig / Upang di magkalayo kailanman / Pagka't ang tulad mo ay minsan lang sa buhay ko…”
Si Kristine ay kay Oyo Sotto nagpakasal. Napabalita noong Pebrero 2024 na ang 40-anyos na si Kristine ay preggy sa ika-anim na supling nila ni Oyo.
Si Jericho at ang asawang si Kim Jones ay noong 2019 pa naghiwalay.
Nobyembre 30, 2023, kinumpirma nina Kathryn at Daniel sa kanilang respective Instagram posts na hiwalay na sila ng landas matapos ang labing-isang taong relasyon.
Sadya bang ang wagas na pag-ibig ay sa nobela lang matatagpuan?
NKKLK na ang OG Angelo Buenavista na si Jericho, sinuyo ang bagong Yna Macaspac na si Kathryn.
Sa Nobyembre 13, 2024 nakatakdang ipalabas ang pelikulang Hello, Love, Again nina Kathryn at Alden Richards.
By that time kaya, magsyota na sina Jericho at Janine Gutierrez? At may bago nang girlfriend si Daniel?
