PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yayamaning aktor at gandarang aktres, hiwalay na

Pamilya ng yayamaning aktor, hindi boto sa gandarang aktres?
by PEP Troika
Published Jul 23, 2024
blind item yayamaning aktor gandarang aktres breakup
PHOTO/S: Freepik

JERRY OLEA

Dalawang araw nang lumuluha ang langit sa Kamaynilaan, at samu’t saring bagay-bagay ang naggigitgitan sa aking isipan.

Sa kasagsagan ng SONA ay lumalagablab online ang isyung “Sir” ng isang angkol sa Kabisayaan, na humigit-kumulang dalawang oras na pinatayo sa harapan niya ang isang pobreng waiter.

Nabulabog ang mga sirena at diwata sa pagkalat ng eskandalosong video ng dakilang aktor na fortysomething na pero bakas pa rin ang pagiging guwaping.

Meron din daw mahalay na video ang isang thirtysomething actor na nagbida sa mga pelikula at serye ng streaming platform na tinaguriang tahanan ng mga makasalanang pelikula, pero hindi ko pa iyon nasilayan.

YAYAMANING AKTOR AT GANDARANG AKTRES, BREAK NA

Ang ikinagitla ko ay ang kuwentong hiwalay na ang mga puti at de kolor sa pag-irog ng isang yayamaning aktor at gandarang aktres.

Ilang masasayang taon ang kanilang pinagsaluhan. May mga pagsubok silang nalagpasan, na nagpatibay ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saksi ang social media sa pamumukadkad ng kanilang pagsinta na wari ko’y wagas at hahantong sa dambana.

Pero nitong mga nakaraang araw, hindi na napagkikita sa Instagram man o Facebook ang kanilang sweet moments. Mas pinagtutuunan na nila ng pansin ang kani-kanyang karera.

Ang sabi ng source ng PEP Troika, mahigit isang linggo na nilang tinuldukan ang kanilang pagsinta. Nauwi ang lahat sa pururot.

NOEL FERRER

Ayon sa nakalap namin, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw boto ang pamilya ni yayamaning aktor kay gandarang aktres.

Maimpluwensiya si yayamaning aktor. Bulung-bulunggan na siguro’y hindi type ng kanyang pamilya na artista ang makakatuluyan niya kahit may koneksiyon sila sa showbiz.

Iba raw ang gusto nila para kay yayamaning aktor?

Oh well, let’s wait and see kung tuluyang magkakalayo ang landas na tinatahak nila, o maaayos ang lahat pagdating ng panahon. Di ba, Sir?

GORGY RULA

Noong narinig ko ang tsikang iyan tungkol sa yayamaning aktor at gandarang aktres, kaagad kong tsinek ang kanilang social media account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang hindi naman sila nagbura ng mga post na magkasama silang dalawa. Nagpa-follow pa rin sila sa isa’t isa.

Mahahalata kasi kapag gagawin nila iyan. Tiyak na hindi sila makakalusot sa mga magagaling na netizens, di ba?

Sa tingin ko kasi, magkakaayos pa sila at sana’y ipaglaban nila ang kanilang pag-iibigan kahit kontra ang pamilya. Sayang ang maganda nilang relasyon kung madadala sila sa ganoong conflict.

Hangad pa rin namin ang masaya nilang relasyon. Laban lang!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Freepik
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results