PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

40th Star Awards For Movies sidelights

Sharon Cuneta, naligwak sa best actress?
by PEP Troika
Published Jul 23, 2024
marian ysabel bong star awards
40th Star Awards for Movies special awardees: (from left) Marian Rivera, Female Face of the Night; Ysabel Ortega, Best New Movie Actress; and Senator Bong Revilla, Darling of the Press.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Umabot ng limang oras ang pagbibigay ng parangal ng PMPC (Philippine Movie Press Club) sa katatapos lang na 40th Star Awards for Movies na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater, sa Ateneo de Manila University, Quezon City, noong Linggo, July 21.

Read: 40th Star Awards for Movies: Nora, Vilma, Maricel triple tie for best actress

Pasado alas-otso ng gabi ito nagsimula at natapos ng pasado ala-una ng madaling-araw.

FANS AT STAR AWARDS FOR MOVIES

Parang bumalik sa alaala ko ang awards night noong araw na talagang nagdagsaan ang mga fans.

Inasahan na namin yun dahil may Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Piolo Pascual na paparangalan.

May fans din ang isa sa hosts na si Aiko Melendez na apat na beses nagpalit ng gown.

Kahit alam ng Vilmanians na hindi makakarating si Ate Vi, nandoon pa rin sila para tumili tuwing nababanggit ang Star For All Seasons at ang pelikula niyang When I Met You In Tokyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo may kaguluhan sa loob ng theater bago nagsimula dahil sa dami ng fans na nakaupo na sa bandang harapan. Nahirapan tuloy makahanap ng mauupuan ang ibang artistang dumating.

Dahil dito, naghigpit na ang guards, hirap nang makakapasok sa ibaba. May ilang grupo ng fans na pinaalis na at inilipat sa likod at sa balcony.

Meron pang dala-dala ang sponsors na aligaga rin sa pagpapalitrato sa mga artista.

Matagal-tagal din ang hihintayin kapag nag-break bago tumuloy sa susunod na gap. Natigil pa sandali ang programa nang papasok na ang National Artist Nora Aunor.

MALE AND FEMALE FACE OF THE NIGHT

Magaling si Robi Domingo mag-host at napaglalaruan ang mga co-host niya habang naghihintay sa susunod na segment.

Doon niya biniro si Alden Richards kung anong oras na ito nakauwi galing sa GMA Gala. Pabulong na sinagot ni Alden ng 5:00 ng umaga, pero narinig pa rin sa mic.

Nakatanggap si Robi ng special award na Male Face of the Night na ini-sponsor ni Engr. Ben Austria ng Bentria Productions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Marian Rivera ang Female Face of The Night, pero hindi niya nakuha ang award, dahil nasa backstage lang sila.

Maaaring hindi nila narinig na siya ang tinawag, o baka nasa kotse sila nakatambay kaya walang Marian na lumabas sa stage.

Itinuloy na ang programa. Pero pagkalipas ng ilang segment, ni-retake ang pagbibigay ng award para personal na itong matanggap ni Marian.

Ibinalik uli si Robi sa stage.

robi marian 40th star awards
Robi Domingo (extreme left) and Marian Rivera (second from right) were named Male and Female Face of the Night
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Sobrang kabado si Ysabel Ortega nang tinanggap ang Best New Movie Actress award na napanalunan niya para sa pelikulang Firefly.

ysabel ortega star awards for movies
Ysabel Ortega
Photo/s: @ysabel_ortega on Instagram

Kahit matagal nang na-anounce na siya ang nagwagi, kinabahan pa rin daw siya nang tinanggap na ang trophy sa stage.

Natawa ang audience dahil parang kinikilig siyang natatawa habang nagbibigay ng acceptance speech.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng kanyang pahayag, “Gusto ko lang po i-share, very sentimental po itong occasion na ito.

"Dito po ako nag-graduate ng high school. And hindi ko po natapos yung graduation ko nun, kasi may taping ako.

“I remember that was during my very first year of being an actress. Now, nine years later, ngayon tinatanggap ko naman ang very first award ko from my very first film.”

DARLING OF THE PRESS

Si Senator Bong Revilla ang napilang Darling of the Press.

Pagkatapos ng ilang taong nanu-nominate sa kategoryang ito, ngayon lang siya nagwagi.

bong revilla 40th star awards for movies
Senator Bong Revilla
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, 40 years na ang pamamahagi ng Star Awards for Movies, siya naman ay kasi-celebrate lang ng 50 years sa showbiz.

Special mention niya ang namayapang Ethel Ramos na tinaguriang Dean of Entertainment Press.

Ngayong taon ay nagbigay ang PMPC ng Ethel Ramos Dean’s Lister Award na unang iginawad kay Ronald Constantino.

