PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, nagreklamong nahihirapan na sa Wil To Win

Willie Revillame, pinatutsadahan ang Family Feud.
by PEP Troika
Published Jul 18, 2024
willie revillame wil to win
Muling nasilayan ng mga manonood ang pag-init ng ulo ni Willlie Revillame habang umeere ang bago niyang show sa TV5, ang Wil To Win. May pagkakataon ding nagreklamo siya dahil hirap na hirap na raw siya sa show dahil siya lang ang gumagawa ng lahat.
PHOTO/S: Screen grab from TV5

GORGY RULA

Maraming netizens ang nag-react sa pagra-rant ni Willie Revillame sa bago niyang programa sa TV5, ang Wil To Win.

Pang-apat na araw pa lang itong napapanood sa ere, pero tila sobrang pressure na ang nararamdaman ni Willie sa programang ito.

Read: Willie Revillame, napaiyak sa TV comeback

On air ay pinagsasabihan niya ang staff, sa harap ng mga contestant at audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dating sa mga manonood, parang nagre-rehearse lang sila. Harap-harapang pinagsasabihan ni Willie ang mga staff.

Ang pinakamalala, idinadaing ng TV host sa ere na nahihirapan na siya dahil siya lang daw ang gumagawa ng lahat sa kanilang bagong programa.

Himutok ni Willie sa kanyang staff noong Miyerkules, July 17, 2024: "Maawa naman kayo sa akin. Ako pa bang mag-iisip niyan? Dyusko naman!

"Maawa kayo sa akin. Nahihirapan na ako sa show na ito.

"Ako lahat. Maawa kayo sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nararamdaman mo tuloy ang pressure sa loob ng studio na tila hindi na alam ng co-hosts at staff kung ano ang gagawin. Natataranta sila.

Wala kaming ideya kung anong pinanggagalingan nitong ipinapakita ni Willie. Pero sa totoo lang, hindi na ito bago dahil ganun talaga siya.

Kaya lang, iba ito ngayon dahil kasisimula pa lang ng Wil To Win.

Ilang araw pa lang ay sunud-sunod na ang pagra-rant at pagrereklamo ni Willie. Nakikiusap siyang maawa naman daw sa kanya dahil hirap na hirap na siya sa show na ito.

Paano pa kaya kapag umabot na siya ng isang buwan? Magtatagal kaya ito kung wala pang isang linggo ay nahihirapan na siya?

Parang ang nega kasi ng dating kapag pinapanood mo ito sa TV.

Madalas ding sabihin ni Willie na ang tanging hangad niya ay maghatid ng saya sa mga manonood, pero tila kabaligtaran ang napapanood sa kanyang programa.

JERRY OLEA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May kinalaman kaya ito sa mababang ratings na nakukuha ng Wil To Win? Pero sa totoo lang, mataas na ito sa timeslot ng TV5.

Saka sinasabi naman ni Willie na hindi siya apektado sa ratings na hindi man lang ito dumikit sa mataas na ratings ng Family Feud.

Read: Wil To Win, kumusta ang rating kontra Family Feud?

Sa pilot episode ng Wil To Win noong Lunes, July 15, ay naka-2.7% ito, at 9.6% naman ang nakuha ng Family Feud ni Dingdong Dantes.

Medyo bumaba ang viewership noong Martes, July 16, kung saan naka-8.5% ang Family Feud, at ang Wil To Win ay 2.5%.

Noong Miyerkules, July 18, ay tumaas uli ang Family Feud na naka-9% ito, habang ang Wil To Win ay bumaba sa 2%.

WILLIE REVILLAME TAKES A SWIPE AT FAMILY FEUD

Sabi ni Wille, hindi siya naaapektuhan sa isyu ng ratings.

“Para sa akin, ang ratings, kayo. Yun yung importante,” mensahe ni Willie noong Martes, July 16, bilang pagtukoy sa kanyang loyal viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung may makikita kayo na ipinapakita nila yung ratings nila na mataas sila, hindi po kami naaapektuhan.

"Kasi yung puso namin, magbigay ng saya at pag-asa sa inyo.

“Okay lang naman lahat yan. Ganun talaga. Basta kami, tuluy-tuloy kami sa magtrabaho dito sa TV5, ayusin namin mapasaya kayo araw-araw.

“At ang importante, ang show na ito, original. Inisip ito para sa inyo, hindi ito binibili sa ibang bansa. Ito po ay, habang buhay pag kaya namin, may programa kayo...

"Saka hindi kami naka-tape, naka-live kami,” dagdag niyang pahayag na obvious namang ang Family Feud ang pinapatutsadahan niya.

Binanggit din ni Willie ang pagtatapat ng Family Feud, kung saan guest ang anak ni Willie na si Meryll Soriano at ang tita nitong si Maricel Soriano, sa pilot episode ng Wil To Win noong Lunes, July 15.

willie revillame wil to win family feud
Photo/s: TV5 / GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ibig sabihin, bakit? Ano 'to, labanan ba 'to? Hindi, tulungan natin ang mga kababayan nating naghihirap," litanya ni Willie.

NOEL FERRER

Samantala, nag-resurface sa socmed ang video clip kung saan isang camera lang ng It’s Showtime ang gumagana.

Sa halip na ma-stress ang hosts ay nanatili silang graceful at naglaru-laro ng habulan.

TV RATINGS

At any rate, noong Hulyo 16, Martes, ay naka-8.6% ang It’s Showtime, kontra sa Eat Bulaga! na naka-4.1%.

Ang Abot-Kamay Na Pangarap ay 10.5%, samantalang ang rerun ng Dirty Linen ay 0.4%.

Ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ay 10%, kumpara sa replay ng Mars Ravelo’s Darna na 0.3%.

Ang Fast Talk with Boy Abunda kung saan guest si Kylie Padilla ay 6.4%. Ang Voltes V Legacy ay 4.6%. Ang Eclipse of the Heart ay 2.8%.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling nasilayan ng mga manonood ang pag-init ng ulo ni Willlie Revillame habang umeere ang bago niyang show sa TV5, ang Wil To Win. May pagkakataon ding nagreklamo siya dahil hirap na hirap na raw siya sa show dahil siya lang ang gumagawa ng lahat.
PHOTO/S: Screen grab from TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results