PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora, Vilma, Maricel triple tie for best actress sa Star Awards

Dingdong Dantes at Alden Richards, nag-tie naman sa best actress.
by PEP Troika
Published Jul 22, 2024
40th star awards for movies winners
40th Star Awards for Movies winners: Maricel Soriano, Nora Aunor, and Vilma Santos (inset) win best actress; Dingdong Dantes and Alden Richards named best actor.
PHOTO/S: Edwin Dulfo / Sparkle GMA Artist Center

GORGY RULA

Nairaos ng grupong PMPC (Philippine Movie Press Club) ang kanilang 40th Star Awards for Movies na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University, Quezon City, noong Linggo, Hulyo 21, 2024.

Noong nakaraang linggo ay in-announce na ang mga napili nilang winners sa iba't ibang kategorya, maliban sa major awards na best actor, best actress, best director, at best movie.

Read: 40th Star Awards for Movies partial list of winners announced

Ang Mallari ang Movie of the Year, at ang direktor nitong si Derrick Cabrido ang Best Director.

Ang producer ng Mentorque Productions na si Bryan Dy ang tumanggap ng dalawang awards.

Sa apat na acting categories, walo ang kanilang napili nilang winners.

Tatlo sa Best Actress: sina Nora Aunor ng Pieta, Maricel Soriano ng In His Mother’s Eyes, at Vilma Santos ng When I Met You in Tokyo.

Dalawa sa Best Actor: sina Dingdong Dantes ng Rewind at Alden Richards ng Five Breakups and A Romance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawa sa Best Supporting Actor: sina JC Santos ng Mallari at LA Santos ng In His Mother’s Eyes.

Si Gladys Reyes lang ang nag-iisang Best Supporting Actress para sa pelikulang Here Comes the Groom.

gladys reyes 40th star awards for movies
Best Supporting Actress winner Gladys Reyes with PMPC member Rommel Placente
Photo/s: Gorgy Rula

BEST ACTRESS WINNERS: NORA, MARICEL, AND VILMA

Buhay na buhay ang Noranians dahil dumalo ang National Artist para tanggapin ang parangal sa kanya na Dekada award, at meron pang special award na Frontrow Celebrity of the Night, at itong Best Actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Maricel Soriano ang pinakahuling dumating kaya ramdam na naming magwawagi siya.

Sayang at wala si Ate Vi dahil nagkasakit daw ito. Ang producer niyang si Rowena Jamaji ang tumanggap ng kanyang award.

Mahigpit na nagyakapan sina Maricel at Nora nang magkita sila sa stage. Masaya silang nag-usap at parang nakalimutan nang magbibigay pa sila ng acceptance speech.

maricel soriano nora aunor star awards for movies
Best Actress winners Maricel Soriano (left) and National Artist Nora Aunor (right)
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maraming salamat po. Hindi ko naman ini-expect ito. Ang alam ko, si Ate Vi at si Ate Guy ang mananalo dito. Ay, nasali ako! Napakasuwerte ko naman,” bulalas ni Maricel.

Ibinahagi niya ang naturang parangal sa mga kasamahan niya sa pelikula, sa producer na si Flor Santos, Direk FM Reyes, at production staff ng In His Mother's Eyes, lalo na sa kaibigan niyang si Roderick Paulate na in-introduce niyang matangkad, matangos ang ilong, at mestiso.

Maiksi lang ang pahayag ni Ate Guy, na nagpapasalamat sa tatlong awards na nakuha niya nung gabing yun.

Hindi niya nakakalimutang pasalamatan ang fans niya, na naka-wheelchair na nga ang iba pero talagang sinadya pa ang awards night.

Read: Star Awards for Movies: Nora vs Vilma vs Sharon vs Maricel

GUY & BOYET: TOGETHER AGAIN

Nakakatuwa ring tingnang nagsama muli sa stage ang dating mag-asawang sina Christopher de Leon at Nora Aunor nang tinanggap nila ang Dekada Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ito sa highlights nung gabing yun kung saan binigyan nila ng parangal ang mga nakatanggap ng pinakamaraming Star Awards.

christopher de leon nora aunor star awards for movies
Dekada awardees and ex-couple Christopher de Leon and Nora Aunor
Photo/s: Gorgy Rula

Bukod kina Ate Guy at Boyet, recipients din ng naturang parangal sina Vilma at Piolo Pascual. Pero wala sila nung gabing yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan ni Boyet ang mga direktor ng pelikulang nagbigay ng best actor award sa kanya sa naturang award-giving body.

Maiksi lang ang speech ni Ate Guy na pinasalamatan ang kanyang fans at ang PMPC.

Pagkatapos niyang tanggapin ang award, umalis na siya sa stage at hindi na hinintay matapos ang acceptance speech ni Boyet.

Nominated din si Boyet sa kategoryang Best Actor, at hinintay pa niya ang announcement ng winners na pinanalunan nina Dingdong Dantes at Alden Richards.

