JERRY OLEA
Nag-sorry si Direk Kip Oebanda sa mediacon ng Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas noong Hulyo 10, 2024 sa ballroom ng Metropolitan Theater sa Ermita, Manila.
Si Direk Kip ang director ng 20th Cinemalaya full-length film na Balota, starring Marian Rivera.
Read: Marian Rivera no body double in fight scenes in Balota
Pahayag ni Direk Kip, “Sorry, hindi na ako sanay. Ahhh… ano ba? I’ve been dreading this moment coz it’s very hard to talk about elections for me.
“I’s the unfortunate sequel of Liway, for those who know. Ahhh hirap… it’s not fun for people like me na nakaranas ng human rights violation ng martial law na makita yung nangyari ng 2022.
“So I spent the majority of the time after… thinking about paano ba natin matutulungan iyong political process natin dito sa Pilipinas?
“And along the way, I discovered hundreds of stories of electoral violence, corruption, murder, vote-buying. So, ginawa ko siyang comedy.
“So, ginawa ko siyang suspense-thriller na comedy, na fun. Because I feel na… I feel that it should resonate a broader audience.
“Ang sa akin lang sana, we don’t only talk about the elections and politicians and the electoral process sa democracy only during election time.
“Because it’s too late.”
WALA NA AKONG TIWALA SA POLITIKO
Himutok ni Direk Kip, eleksyon na naman sa susunod na taon, at kung hindi magbabago ang sistema ay walang mag-i-improve.
“Paulit-ulit tayo… and the same process of guns, goons, and gold — and not the truth, and not the voice of people will rule this country,” hinaing ni Direk Kip.
“And hindi ever mag-e-emerge ang mga matitinong kandidato. Hindi mananalo ang mga tao na talagang may puso para sa mga mamamayan kung hindi natin pag-uusapan at aayusin ang sistema.
“Wala na akong tiwala sa mga pulitiko.
“Dapat sa taong-bayan na magmula ang pagbabagong ito kaya namin ginawa ang Balota.”
Masigabong nagpalakpakan ang karamihan sa mediacon.
Pagpapatuloy ni Direk Kip, “Sa totoo lang po, sobrang hirap ng proseso ng paggawa ng pelikulang ito.
“Siguro nairaos lang namin siya dahil sa blood, sweat, tears at pagpapautang ng mga kaibigan at mga kakilala.
“So I would really like to recognize them, especially the sacrifices they’ve made.
“So, unahin ko na muna ang aming lead actress, Miss Marian Rivera.”
Nagpalakpakan muli nang masigabo ang mga tao.
Dagdag ni Direk Kim, “I just wanna tell people na sa film namin, ginamit namin yung actual ballot boxes from 2007.
“And kita pa rin iyong mga sugat ni Marian as a result of her not doing stunt doubles.”

GORGY RULA
Sa nakaraang presscon ng Cinemalaya Bente, pinakiusapan namin si Marian Rivera na piktyuran namin sa tabi ng Balanghai trophy, nahihiya siya.
Nahihiya rin siyang sagutin ang sinasabi ng iba na may laban siya sa best actress.
Ayaw ring isipin ni Direk Kip Oebanda ang ganoong pressure na magbe-best actress ang lead actress niya.
“Ayaw kong isipin na kumpetisyon. Hindi siya sports, e,” bulalas ni Direk Kip.
“Lahat na pelikula sa Cinemalaya this year meaningful, mahalaga, nagkukuwento ng mga communities, e.
“Ayoko siyang isiping nasa horse race. Nagtutulungan kaming lahat, e. Kaming lahat na filmmakers, as in kami ang inspirasyon sa isa’t isa. Nabasa namin yung script ng isa’t isa.
“Kung may mangyayaring award o recognition, bonus na lang yun, e. At the end of the day, ang pinakamahalaga kung bakit namin ginawa yung film, which is to talk about the elections…”
Read: Mylene, balik-Cinemalaya; makakalaban si Marian for best actress
NOEL FERRER
Nasa cast din ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Nico Antonio, Raheel Bhyria, Esnyr, Sassa Gurl, Donna Cariaga, Sue Prado, Joel Saracho, Gardo Versoza, at Mae Paner.

Pahayag pa ni Direk Kip, “Siguro po, ang panawagan ko lang, kasi sa totoo lang, yung batch namin, tawagin na ninyong competition-competition ito pero hindi kami nagko-compete sa isa’t isa, e.
“Grabe yung tulungan namin sa isa’t isa. Grabe iyung emotional support namin from start to finish.
“Sa totoo lang, hindi ko matatapos ang pelikulang ito kung hindi ako sinuportahan ng mga batchmate ko.
“At nabasa namin yung mga script ng isa’t isa. Magaganda sila lahat. Sulit na sulit po itong batch na ito.
“Walang tapon. Hindi kayo lugi. Bumalik po tayo sa sinehan. Panoorin po natin lahat ng entries.”
Ang sampung full-length films ng Cinemalaya Bente, in alphabetical order:
ALIPATO AT MUOG by JL Burgos
AN ERRAND by Sarge Lacuesta
BALOTA by Kip Oebanda
GULAY LANG MANONG (NO MORE THAN VEGGIES) by BC Amparado
KANTIL (TRENCH) by Joshua Caesar Medroso
KONO BASHO by Jaime Pacena II
LOVE CHILD by Jonathan Jurilla
THE HEARING by Lawrence Fajardo & Honee Alipio
THE WEDDING DANCE (DAWAK) by Julius Lumiqued
TUMANDOK by Arlie Sweet Sumagaysay & Richard Jeroui Salvadico
Mapapanood ang mga pelikula ng 20th edition ng Cinemalaya filmfest sa Agosto 2-11, 2024 sa Ayala Malls Manila Bay, Greenbelt, Trinoma, UP Town Center, at Market Market.
Walang festival passes sa Cinemalaya this year.
Ang regular ticket ay P300. Ang student ticket ay P200. Ang tiket sa A-Luxe cinema ay P550, at hindi roon eligible ang student discount. May 20% discount para sa mga PWD at senior citizen.
Ang opening film na The Gospel of the Beast directed by Sheron Dayoc ay mapapanood sa Agosto 2 sa Ayala Malls Manila Bay.
Ang closing film ay ang restored version ng Bona (1980), starring National Artist Nora Aunor, directed by National Artist Lino Brocka. Sa Agosto 10 ito mapapanood, doon din sa Ayala Malls Manila Bay.
Naka-line up din sa Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas ang Lola Magdalena ni Joel Lamangan, AbeNida ni Louie Ignacio, Guardia de Honor ni Jay Altarejos, at ang remastered version ng Jose Rizal (1998) ni National Artist Marilou Diaz-Abaya.