Ani Bong, “Espesyal po itong Darling of the Press. Why? Dahil ang mga movie press ay napakalapit po sa aking puso.

“Sa mga nag-start po ng PMPC, like Manay Ethel Ramos, Kuya Ronald Constantino, at least si Kuya Ronald is still alive, pati yung ibang mga kasamahan natin.

“Yung ibang mga officers and members ng PMPC, nakita ko kanina, wow, naging lola at lolo na tayo.

"Pero ganunpaman, sabi nga, wala yung edad. Kundi yung ano ang pinagkatandaan mo.

"Let’s leave a legacy for this industry, ang that’s why we’re doing it right now.”

May dalang tungkod at paika-ika pa ring lumakad si Bong dahil medyo matagal-tagal pa raw ang healing ng kanyang paa. Ang tantiya raw ng doktor, mga tatlong buwan pa ang kanyang pagpapagaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero gusto na niyang simulan ang Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sa GMA 7.

Read: Bong Revilla walking again after foot injury

JONA'S WARDROBE MALFUNCTION

Sa finale number kung saan nagpabonggahan sa pagbirit sina Jona, Carren Eistrup, Elaine Duran, at Lyca Gairanod, itinigil ang pagkanta nila dahil nagkaroon ng wardrobe malfunction kay Jona.

Kitang-kita sa video na nakabuka na ang bandang likuran ng damit niya. Anytime ay puwede na itong bumagsak.

Pero tuloy pa rin sa pagbirit si Jona habang hawak hawak-niya ang kanyang blouse.

jona 40th star awards for movies
Jona during her performance with Lyca Gairanod and Carren Eistrup.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinigil ang kanilang pagkanta, umakyat sa stage ang floor director, at tinakpan na si Jona.

Pinalabas muna sila ng stage para ayusin ang damit ng magaling na singer.

Magaling silang apat at naitawid nila ang bonggang production number na yun.

JERRY OLEA

Na-announce na ang karamihan ng winners sa 40th PMPC Star Awards for Movies bago ang mismong awards ceremony.

Kung hindi nila ginawa iyon, abutin kaya sila ng pagtilaok ng manok?

Noong 2006 pa inihiwalay ng PMPC ang kategorya ng ibang awards para sa indie movies.

Para sa FAMAS, Gawad Urian, Luna ng Film Academy of the Philippines (FAP), at EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang pelikula ay pelikula kahit pa iyan ay mainstream o indie.

May sariling pamantayan ang PMPC Star Awards for Movies.

Sampu ang nominadong best actress ng 40th Star Awards for Movies.

Noong isang linggo pa naulinigan ng PEP Troika na triple tie sina Nora Aunor, Vilma Santos, at Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
maricel soriano nora aunor star awards for movies
Maricel Soriano and Nora Aunor accept best actress award
Photo/s: Gorgy Rula

May nagsulong imano na quadruple tie sana at ka-join si Sharon Cuneta, after all, apat na dekada na ang nasabing award-giving body. May dahilan kung bakit ligwak ang idol kong Megastar.

Ang best actress ng Gawad Urian na si Charlie Dizon ay hindi kabilang sa sampung nominado sa Star Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-best actress din si Charlie sa EDDYS, katabla si Julia Montes na hindi rin nominado sa Star Awards, ha?!

Bukod kina Ate Guy, Ate Vi, Marya at Shawie, ang anim pang nominadong best actress sa Star Awards ay sina Gina Alajar, Ai Ai de las Alas, Alessandra de Rossi, Gladys Reyes, Marian Rivera, at ang best actress ng FAMAS na si Kathryn Bernardo.

Read: 40th Star Awards for Movies partial list of winners announced

Ang Ensemble Award, usually ay jury prize, o espesyal at karagdagang pagkilala. Sa PMPC, kategorya ito na pinaglalabanan.

Sa pitong Movie of the Year nominees ng Star Awards, anim ay entries ng MMFF 2023 — Family of Two, Firefly, GomBurZa, Mallari, Rewind, When I Met You In Tokyo.

Ang pampito ay Five Breakups And A Romance.

Ang best picture ng 49th MMFF ay Firefly. Second best picture ang GomBurZa, third best picture ang Mallari, at fourth best picture ang When I Met You In Tokyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang best director ay si Pepe Diokno ng GomBurZa.

Kagaya ng FAMAS, ang best picture ng Star Awards ay ang Mallari.

Taped as live itong 40th PMPC Star Awards for Movies, kaya nire-retake kapag may mali at hindi maganda ang kinalabasan sa awards ceremony.

Mapapanood ito sa A2Z sa July 27, Sabado ng 10:30 P.M.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
40th Star Awards for Movies special awardees: (from left) Marian Rivera, Female Face of the Night; Ysabel Ortega, Best New Movie Actress; and Senator Bong Revilla, Darling of the Press.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results