NOEL FERRER

Isa si Alden Richards sa hosts ng 40th Star Awards for Movies, kasama sina Robi Domingo, Bianca Umali at Aiko Melendez. Pero nagpaalam si Alden sa kalagitnaan ng awarding.

Hindi na siya bumalik as host, pero nasa backstage lang siya. Pagkatapos niyang tanggapin ang best actor trophy ay umalis na siya agad.

TAKILYA KING & QUEEN

Ganundin si Dingdong na bukod sa best actor, pinarangalan ding Takilya King, at ang misis naman niyang si Marian Rivera ang Takilya Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
marian rivera dingdong dantes star awards for movies
Marian Rivera and Dingdong Dantes
Photo/s: Gorgy Rula

Habang hinihintay ni Dingdong ang announcement ng best actor, nasa kotse na lang si Marian at naghihintay. Umalis na rin sila pagkatapos tanggapin ni Dingdong ang best actor trophy.

Sabi ni Dingdong nang tinanggap ang best actor trophy, ang dami nilang natutunan sa pelikulang Rewind. Para raw siyang nag-retreat nung sinu-shoot nila ang naturang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw raw na may mas malaking kuwento sa pelikulang ito, na ang lahat ng ito ay nanggagaling sa Panginoon.

“Lahat ng bagay dito sa mundo, maaring temporary lang, e. Minsan talaga kahit anong gawin natin, akala natin in control of everything, katunayan nun ay hindi. Dahil Siya talaga ang may control ng lahat.

“Gaya ng parating sinasabi sa akin ng aking tatay, everything comes from the Lord,” saad ng Kapuso Primetime King.

Bahagi naman ng acceptance speech ni Alden, “Yung pagtatambal po namin dito ni Ms. Julia Montes nung nag-uusap kami, nung ginagawa namin yung pelikula, parang hindi po kami siguradong dalawa.

“Pero I think yung itinuro po sa akin ng pelikulang ito, is sometimes… there’s beauty in to be unknown.

"And I think, risk is always right around the corner, but you just have to champion to it. Kailangan mo lang tanggapin at gawin ang lahat na makakaya.”

Sandaling nakapanayam ng PEP Troika si Alden sa backstage pagkatapos tanggapin ang best actor award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Very honored po na makasama ko si Kuya Dong dito. And at the same time, thankful po ako sa recognition for Five Breakups And A Romance,” pakli ng bida ng Pulang Araw.

Nagmamadali siyang umalis dahil maaga pa siya kinabukasan. Tuluy-tuloy raw ang taping niya sa Pulang Araw dahil nakatakda na siyang lumipad pa-Canada sa July 27 para sa shooting naman ng Hello, Love, Again nila ni Kathryn Bernardo.

“Nagtatapos lang po ako ng few taping days po ng Pulang Araw para makalipad. And then, pagdating po dun, dire-deretso na po dun kasama yung Sparkle world tour na concert,” saad ni Alden.

Hindi na siya sumagot nang naramdaman niyang patungo na sa isyung ligawan nila ni Kathryn Bernardo ang tanong. Napangiti na lang siya at nagpaalam.

JERRY OLEA

Noong isang linggo pa naulinigan ng PEP Troika na magti-triple tie sina Nora Aunor, Vilma Santos, at Maricel Soriano bilang best actress sa 40th Star Awards for Movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong unang dalawang PMPC members na inusisa ko ay dedmadela, NR as in “no reaction” at parang walang narinig.

Iyong pangatlo ay tinanong ko pa kung totoo bang 18-8-0 ang scores sa botohan sa best actress. Itinanggi niya iyon.

At any rate, hiningan ng PEP Troika si Ms. Vilma Santos ng mensahe para sa PMPC.

Nagpadala siya ng text message: “Thank you PMPC!!! Sorry wasn’t able to attend…having asthma attack! Pagod but happy sa US break.

“Well, indeed happy to be with Maria… Ms. Maricel S and Guy… Ms. Nora A sa BEST ACTRESS CATEGORY!!!

“Even triple tie kami sa BEST ACTRESS AWARD… share ko pa din ito sa lahat ng nominees in the BEST ACTRESS CATEGORY!!! Everyone gave their BEST!!

“Salamat din sa DEKADA AWARD!!! Happy 40th Anniv PMPC.”

Nandoon din ang loyal Vilmanians, kahit aware silang hindi makakadalo ang Star for All Seasons.

Kaya napuno ang Henry Lee Irwin Theater ng mga fans nina Ate Vi, Ate Guy, meron pa kay Maricel at kina Dingdong at Marian, at pati ang co-host na si Aiko Melendez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
40th Star Awards for Movies winners: Maricel Soriano, Nora Aunor, and Vilma Santos (inset) win best actress; Dingdong Dantes and Alden Richards named best actor.
PHOTO/S: Edwin Dulfo / Sparkle GMA Artist Center
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results