PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rayver Cruz, handa nang mag-propose kay Julie Anne San Jose?

Rayver Cruz, magpapaalam muna sa mga magulang ni Julie Anne San Jose.
by PEP Troika
Published Jul 20, 2024
Rayver Cruz and Juliver
Rayver Cruz: “Lagi ko naman sinasabing si Julie Anne San Jose ang pakakasalan ko. Siya lang yung babae for me.”
PHOTO/S: @rayvercruz and @myjaps on Instagram

GORGY RULA

Ilang beses nang sinagot ng magkasintahang Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang tungkol sa plano nila sa kanilang future.

Sinabi nilang napapag-usapan na ang wedding plans, pero hindi sila nagmamadali.

Pero nitong huling nakapanayam ng PEP Troika si Rayver, sinabi niyang kung anuman ang plano niya, lalo na itong pagpo-propose niya kay Julie Anne, gusto niya ay ang mga magulang ng dalaga ang unang makaalam. Hindi niya muna ibabahagi sa media.

Ani Rayver, “Let’s put it this way na lang. Gusto ko kasi kapag plantsado na ang lahat, and malaki yung respeto ko sa mga magulang.

“Kagaya ng ganito… eto na lang kasi ang natatanong sa akin ng mga press, e.

"And lagi ko rin sinasabi sa kanila na ayoko naman po na kayo pa po ang unang makakaalam bago sila.

“Yung gusto kong makita, yung genuine face pag nagulat siya o na-surprise siya. And of course, nandun yung respeto ko sa family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinasagot ko ang mga questions now. Pero pag dumating na talaga yung tamang araw para mag-propose ako sa kanya, of course ang pinakaunang makakaalam is her parents talaga. And yun na… doon tayo magpapaalam,” seryosong pahayag ni Rayver nang nakapanayam namin sa launching kay Jennylyn Mercado bilang bagong brand ambassador ng Beautederm noong Huwebes, July 18, 2024.

Kaya tinanong na rin namin si Ms. Rei Anicoche-Tan kung nababanggit na ba ito sa kanya ni Rayver.

Isa kaya siya sa kukuning ninang sa kanilang kasal?

“Ay, wala pa naman, Tito. O di ba, marunong na ako magsikreto ngayon?” natatawang sagot ni Ms. Rei sa amin.

JERRY OLEA

Ramdam kay Rayver ang sincerity sa sinabi niyang si Julie Anne na talaga ang babaeng gusto niyang pakasalan.

“Napapag-usapan namin, kasi…. lalo na ako nagkakaedad na rin ako, e.

“Eventually gusto ko na rin mag-settle down just like my brother.

“Nakakatuwa na kasi ang mga kids, ang mga pamangkin ko. Pero hindi naman kami para nagmamadali. Pero kung may tanong man kayo na gustong masagot, yes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi ko naman sinasabing si Julie Anne San Jose ang pakakasalan ko. Siya lang yung babae for me,” saad ng Kapuso singer/dancer at actor.

Nakadalawang kanta si Rayver sa pag-welcome kay Jennylyn bilang bagong endorser ng Beautederm.

Napapanood si Rayver sa Kapuso primetime series na Asawa ng Asawa Ko.

NOEL FERRER

Wala pang naibibigay na detalye si Rayver, pero natanong ba niya kay Julie Anne kung ano ang dream wedding nito?

“Iba-iba, e. Minsan napapag-usapan, sa abroad ba, ganyan? Pag dumating yung araw na yun?

"Pero gusto rin naming makakapunta… yung accessible para sa mga kaibigan namin.

“Ahhh, kahit saang simbahan, pakakasalan ko naman siya, e. Hindi naman kailangan maging choosy,” napapangiting pahayag ni Rayver.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz: “Lagi ko naman sinasabing si Julie Anne San Jose ang pakakasalan ko. Siya lang yung babae for me.”
PHOTO/S: @rayvercruz and @myjaps on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results